CHAPTER 38

236 0 0
                                    

MAD APE.

"Beeeessy!!!" Sigaw sa akin ni mimi pagkakita nya sa akin dito sa may bench.

Napairap naman ako sa kawalan. Paano ba naman, Nagjogging sya papunta sa akin naka-wide open pa ang kanyang mga kamay. Parang hindi kami nagkita kahapon kung makapagreact. Ang OA talaga ng bestfriend ko.

Ni'yakap nya ako ng sobrang higpit nang makalapit sya sa akin. Ano ba naman 'tong si bes.

"B-bes. H-hindi na ako mak-kahinga.."

Kinalas nya ang kanyang yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko  Para tuloy akong isda na nakapout ang lips.

"What happened to you? Oh my god! I'm really worried. Bes, What happened?! Tell me!!" Tanong nya.

Hinawi ko ang kanyang kamay na nakahawak sa pisngi ko, "Paano naman ako makakapagsalita, Iniipit mo 'yung labi ko." Umirap ako.

"S-sorry naman."

Nagbuntong hininga ako, "Ang tagal mo pumasok bes, Tara na?"

Humalukipkip sya, "Magkwento ka na muna! Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa'yo. Anong nangyari kahapon?"

Hindi ko alam kung tama bang ikwento ko pa kay mimi ang nangyari kahapon. Gusto kong itago na lang, ang kaso ay bestfriend ko naman sya. Alam kong nagaalala din sya sa akin. Ang pangyayaring nakita lang naman kasi nya ay yung nagkagulo na kami. Yung sugatan si dwayne at hyuri. Nothing more. Hindi na rin kasi ako nakapagtext kagabi sa kanila.

Ang problema ko rin ngayon ay ang mga bulong bulungan ng mga tao sa paligid. Alam ko na kakalat na naman ang storyang naganap kahapon. Kung ano anong story, May dagdag bawas na chismis na naman, sigurado ako dun.

"Grabe bes? Totoo yun? Nagawa yun ni hurricane?!" Mataas ang tono ng kanyang boses. Sobra syang nabigla sa nangyari.

Pati rin naman ako ay hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi ko rin naiintindihan kung bakit 'yon nagawa sa akin ni hyuri.

Tumango na lang ako at umupo sa isang upuan, Nandito kami ngayon sa bilugan na upuan at lamesa. Open area ang place na 'to. Kadalasan ay dito tumatambay sila kian at ang ibang kaibigan namin. Kaso wala sila ngayon, Siguro ay nagtatake pa ng exam. Hindi ko sigurado kung nabalitaan na nila ang nangyari sa akin. Pero sa tingin ko ay oo.

Maya maya pa naman kami ni mimi eh. So, tatambay muna kami dito.

"I can't believe it, bes." Umiling iling pa si mimi.

Bigo sya dahil ang inakala naming kaibigan ay hindi pala talaga totoong mapagkakatiwalaan. Hindi rin sya makapaniwala sa nangyari.

"Pati rin ako hindi makapaniwala sa nangyari. Nagtiwala ako eh, Nagtiwala tayo. Kaso, wala eh." Aniya ko at binuklat ang libro para makapagreview.

Siguro ang kailangan ko na lang ay mag move on sa nangyari. Wala na eh, nangyari na. Alangan naman mag mukmok pa ako sa sulok. Sira na ang tiwala ko sa kanya. Aish! Bakit ba kasi ganun kadaling makuha ang tiwala ko. Siguro kailangan ko pa mag practice at sanayin ang sarili ko na hindi magtiwala agad.

Si dwayne din mismo nagsabi sa akin dati na hindi maganda ang kutob nya kay hyuri. Bakit ba hindi ko namana sa kanya makasagap agad ng kutob na yan. Leche! Dami kong sinasabi.

Nagkwentuhan na lang kami ni mimi tungkol sa nangyari kahapon at kasabay ng pagreview. Ang hirap pala pagsabayin, review tapos kwentuhan. Walang pumapasok sa utak ko. Lutang tuloy ako.

Napatalon ako ng nagvibrate ang cellphone ko. Agad ko namang binuksan.

From: Dwayne

"I missed you already. :("

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon