CHAPTER 58

89 2 3
                                        

COMPLICATED




Palaisipan pa din sa akin ang sinabi ni Hurricane. Hindi ko s'ya maintindihan. Hindi ko maintindihan ang sinabi n'yang iyon. Naguguluhan ako sa inaakto n'ya.

"S-sandali lang, Yuri. Ano na naman ba 'to? Ano bang sinasabi mo?" Binawi ko na ang kamay ko.

Nandito na kami sa madilim na parte kung saan walang nakakakita at walang tao. May cottage dito pero gaya nga ng sabi ko ay walang tao dito.

Nagiwas s'ya ng tingin sa akin at tinuon ang mga mata sa kawalan. Kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata dahil sa liwanag ng buwan. Nakakunot ang noo nya. At gulo gulo na ang kanyang buhok.

Sumikip ang dibdib ko habang tinitignan ko ang frustration ng mukha nya. Parang kumirot ang puso ko nang makita ko s'yang naiiyak na. Kinagat nya ang kanyang labi na para bang pinipigilan ang sarili.

"Putangina, Krisha..." Umiling s'ya. "Hindi ko na kaya 'to! Mababaliw na talaga ako." Hinilamos nya ang kanyang mukha nang may tumulong luha dito.

Gumuho ang mundo ko habang tinitignan ko s'ya. Nanlamig ang katawan ko at nanginig ang tuhod ko sa nangyayari sa kanya. Para akong binuhusan ng tubig nang tumulo ulit ang luha na lumandas sa kanyang pisngi.

ANG SAKIT!

Seryosong-seryoso ang mukha nya, Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman nya. Nasasaktan ko s'ya ngayon. Nasasaktan ko s'ya sa ginawa ko kanina. Sumisikip ang dibdib ko sa pinapakita nya.

Masakit makitang nasasaktan ang taong mahal mo. At mas lalong nagpasakit sa akin na makita na naman s'yang umiiyak. Gusto ko s'yang yakapin. Gusto kong humingi ng tawad. Gusto kong alisin lahat ng sakit ng nararamdaman n'ya. Gusto kong pawiin lahat.

Pero punong puno ng katanungan ang isip ko ngayon. Oo, Tama sila Klein. Gumana na ang plano nila. Ngunit naguguluhan pa rin talaga ako. Mahal nya pa ba ako? Gusto nya pa ba ako? Kasi gaya nga ng sinabi ni Klein, Kung si Sarah ang mahal nya, Hinding hindi sya magpapaapekto sa lahat ng gagawin namin. Sa lahat ng plano namin.

Pero, Sa nakikita ko ngayon, Mukhang lumabas na ang tunay na nararamdaman nya. Sa pinapakita nya ngayon ay parang nararamdaman kong ako pa rin ang mahal nya. Na ako pa din at hindi si Sarah.

Gusto ko s'yang tanuning sa lahat ng 'yon. Pero hindi na ako makapagsalita. Hindi ko masabi lahat ng naiisip ko ngayon. Nanunuyot ang lalamunan ko. At masakit sa puso ang nakikita ko ngayon. Ang makitang ganito s'ya kalungkot.

Humugot s'ya ng malalim na hininga dahil siguro sa bigat ng pakiramdam nya. Nakapuwang ang kanyang labi.

"I couldn't believe this.." Umiling s'ya at ngumiti. Pero bakas pa din sa mata nya ang lungkot at poot.

"You know, I've already planned everything...Everything, Krisha! Akala ko mananalo ako...But-" Ginulo nya ang buhok n'ya. "Fuck, I lost again. I failed this fucking plan. Damn plan!" Kinagat nya ang labi n'ya habang umiiling.

Plan? What plan are you talking about? Kumunot ang noo ko at pinahiran ang tumulong luha sa pisngi ko.

"A-anong sinasabi mo?" Sa wakas ay nakapagsalita na din ako.

Tumingin s'ya sa akin. Madilim ngunit naaaninag ko pa din ang pagkislap ng kanyang luha sa kanyang mata.

Suminghap s'ya at umiling, Nagiwas ulit s'ya at tumingin sa kawalan. "I tried to show you that I've already fall out love on you....Damn!" Ngumiti sya, "I tried my fucking best just to make you feel that I'm already done on you."

Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nya. Pinaramdam nya sa akin na hindi na nya ako mahal? I really don't understand.

"But, Fuck! I can't. I really can't do it...Lalo na pag pinaparamdam mo sa aking hindi mo na ako mahal. Lalo na kapag nakikita kong...Nakikita kong masaya ka sa iba. Bullshit! I tried everything!" Ginulo nya ang buhok nya.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon