MY MYSTERIOUS GUY.
Song: Not a bad thing - Justin Timberlake. (Boyce avenue acoustic)
--
"Krisha..."
Napatingin ako kay Dwayne nang tawagin nya ang pangalan ko. Nandito pa rin kami sa sasakyan nya. Ang totoo, hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Hinayaan ko na lang sya kung saan nya man ako dalhin.
"Hmm?"
Panay ang sulyap nya sa akin habang nagmamaneho sya. Ginamitan nya ako ng seryosong mukha.
Kinagat nya ang kanyang labi. Shit! Bakit ganun? Simpleng gestures lang nya naa-attract na ako? Kahit seryoso sya ngayon ay napapatingin pa rin ako sa bwisit na mamula-mula nyang labi. Oh my! This is so wrong. I'm so addicted.
"What if I tell you something that you don't expect?"
Napataas ako ng kilay sa tanong nya. I don't expect? Ano 'yun?
"Huh?"
Suminghap sya at bumaling ulit sa daan. Panay ang kagat nya ng mapula nyang labi. Argh! Bakit ba nade-distract ako sa labi nya? Nakakainis naman, oh!
"What if..." Umiling sya at kumunot ang noo nya.
Ano bang nangyayari sa kanya? May iniisip ba syang hindi ko alam? Parang sa inaakto nya, eh parang nahihirapan syang magsalita.
"Ano ba 'yun, Dwayne?"
Nagbuntong hininga sya, "What if you'll find out that I wasn't the Dwayne you've known?"
Napakunot ang noo ko.
Ano ba yung sinasabi nya? Hindi ko na sya maintindihan.
"Ano ba yang pinagsasabi mo?"
Tumingin sya sa akin at ngumiti. Pag tapos ay umiling.
"Never mind."
Hinawakan ko yung braso nya, "Ano ba 'yun, Dwayne? Hindi kita maintindihan eh."
Tinignan nya muna yung braso nya na hawak ko at nag taas ng tingin sa mga mata ko.
Ngumiti sya ngunit may pangamba ang kanyang mata.
"Wala 'yun."
Kumunot ang noo ko at humilig na lang sa upuan. Nag crossed arm ako.
"Nakakainis ka! Puro ka wala eh. Mag sasabi ka tapos binibitin mo ako. Tss."
Umirap ako sa kawalan at tumingin na lang sa labas kung saan makikita mo ang matatayog na puno. Maraming puno na ang nadadaanan namin.
"Sorry, Babe." Malamig na sabi nya.
Tinignan ko sya. Seryoso ang tingin nya sa daan. Ano bang iniisip ni Dwayne ngayon? Hindi ko na sya maintindihan. Gusto ko syang intindihin, pero paano? Paano ko sya iintindihin kung ayaw naman nyang sabihin sa akin kung ano 'yun? Naiinis ako sa kanya. Siguro ay hindi nya ako pinagkakatiwalaan sa isang bagay na 'yun. Siguro ay hindi nya kayang sabihin dahil wala syang tiwala. Aish!
"Dwayne, May tiwala ka ba sa akin?" Out of nowhere kong tanong sa kanya.
Sumulyap sya sa akin.
"Yes, Ofcourse. Why do you asked that kind of question?"
"Kasi feeling ko wala eh."
Nangunot ang noo nya, "Bakit naman?"
Nagiwas ako ng tingin. "Wala." Matabang na sabi ko.
Naiinis lang talaga ako sa mga inaakto nya ngayon.
"I trusted you." Aniya.
Suminghap ako. Trusted? Parang hindi naman. Nakakainis sya!

BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...