IS HE BACK?!
KRISHA'S P.O.V
"Haaaay grabe, Inaantok pa rin ako!" Hikab ko at itinaas ko ang dalawang kamay ko para umunat.
"Grabe ka naman bes, Magdamag ka na nga natulog kahapon, Inaantok ka pa rin ngayon?"
Naglalakad kami ni mimi papuntang canteen. Nandito na kami sa school. Kasi Monday ngayon. Kakatapos lang ng first subject.
Naikwento ko na rin sa kanya ang buong pangyayari. As in simula nung nagkahiwalay kami sa gym, hanggang sa matulog na ko ng gabi. Ayun! Ang OA na naman. Haha.
Nagkaroon na nga sya ng..
STEVEN THE DIMPLE
VS.
DWAYNE THE CRAZY
Ang corny diba? HAHA. Ang daming alam eh. Magdamag akong natulog kahapon. Ni.hindi nga ata ako lumabas ng kwarto ko. Ewan ko ba, Antok na antok ako kahapon eh. Puyat kasi eh. diba?
"Ewan ko ba, Antok pa rin ako. Hay."
"Matulog ka ulit! Dali."
"Yoko na, Baka di ako makatulog mamayang gabi."
"Edi pumunta ka sa park pag di ka nakatulog. Malay mo naghihintay ulit dun yung prince charming mo. Hehehe.." Pangasar nya
"Ewan ko sayo bes!" Inirapan ko lang.
"Kiddin'. HAHA, Nasan nga pala si mr. dimple? Di ata nagpaparamdam ah?" Tanong ni mimi
Nakarating na kami sa canteen at umupo kami sa bakanteng puwesto. "Ewan ko eh, hindi nga nagtetext sakin eh. Baka nasa practice na naman? Sa Friday na yung tournament diba?"
Malapit na kasi yung tournament nila, kaya siguro puro practice na sila.
"Oo nga, Nakalagay na yun sa bulletin eh. Eh si Mr.Crazy kaya nasan na? Hakhak. "
Si dwayne yung tinutukoy nya, Hmm. Kamusta na kaya sya? Hindi kasi sya nagtext sakin kahapon eh. Siguro may sakit pa rin sya? Hmm. Bakit ko nga ba sya hinahanap? Ano ba krisha. stop na nga. Pero kung may sakit sya, Paano na yung game? Bahala na nga. Kung ano ano iniisip ko.
"Uy si dwayne oh!" Tumingin si mimi sa likod ko
"Asan?" Tinignan ko kung nandun nga.
"Uyyyy, Hinahanap. Hahaha. bes ah?" Pangaasar nya ulit.
"Ewan ko sayo bes! Nagaalala lang ako."
"Weeeh? Baka namimiss?" Ngumiti sya ng nakakalokong ngiti.
Namimiss ko nga ba? Hindi noh!! Naalala ko na naman tuloy yung sinabi ni klein. Hayyy.
Tinamaan daw sakin si dwayne. Psh. Lelang nya. Speaking of klein, Nakwento ko na din yun kay mimi. HAHA, Ayun, Inggit na inggit. >;)
"Hay nako, Kausapin ko nga ulit si klein, Papahatid ulit ako mamaya." Pangaasar ko kay mimi, kanina nya pa ko inaasar eh.
"Subukan mo lang! Baka makakita ka ng umiikot na starfish sa ulo mo!" Aniya nya sabay irap.
Wahaha, Asar!
"Hehe, Joke lang bes! Libre mo na lang ako. Dali!" Pangungulit ko sa kanya
"Ewan ko sayo, Bahala ka jan! Belaaaat!" Akmang tatayo na sya
"Ay sandali nga, Nasaan ba si klein, Magpapahatid na lang ako mamaya. Wala kasi yung magsusundo sakin eh." Mwahaha, Mapipikot din kita bes.
"Oh sabi ko nga halika na eh, Pumili ka ng pagkain mo, Gusto mo lahat ng tinda ipapakaen ko sayo eh..." Sabi nya sabay hila sakin. HAHA, Kala mo ah.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...