DAY OUT.
*kriiiiiiiiiiiiiiiiiing** (Insert tunong ng alarm clock here)
Agad ko naman in-off ang alarm clock sa pag tunog nito, 9am na pala. Ano ba yan, Ang late ko na gumising. Kinusot ko ang mata kong nagmumugto dahil sa pagiyak ko kagabi at tumayo na mula sa pagkakahiga, Naisipan ko kasi sanang kumain muna, Nang biglang may kumatok.
TOK TOK TOK
Dali dali kong binuksan para tignan kung sino. Nakita ko ang maaliwalas na mukha ng tita kong nakatayo sa aking harapan.
"Good morning tita." Bati ko
"Good morning baby." Aniya at pumasok sya sa kwarto at umupo sa kama.
"Kamusta naman yung pagbabantay mo sa resto kahapon? Pinagod ka ba nila?" pagtatanong nya habang nililibot ng tingin ang kwarto.
Siguro nga'y masaya ang tita ko kung sana ay hindi sya nakunan noon, Bakas sa mukha nya ang pagkalungkot at paghihinayang, Nagtagpo ang tingin naming dalawa at agad naman sya ngumiti upang hindi ko ito mahalata.
"Ay tita hindi naman po. Ok lang po ako dun. Wala nga po silang ibang pinagawa sa aking bukod sa pagbabantay, Masaya nga po dun eh. Nakakatuwang tingnan yung mga costumers na nag.eenjoy sila sa dishes nyo." ngiti kong pagsabi at umupo sa tabi nya,
Hinawakan nya kamay ko at tumingin sa akin, "Buti naman kung ganun." Nakangiti nyang sabi, ngunit bakas sa kanyang mga mata na malungkot ito.
Nang maalala ko ang reports na binigay sa akin ni miss alice kagabi, "Ay tita eto po yung reports sa resto kahapon." inabot ko sakanya yung dalawang envelope na nakapatong sa side table.
Kinuha nya ito at agad na binuksan upang makita ang laman, Binaling nya ulit ang tingin nya sa akin, "Well good, maasahan talaga kita baby. Tara sa baba? breakfast tayo. Alam ko gutom ka, sabi kasi sakin ng mga maids hindi ka daw kumain kagabi. Tara na." Anyaya nya at tumayo.
"Sige po tita susunod na lang po ako."
"O sya sige. Sunod ka ha?" Sabay halik sa noo ko. Lalabas na sana sya ng kwarto ko nang bigla ko syang tinawag.
"Ay tita?"
"Hmm?" Lumingon sya
"Free ka po this day? Church tayo." pag aaya ko.
Biglang lumungkot ang mata nya, "Ay nako dear di ako pwede madami pa kong aasikasuhin sa office eh."
Sayang naman, Gusto ko pa naman sya makasama ngayon, "Ay sige po. sige na po tita, sunod na po ako sa baba."
Tumango sya, tumalikod at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Gusto ko mag church ngayon. Sino ba pwedeng kasama? kinuha ko yung phone ko upang maghanap ng pwedeng makasama, Si mimi ang naisip ko tutal sya naman ang lagi kong nakakasama, Wala rin naman ako masyadong close sa mga naging classmates ko eh dahil si mimi lang yung tanging laging kasabayan ko sa mga subjects ko. Halos magkaparehas lang naman kasi kami ng schedule. Ano ba yan, Ang daldal ko. Inulit ko lang naman yung nangyari dati. HAHA, Eto na nga magtetext na ako.
To: Mimi
"Bes? May lakad ka ba? Simba tayo!"
Agad ko naman sinend ito, Inabot ng ilang minuto bago sya magreply.
From: Mimi
"Nako bes, Aalis kasi kami ngayon eh. Tsaka naka simba na ako. Wala ka ba kasama? Try text steven. Baka free sya."
Ay, Ano ba yan. Sayang naman, Tsk. Bahala na nga si steven na lang. I have no choice. Agad kong pinindot ang contact ni steven sa aking cellphone.
To: Veven

BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...