HE'S MAD.
"Ah..Eh..Alis muna ko, bes." Aniya mimi.
Hindi na nya ako pinasalita ay agad na syang umalis palayo sa akin. Oh great!
"Bes-" Sigaw ko ngunit hindi na nya ako narinig dahil malayo na sya sa akin.
Lumakas ang pintig ng puso ko nang marinig ang iilang hakbang papalapit sa akin. Napakagat ako ng labi. Shemay! Anjan na sya. Ayan na!
"Babe.."
"Ay babe!" Napatalon ako nang marinig ang boses nya. Shet, Bakit yun ang nasabi ko. Napatakip ako labi. Kainis!
Lumingon ulit ako sa kanya at kitang kita ko ang makisig nyang pangangatawan. Nakahalukipkip syang nakatayo. Naka plain white shirt sya at kwintas na cross. Ang simple lang ng suot nya pero ang angas tignan.
Malaki ang ngisi sa kanyang labi. Ngunit seryoso ang mukha nya. Humakbang papalapit pa sa akin at tumabi. Ipinatong nya ang kanyang braso sa likuran ng upuan ko. Pinagmasdan nya akong maigi.
Umusod ako palayo sa kanya, Umusod naman sya palapit sa akin. Nakangisi pa rin sya ngunit seryoso ang mga mata nya.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, Pakiramdam ko ay matutunaw na naman ako kapag ginawa ko yun. Masyadong maganda ang mata nya para tignan ko ito ng malapitan.
Ano bang ginagawa nya dito? Ang sabi nya hindi daw sya makaalis sa bahay niya, eh bakit nandito sya? Tss.
Hinawakan nya ang baba ko at hinuhuli nya ang tingin ko. Dahan dahan nyang inilapit ang kanyang mukha. Mas lalo akong kinabahan sa ginagawa nya.
"Babe, Look at me..." Malambing na sabi nya.
Walangya! Ayan na naman sya sa look at me na yan. Kanina ganyan na sya, ngayon ganyan na naman. Aish!
Tinignan ko sya kahit na labag sa aking sarili na gawin yun. Dahil hindi ko kayang titigan sya, pakiramdam ko ay matutunaw na naman ako. Langya! Bakit ba ganito si dwayne. Ang lakas nya.
"You know what..." Bulong nya, Halos umangat lahat ng balahibo ko dahil sa boses nyang mapangakit.
"I feel so mad...Really mad."
Yeah! You're a mad ape, now. Ewan ko ba bakit sya nagagalit. Kanina lang ay okay pa sya, Tapos ngayon galit na naman sya.
"B-bakit n-naman nagagali-"
"But your 'babe' is melting me." Seryosong sabi nya na mas lalong nagpakaba sa akin.
Napakagat ako ng labi, Shit naman. Para akong mamamatay dito. Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko.
"B-bakit ba n-nagagalit ka?" Kunot noo kong tanong.
"Because you're with andrew earlier." Matigas na ingles na sabi nya.
Hinampas ko sya sa braso. Yung may sugat nya.
"Aww!" Daing nya sabay hawak sa braso nya. Napangiwi sya sa sakit. Tss, Dapat lang.
"Ang OA mo!" Irap ko.
"What?" Iritadong sabi nya.
"Kasama ko sya kanina kasi nakatambay kami dito, Hindi pa kasi sila pinapasok sa office. Tsaka hindi naman si andrew lang kasama ko, Apat sila. Kasama si mimi." Humalukipkip ako.
"I know.." Ngumisi sya.
"Eh alam mo pala eh, Anong inaarte mo dyan? May pagalit galit ka pang nalalaman eh."
"I'm mad at them. Nasaan ba yung mga kupal na 'yon? Tinaguan ata ako ah? I'm going to break their fucking asses when I saw them." Aniya sabay nag linga linga na parang may hinahanap.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...
