CHAPTER 45

213 1 0
                                        

DON'T BLINK, YOU'LL FALL.

Ilang araw na akong absent sa school simula nung umalis si Steven. Hindi na sya nag paramdam sa akin. Kahit sa Text. Ni wala na rin akong balita sa kanya. Hindi din kasi sya pumasok nung nakaraan.

Mabuti na lang talaga ay first week pa lang ng Second Sem. Wala pa masyadong ginagawa. Hindi pa hassle sa mga school works.

Tinatamad akong kumilos at tinatamad akong kumain. Halos hindi na din ako lumalabas ng kwarto ko. Nalulungkot ako sa nangyari.

Dumagdag pa si Dwayne. Ni hindi sya nagpaparamdam sa akin nitong nakaraang araw. Simula nung pinaalis ko sya nung kasama ko si Steven 'non. Hindi na sya nagparamdam. Nakakainis! Nagtatampo ba 'yun? Konyatan ko kaya sya? Daming arte. Matampuhin kasi eh.

Tinakpan ko ng unan yung mukha ko. Badtrip lagi na lang ba ako ganito tuwing gigising ako? Nalulungkot ako sa pagkawala ng pangalawang matalik na kaibigan. Si Steven. Sya yung pangalawang kaibigan ko. Hay!

Ganun ba talaga ako kasama dahil sinaktan ko ang isang mabuting tao? Nagpakatotoo lang naman ako eh. Ayoko lang sya paasahin. Importante si Steven sa akin kaya ayoko syang paasahin. Hindi ko sya masisisi kung gusto nyang umiwas. Nasaktan ko sya eh. Pero nasasaktan din ako sa pagkawala nya. Hay!

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto.

"Pasok." Sigaw ko.

"Honey..." Boses ni Tita.

Nakaramdam ako ng paginit sa mata. Naiiyak kasi ako lalo kapag may nag cocomfort sa akin. At alam ko na nandito si Tita para doon.

"Po?" Ginagat ko ang labi ko para pigilan ang luha sa mata ko.

Nakatakip pa rin ng unan ang mukha ko. Ayokong makita nya akong umiiyak. Ayokong ipakitang nalulungkot ako sa harap ni Tita.

Naramdaman ko ang pag upo nya sa gilid ng kama. Pilit nyang tinatanggal ang unan sa mukha ko. Aish! Tita naman eh. Mas lalo akong pinapaiyak.

Nang tuluyan na nyang matanggal ang unan. Bigla syang ngumiti. Yung ngiting may halong lungkot. Niyakap ko si Tita. Niyakap nya ako pabalik. Hinaplos nya ang likod ko. Kaya napaiyak na talaga ako.

"Nakakatuwa ka talaga." Aniya nya.

"Tita naman eh.."

Tumawa sya, "Bakit ka ba umiiyak dyan? Ilang araw ka ng ganyan eh. Hala sige ka, Papangit ka nyan."

"Eh kasi Tita..."

Nakakainis bakit walang kadugtong lahat ng sinasabi ko? Pabitin effect. Naiiyak kasi talaga ako.

"Dahil ba 'yan kay Steven?"

Sa sinabi ni Tita, doon ako lalong napaiyak. Narinig ko pa lang ang pangalan ni Steven parang tinutusok na ang puso ko. Walangya! Ang pangit ko umiyak. Para akong bata.

Humalakhak si Tita dahil sa iyak ko.

"Nasabi mo na ba sa kanya?" Tanong nya.

Alam ni Tita na hindi ko gusto si Steven. Sya ang nag bibigay ng payo sa akin noon. Lagi nyang sinasabi sa akin na mag pakatotoo ako sa nararamdaman ko. Because only the Truth will set you free. Hindi ako magiging malaya kung patuloy kong itatago ang nararamdaman ko. Kung patuloy kong papaasahin si Steven kahit hindi ko naman talaga sya mahal. Mahal ko sya, na bilang kaibigan lang. Yun lang talaga. Pero masakit pa rin kasi na mawala sya.

Tumango ako bilang sagot.

"Oh bakit ka pa umiiyak?"

"Kasi Tita, Pakiramdam ko mawawala na sya. Mahal ko po sya bilang kaibigan. Nalulungkot po ako na lumayo sya sa akin. Selfish po ba ako kung ayaw kong lumayo sya sa akin? Kasi Tita masakit eh. Masakit na iwasan nya ako. Masakit na layuan nya ako."

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon