NO ONE.
Halos araw araw ko ng nakakasama si steven, sya mismo ang naghahatid at nagsusundo sa akin dito sa klase na pinipuntahan ko.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, Siguro dahil na rin sa sinabi ko sa kanya nung nakaraang araw. Yung stay thing na yun. Hay, Anyway, Gusto nya siguro makabawi sa akin eh.
Gusto nyang safe ako. Kaya siguro nung mga nakaraang araw ay wala ng masyadong nang gugulo sa akin dahil na din lagi naming kasama si steven. Pero hindi pa rin mawala ang mga matatalim na tingin sa akin ng mga estudyante, Yung iba nakikichismis lang, yung iba ay galit, Yung iba naman ay walang pakealam. Nasanay na rin ako na ganito araw araw.
Minsan naman ay tinetext ako ni steven kapag hindi nya ako masusundo sa klase, dahil na rin sa busy sya sa practice nila sa basketball.
Masyado na rin akong nagiging komportable kay steven dahil na rin siguro sa araw araw kong nakikita ang pagmumukha nya. Well, Hindi naman nakakasawa ang mukha nya. Yung mukhang walang maipipintas. Dahil na rin sa kagwapuhan nya. Aish! Ano ba 'to I'm starting again.
Naikwento ko na rin kay mimi ang nangyari nung time na hinatid ako noon ni steven. Yung napagusapan namin ni steven about dun sa stay thing. Hindi ko rin naman 'yon matatago dito sa bestfriend kong si mimi ang mga bagay na ganun. Chismosa kaya 'to. HAHA.
Ang nakapagtataka lang ay yung nangyari kay jen at dun sa kasama nya nung isang araw.
Naabutan kasi namin silang umiiyak sa CR, Hindi ko alam ang buong pangyayari sa kanila. Iyak sila ng iyak nun. Kita ko ang gulo ng kanilang buhok at parang basang basa sila ng tubig. Hindi ko alam kung tubig ba yun o putik? Iniisip ko na baka kagagawan na naman ng IBIG na bading na yun sa kanila.
Masama ang tingin nila sa amin nung time na yun, Para bang gusto nila kaming lunurin ni mimi. Pero hindi nila 'yon magawa. Para bang may pumipigil sa kanila na gawin yun.
Pinalampas namin ni mimi ang nangyaring 'yon. Nung sumunod na araw naman ay humingi sila ng tawad sa akin nung time na makasalubong namin sila sa hallway.
Maraming estudyante 'nun, At nandun dun ang IBIG na bading, Nakatingin at nakangisi sila sa amin. Binaling na lang namin ang tingin namin kay jen na nasa harapan.
"I don't know how to say this, But I'm sorry krisha. Sorry for what I did last time."
Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway nang marinig ko ang salita na 'yon galing kay jen.
Hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng mukha nya. Hindi ko alam kung takot, Inis, galit O kung ano ang ekspresyon nya. Mukhang hindi sya sincere sa pagkakasabi nya dahil mukha lang naman syang napipilitan.
Maraming nakatingin sa amin. Hindi ko alam ang irereact ko. Ano ba ang sasabihin ko?
"Uhh, Sorry din." Yun na lang ang sinabi ko at hinila na ako ni mimi paalis sa pwestong 'yon. Sumunod na din samin si steven dahil kasama namin sya.
Ang weird lang ng feeling dahil sa mga taong nakapaligid sa amin nung time na yun. Takot sila? Dahil ba nandun ang IBIG? Di ko alam. Ang gulo lang.
Oo nga pala, Ang daldal ko diba? Ang dami kong kwento. HAHA, Hindi ko namalayan na nandito na pala kami ni mimi sa canteen ngayon.
"Bes ano kakainin mo?" Tanong nya habang nakahalumbaba sya sa lamesa.
"Di ko alam eh, Busog pa ako." Aniya ko.
"Uh, Sige order lang ako." Saad nya at agad naman tumayo at umalis sa pwesto namin.
Tinignan ko ang phone ko para icheck kung nagtext ba si steven sa akin. Good thing, Meron nga.

BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...