CHAPTER 53

116 0 0
                                        

STOP BEING SO STUBBORN.

"Get in, Krisha." Ani Klein habang nasa loob pa rin ng sasakyan.

Nandito ako ngayon sa isang kanto kung saan ko hinintay si Klein. Hindi na ako sa mansyon nagpasundo dahil natatakot ako na may ibang makakita sa akin. Isa pa, Hindi rin alam ni Tita 'to. Ang paalam ko sa kanya pupunta lang kami ni Mimi sa bar, Party kumbaga.

Natatakot din ako na baka malaman ni Steven ang ginagawa kong 'to. Sobra na akong tinatamaan ng konsensya ko. Sobrang laki na yata ng kasalanan ko kay Steven. Ilang beses na akong umurong dito sa plano nila pero eto pa rin ako. Sumasabak sa gera. Walangya! Hanggang ngayon nasa Australia pa rin sya at hindi ako sigurado kung kailan sya uuwi.

Sumakay ako papasok sa passenger seat ng sasakyan ni Klein, Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan. Napaka-gentleman naman ng isang 'to!

"Salamat ha! Ang gentleman mo. Bwisit, Ganyan ka ba sa mga date mo?" Sarkastikong sabi ko habang inaayos ko ang sarili ko dito sa upuan.

Tumawa sya at, "We're still not doing the plan. Later on, Kapag nasa bahay na tayo." Aniya.

"So kapag nasa bahay mo na tayo, Tsaka ka lang magiging gentleman?" Umirap ako.

"Exactly!" Ani Klein sabay tawa. Tapos ay pinaharurot na ang sasakyan.

Bwisit na lalaki 'to! Walang ka gentleman sa katawan. Parang mga kaibigan nya. Tss.

Hindi na ako nagsalita dahil naiinis ako sa kanya. Mga pinagmanahan nga naman oh! Manang mana sa mga bwisit nyang kaibigan. Akala ko pa naman iba sya sa mga unggoy na 'yun. Isa rin pala syang unggoy. Leche!

"Anyway, What's with your look? Ayos 'yang trip mo ha! Gabing gabi na nakashades ka pa?" Humalakhak sya.

Tinignan ko sya ng masama at hinubad ang shades ko. Ang dilim na kasi. Mukha pa akong tanga. Eh kasi naman ayaw kong may makakita sa akin. Mahirap na baka malaman pa ni Steven ang kalokohan na ginagawa sa akin ni Klein at Mimi. Paniguradong lagot ako. Ang alam nya kasi party ni Mimi ang pupuntahan ko at hindi ni Klein.

"Ano bang pake mo? Mabuti nga sumama pa ako sayo! Hindi ba pwedeng matuwa ka na lang? Bwisit 'to!" Humilig ako sa upuan at humalukipkip.

Tumingin ako sa labas. Madilim na ngayon, Kitang kita na ang mga ilaw sa sasakyan at mga poste. Maraming tao ang naglalakad sa lugar na ito. Kaya naman medyo mabagal ang takbo ni Klein.

Humalakhak sya. "Tuwang-tuwa nga ako eh. 'Yan ba tinururo ni Dwayne sa'yo? Ayos ha."

Akala ko dati saksakan ng sungit ang isang 'to. Pero ngayon, Patawa-tawa na lang. Ang lakas pa mangasar! Bwisit lang!

"Heh! Tigilan mo nga ako! Uupakan na kita d'yan eh." Sinamaan ko sya ng tingin.

"Parehas talaga kayo ni Dwayne. Nakakatakot!" Ngumisi sya habang umiiling.

Nagtataka ako, Bakit ba natatakot sila kay Yuri? Eh ang bait kaya 'non, DATI. Oo, Dati. Pero ngayon talaga malaki na ang pinagbago nya. Marami ng natatakot sa kanya. Pati mga kaibigan nya. Naalala ko pa yung sinasabi sa akin ni Andrew at Storm. Yung salitang 'Gusto pa namin mabuhay' Natatawa tuloy ako kapag naiisip ko 'yung mukha nila habang sinasabi nila 'yan. Para bang kakatayin sila ng buhay eh. LOL.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong nya.

Tumingin ako sa kanya at, "Pake mo ba?" Tinaasan ko sya ng kilay.

Ngumuso sya para pigilan ang ngiti, "Sungit."

Umirap na lang ako. Nakahalukipkip ako habang tumitingin sa mga matatayog na building sa labas.

"Matagal mo na bang alam na matagal ko ng kaibigan si Dwayne?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa labas.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon