MAKE HIM BACK?!
Natapos na ang birthday ko at pasko, hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi sa akin ni Klein. I don't know about his plan. Kung ano man yun. Ewan ko.
Nung birthday ko, Wala naman masyadong party. Kumain lang kami sa labas kasama ko ang family ko pati na rin si Steven. He gave me necklace with my name on it. Nakakalungkot lang dahil kahit sa mismong birthday ko, Hindi man lang nagparamdam si Yuri. I was very disappointed that time. Naiinis ako sa kanya, Pati na rin sa sarili ko.
Pasko nung sinagot ko si Steven. Oo, kami na. Kung paano nangyari yun? Ay biglaan. Sinurpresa ba naman ng pamilya nya eh. Hindi ko masabing hindi. Alam kong mali 'yon. Nakakahiya naman kasi diba kung bbusted-in ko sya sa harap ng pamilya nya. Mahal ko na rin naman si Steven eh. Hindi nga lang kagaya nung kay Yuri. Sobra pa sa sobra ang pagmamahal ko sa kanya. Pero gagawin ko ang lahat para higitan ang pagmamahal na yun para kay Steven. Kakayanin ko 'yun. Kakayanin namin 'yun. Gagawin ko lahat para makalimutan na sya.
"Are you sure, baby. You don't want to come with us?" Tanong nya sa akin habang bumabyahe kami pauwi sa bahay.
Galing kami kela Tita. Ihahatid nya ako pauwi sa amin. Dun kela mommy. Uuwi na din kasi yung mga pinsan ko. Diba ang sabi nila magbabakasyon sila dito kapag New year. So ayun, Sayang nga lang ay ayaw sumama ni Tita. Aalis din kasi sila ni Tito eh. So kaya uuwi na rin ako ngayon sa bahay namin.
Umiling ako, "Diba, Sabi ko naman sa'yo. Uuwi na yung mga pinsan ko. So dun na ako magce-celebrate ng New year. Ikaw ba? Dapat ikaw na lang ang sumama sa amin eh. Sama mo na rin sila Tito at Tita pati si Pinky."
Humalakhak sya, "Baby naman. Aalis nga kami eh. Pupunta kami sa Australia. Titignan kasi nila yung pinagawang bahay dun. So, dun na kami magpapalipas ng New year. Sama ka na kasi sa akin....Please?" Pakiusap nya habang pinipisil nya ang kamay ko.
Ngumuso ako para pigilan ang ngiti ko. Ang cute talaga ni Steven. Lalo na kapag naglalambing.
"Baby, Hindi nga pwede." Aniya ko.
Ngumuso sya habang nagddrive. Nagpapatampo effect na naman sya ngayon.
Binatukan ko nga.
"Aray! Para san 'yun?" Tanong nya habang hinihimas ang batok.
Humalakhak ako. "Ang pangit mo kasi eh." Natatawang sabi ko.
Sa totoo lang ang gwapo nya nga eh. Ang lalim ng dimple, may pagkachinito. Halos lahat ng hahanapin ng babae nasa kanya na. Full package kumbaga. Ang swerte ko na sana eh. Kaso...Ugh! Nevermind.
"Makapangit ka naman. Kaya pala kanina ko pa napapansin ang titig mo sa akin." Aniya habang diretso ang tingin sa kalasada.
Napakagat ako ng labi. Ayan na naman sya. Feeling nito. Hindi ko naman sya tinutignan eh. Hindi nga ba? Eh ang cute nya kasi. Naiinggit nga ako sa dimple nya. Sana ako din may ganun. Kaso sa pwet lang ata ako meron 'nun! LOL. Joke lang syempre. Wala akong dimple.
"Eh kasi may kulangot ka." Natatawang sabi ko. Excuse ko na naman 'yan. Eh kasi wala talaga ako maisip na dahilan.
Tumawa sya, "Asa, baby. Alam ko na style mo. Naalala ko pa yung sinabi mo yan sa akin dati. Ang totoo wala naman talaga. You just don't want me to notice na tinititigan mo talaga ako that's why you try to distruct me. Okay lang naman sa akin eh, Baby. You can look at my features anytime. Libre lang, Walang bayad. Dali titigan mo pa ak--Ah!" Humagalpak na naman sya ng tawa.
Kinurot ko kasi yung tagiliran nya. Ang feeling talaga ng lalaking 'to. Natatawa tuloy ako sa tawa nyang nakakahawa. Yung tawang parang walang bukas. Basta hindi ko maipaliwanag. Para kasing machine gun eh. LOL. Sana ganito na lang kami lagi kasaya. Yung tipong pareho kaming masaya, at pareho naming mahal ang isa't isa. Yung walang lalamang pa. Yung walang hihigit pa.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomantikHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...