OPEN YOUR HEART.
"I think I have to go, Babe. Susunduin ko pa 'yung kapatid ko sa airport." Aniya dwayne.
Kakalabas lang namin ngayon sa office. Kinausap kami ng dean at ng disciplinary officer. Nagpapasalamat na lang ako kay dwayne dahil talagang tinulungan nya akong itago ang lahat.
Hindi nya sinabi kay tita ang nangyari, Mabuti na lang ay wala ding alam si tita sa nangyari. Kinausap din ni dwayne ang dean na wag na ipaalam sa lahat pati kay tita. Mabuti na lang din ay hindi nila natawagan si tita sa nung gabing iyon. At napapayag ni dwayne ang mga ito na hindi na magsumbong. Malakas ang kapit ng pamilya ni dwayne sa president ng university na ito kaya naman pumayag agad sila.
Ang apat naman na involved dito na sila andrew, klein, storm at danielle ay mamaya pa ang dating. Ewan ko ba sa mga yun, Nagpalate siguro. Yun kasi ang sabi ni dwayne eh. Aniya pagtapos na lang kaming kausapin sa office tsaka sila pumasok na apat.
Hindi na rin pumasok si hyuri. Ang balita ko ay nasa hospital sya ngayon. May fracture ang kanyang mukha at pati sa ribs nya. I don't know the details pero yun ang alam ko.
Baka ipatanggal din sya sa university, hindi ko lang sigurado. Naaawa ako sa kanya dahil ganun ang nangyari. Hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit nya iyon nagawa, Pero alam ko meron syang rason dito. Ineebestigahan na nila ang puno't dulo ng lahat ng 'to.
Hindi na ako nagsampa ng kung anong kaso ni hyuri. Ang school na siguro ang bahala sa kanya. Kung anong maging desisyon nila ay yun na lang. Basta ang akin ay hindi na malaman ang pamilya ko ang nangyari.
"Okay, You should go na baka malate ka pa." Saad ko.
Humalukipkip sya sa harap ko at tinagilid ang kanyang ulo. "May kasama ka ba? Where's mimi? Hatid muna kita."
Luminga linga sya para hanapin si mimi.
Umiling ako, "Wag na, Mamaya nandito na 'yun. Maaga pa kaya. Sige na."
Mabuti na lang ay maaga pa at wala pang masyadong estudyante. Wala pang masyandong nakakakita sa amin. Meron ibang estudyante na hindi ko naman kilala pero alam kong kilala nila si dwayne dahil panay ang tingin nila sa amin.
"Okay, then. I have to go. Just text me if there's any problem. I'll fetch you, later."
Ngumiti ako at tumango. Wait, Parang may nagiba sa akin? Bakit nga ba ang bait ng pakikitungo ko sa kanya ngayon. Wah! Magtataray ulit ako.
Humakbang sya papalapit sa akin, Umatras naman ako sa paglapit nya.
"Hep!" Tinaas ko ang index finger ko. "Dyan ka lang..."
Ngumisi sya, "What? Why?"
"Wag kang lalapit!"
Humalakhak sya, "Why? Magpapaalam na 'ko sa'yo. Aren't you give me a goodbye-see-you-later kiss?" Then he grinned.
Oh no! He's starting again. Manyak mode na naman sya ngayon.
Hinampas ko sya ng bag ko at umilag naman sya, "Don't start on me Mr. Dwayne!"
Humagalpak sya ng tawa, "Oh, babe. Why are you blushing?"
Shit! Ayan na naman sya. Umiinit na nga ang pisngi ko. Walangyang lalaki 'to. Nagsisimula na naman. Sana ay lagi na lang syang seryoso. Mas matino syang kausap.
"Wag mo nga akong tawaging babe. Kainis ka! Hindi ako nagbblush. Lumayas ka na nga!" Hinampas ko yung braso nya.
Lalo syang humalakhak. Napapansin tuloy kami lalo ng mga tao sa paligid. Nagbubulungan at titingin ng mapanghinalang mga mukha. Bwisit kasi na dwayne 'to. Kung sana ay umalis na lang sya bigla.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...