CHAPTER 33

265 2 0
                                        

BABE.

"Bakit ang tagal mo?" Sanghal sa akin ni mimi.

Nandito na ako ngayon sa canteen, nakaupo sa tabi mimi at kaharap ko ngayon si steven.

"Eh kasi naman, Ang kulit nung dwayne na 'yun. Aish!" Kumuha ako ng fries na nakahain sa lamesa.

"Bakit? Ano ginawa nya sa'yo?" Tanong ni steven.

"Wala naman." Kinagatan ko yung fries.

"Hmm, Napapansin ko panay ang lapit nya sa'yo nitong mga nakaraang araw. May something ba kayo?" Intriga ni mimi

"Wala 'no." I automatically said.

Anak ng tupa. Nakakahalata na tuloy sila. Kailangan ko ng iwasan si dwayne dito. Ano ba 'yan.

Well, Nandito pala ako kasi pinayagan na nya ako. HAHA! akala mo boyfriend ko na eh 'no? Kailangan pa magpaalam. Nakakaloka.

Pinagawayan pa nga namin kanina yun eh at bwisit talaga.

*Flashback*

"San ka pupunta?" Tanong sa akin ni dwayne nang maglakad ako paalis.

Nilingon ko sya, "Sa canteen, Duh? Hinihintay kaya nila ako." Sabay irap.

Naramdaman ako ang pagsunod nya sa akin at sinabayan pa ako ng lakad.

"Okay, Just to make sure na malayo layo ka kay steven ha. Ayokong dikit na dikit sya sa'yo--"

*Poink*

"Aray!" Hinimas nya ang batok nya.

"Ang possessive mo! Hindi pa kita boyfriend kung makaasta ka akala mo-"

"Well, soon to be your boyfriend. Besides, You're mine already. Simula nung niligawan na kita akin ka na-"

*Poink*

"Aray! Kanina ka pa ha. Mapuputol na ang ulo ko kakabatok mo sa'kin eh." Kunot ang noo nya.

Patawa sya, Sarap nyang asarin. Pero kasi nakakaasar sya. Ang lakas talaga ng loob nyang magsalita ng ganun.

"Sana nga maputol na yang ulo mo. Paano ba naman kasi, kung ano anong pumapasok dyan sa kokote mo! Sinasapot na talaga yang utak mo eh 'no?"

"Ano ba 'yun? Anong masama sa sinabi ko? Eh totoo namang akin--Oh!"

Umilag sya kasi tinaas ko na naman ang kamay ko.HAHA! Bwisit kasi.

"Parang kang timang! Binabakuran mo na ang isang bagay kahit hindi pa sa'yo. Inaangkin mo na ang isang tao kahit hindi pa naman kayo, at ninanakaw mo na ang puso ko kahit di naman tayo." Sigaw ko. Pinagtitinginan na naman kami dito. Ang epal lang kasi ne'to ni dwayne eh.

"Well, Handa kong nakawin, bakuran at angkinin ang isang tao basta ba ikaw yung taong yun eh-"

*Poink*

"Aray ko! Nakakatatlo ka na ha! Isa pa, hahalikan na kita dyan!" Hinihimas himas nya ang batok nya.

"Puro ka kalokohan eh. Sasakalin na talaga kita dyan eh, Para matuluyan na yang matanggal." Inirapan ko sya.

"Sige ba, Basta ba itatago mo yung ulo ko eh-"

*Poink*

"Damn it." Kumunot na ang noo nya, Tinignan nya ako sabay ngumisi. Ay shete! Ayan na sya. Tatakbo na ako! Run for your life krisha!!!

"WAAAAHH!" Sigaw ko habang tumatakbo.

"Halika dito. Yari ka sa'kin!" Sigaw nya.

Bilisan mo! Whaaa! Ayan na sya.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon