CHAPTER 3

262 2 0
                                    

NEW FRIEND.

"What are you looking at?" Masungit na sabi samin nung lalaki.

"Ahhh ehhh, kasi kanina ka pa namin napapansin jan, mukhang galit na galit ka. Ano bang problema mo?" Natatakot na sambit ko sakanya.

Tumitig sya sakin, Nakakatakot yung mga tingin nya. Parang nakakatunaw. Nanlilisik, "It's none of your business...Miss." Sabay talikod sa amin at nakapamulsa.

"Ay ang taray bes!" Pang aasar nya dun sa lalaki.

"GUSTO KA LANG NAMAN SANA NAMING TULUNGAN." Sigaw ko sa kanya habang naglalakad sya palayo sa amin.

Bigla syang huminto sa paglalakad at nagsalita. "You want to help? then come with me." Banggit nya ng hindi man lang kami nililingon.

Nagtinginan kami ni mimi at naglakad papunta sa kanya. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa gate ng school.

"Uy ano ba? Saan ba tayo pupunta?" Pangungulit ni mimi dun sa lalaki.

"Just shut up and follow me." Masungit pa rin na sabi nya. Sinundan na lang namin sya. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang coffee shop.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa lalaki na kanina pa namin sinusundan, Habang nakatingin sa shop na nasa harap namin

"Gagawa ng kababalaghan siguro bes? tingin mo? Kita mo ng coffee shop. Malamang magkakape." Sarkastikong sagot sakin ni bes.

Kinurot ko na lang sya dahil sa pangbabara nya sakin. binelatan na lang nya ako. Grabe tong bes ko. Napaka ano. Haha.

"Pumasok muna tayo sa loob." Aniya nung lalaking kasama namin. Napairap na lang ako sa kawalan. Ang sungit kasi eh. Sumunod naman kami sa kanya.

Nang nakapag order na kami ng kape, umupo kami sa isang dulo. Katabi ko si mimi, at kaharap naman namin ang lalaki at napansin ko na ang isang masungit na lalaki kanina tila nag.bago ang aura. Naging maamo ang mukha nya at ngumiti na sya. Weird?

"Hi? I'm Steven. Steven Buenaventura. You can call me steve. Anyway, sorry about what happened earlier, It's just that I was in a bad mood." Aniya sabay pout at lahad ng kamay.

Inabot naman ni mimi yung kamay nya at nakipag shake hands, "I'm Mimi Geronimo, Anyway, It's okay. Akala talaga namin sasapakin mo na kami or worst kakainin ng buhay dahil sa ekspresyon mo kanina. Talagang naawa lang kami sa pader kasi nabugbog mo na ng sipa." Pagbibiro ni mimi habang tumatawa.

Humalakhak sya, "Hindi naman. Sorry about that." Nakangiting sabi ni steve.

"How about you? What's your name?" Nagulat ako ng bigla syang tumingin sa akin. Para bang titig na titig sya, Nakakatunaw yung mga tingin nya.

Medyo naiilang tuloy akong tumingin sa kanya "I'm Krisha Imperial." Tipid kong sagot.

"Oh, nice name." Aniya sabay pakita ng dimples nya.

Ngayon napansin kong talagang gwapo ang lalaking to. Ang mga mata nyang nagpapakita ng kanyang ekspresyon. kapag galit, masaya o malungkot. Ang ilong nya na matangos at labi nyang manipis. lalong nadagdagan ang gwapo nya dahil sa kaakit akit nyang dimples. Napakalalim ng dimples nya. Grabe nakakapangtunaw. Sht, Godlike pala ang mga estudyante ng San Celestial. Para tuloy kaharap ko ang isang artista.

"Uy nga pala, ano ba nangyari? bakit badtrip ka kanina?" Pagsingit ni mimi.

"Ah, yun ba? Nabadtrip kasi ako kanina. Napagtripan kasi ako nila dwayne eh. Naglaro kasi kami ng basketball at natalo namin sila, Pagtapos nun, Pumunta kami ng mga team ko sa head quarters namin para makaligo. Since ako yung madalas makakuha ng puntos sa team namin, ako yung napagdiskitahan. Kinuha nila yung pamalit ko ng damit sa locker Habang naliligo ako, and guess what?" Pangbitin nyang sabi.

"What?" Sabay naming sabi ni mimi.

"Sinabit nya yung mga damit ko sa gitna ng campus at naglagay ng "Guys I'm naked. From: Steven Buenaventura." Inis na inis nyang sabi.

Nanlaki yung mata namin, Nagulat kasi kami sa sinabi nya, "WHAAAAT?? HAHAHAHAHAHA. NAGAWA NYA YUN? OH MYYY. HAHAHA. Kunsabagay hindi na ako magtataka. Pero, HAHA! steve sayang hindi kita nakita kaninang nakahubad." Tawa kami ng tawa ni mimi sa kwento nya. Nagpout naman sya samin kasi tawa pa rin kami ng tawa.

Nahawa na lang din sya sa pag tawa namin, at napailing "You're crazy, Buti na lang eh may extra pa akong damit sa bag ko, kaya yun na lang ang ginamit ko." Aniya, At uminom ng kape na hawak nya.

"Pero grabe naman, Napaka bully naman nila. First day pa lang gumagawa na agad ng kababalaghan ah. And who's dwayne anyway?" Pagtatanong ko sa kanya, Ang lakas nya mangtrip. Jusko.

Tumingin sakin si mimi at binaba ang kape na hawak nya, "Nako bes don't ask na, Baka mabadtrip ka lang. Right steve? " Sabi ni mimi at kumindat.

"Yeah right!" Sambit ni steve at tumingin ulit sakin.

"Pero bakit hindi ka gumanti? At paano mo nalaman na sya gumawa nun sayo?" Pagtatanong ko.

"It's not the right time para gumanti ako sa kanya.." Uminom sya ng kape at ibinaba ito ulit, Nagsimula ulit magsalita. "Alam kong sya ang gumawa nun dahil may blue stamp ang placard na ginawa nya, Basta may bahid na blue, Sya na ang may gawa nun. But he's not the only one who did it. they're five and dwayne is their leader." Sabi nya.

Grabe, Hindi ko lubos maisip na madami palang naghahari harian at nag rereyna reynahan sa school na yun. Ang daming nangbubully. Kunsabagay mayayaman kasi eh, Pero grabe pala doon. Grabe sya maka asta. Nakakainis.

Habang nag kakape kami, marami pa kaming napagkwentuhan, Mabait pala talaga tong si steve. 3rd year student na sya as business management, He's also a varsity player, Basketball player sya. How cool. About dwayne ba yun? hindi ko na sya tinanong kela mimi, makikilala ko naman sya afterwards. Tsaka isa pa, Wala rin naman akong pake sa kanya. Naiinis lang ako.

"By the ways girls, I have to go. May gagawin pa pala ako. Thanks for the time..." Saad nya, nandito na kami sa labas ng shop.

"Thanks din mr.sungit." Aniya ni mimi.

Tumawa naman sya, "Oh, anyway can I have your numbers?" Tanong nya sabay kuha ng kanyang phone sa bulsa. Tumango na lang kami at inabot ang phone nya.

"Thanks girls, See you tomorrow! I have to go na. Bye." Pagpapaalam nya sa amin.

------------------

Follow Us on twitter . :)

@ItsMeCessieee

@KrabbyPamiie

Enjoy reading. =) <3

Patawad po, May kaunti akong binago dito. Sorry!

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon