CHAPTER 19

268 1 0
                                        

WALKOUT.

*ZzzZzZ*

.

.

.

*Phone Vibrates*

"Hmmmm..."

.

.

.

.

*Phone Vibrates*

.

.

.

.

Inis sino ba yun, Natutulog pa ako eh. Kinuha ko yung phone ko na nakapatong sa ilalim ng unan ko. Binuksan ko ang isang mata ko para makita kung bakit nag vivibrate ang phone ko Pagkatingin ko sa screen.

*Daddy Calling....*

Nanlaki ang mata ko. Ang aga aga tumatawag si daddy? Agad agad kong sinagot ang phone ko.

"Hello daddy.."

<"Anak!"> *Boses ni mommy sa kabilang linya.

"Po? Mommy? Napatawag po kayo?"

<"Kamusta ka na? Nabalitaan ko ang nangyari sayo ha. Ok ka na ba?">

"Mommy.... Okay na po ako, wag po kayong mag.alala."

<"My goodness anak, ano ba kasing pinag.gagawa mo sa school bakit ka nila inaaway?">

"Mommy, Wala po akong ginagawang masama basta po, Next time ko na lang po ipapaliwanag sa inyo. Kayo po kamusta na?"

<"Haay, Eto okay naman. Unti unti na namin nababayaran ang utang ng daddy mo.">

"Mabuti naman po. hay, miss na miss ko na po kayo."

<"Miss na miss ka na rin namin anak, Di bale, dadalawin ka namin dyan, as soon as possible anak.">

"Sige po mommy."

<"Oh sige na anak, kumain ka na dyan, wag ka magpapalipas ha. kamusta mo na lang ako sa tita mo, okay? magiingat ka dyan ha!">

"Opo mommy. kayo din po. iloveyou mommy."

<"iloveyou too anak. Sige na, I have to go na. kinamusta lang kita, tatawag na lang ulit kami.">

"Sige po mommy. bye."

<"Bye anak.">

*Tooot toot*

--

Hayy, Ano ba yan. Namiss ko tuloy lalo sila mommy. Anong oras na ba?

6:48 am.

Ang aga aga naman tumawag nila mommy. Oo nga pala, nalaman na rin nila yung nangyari sa akin, kasi siguro sinumbong yun ni tita. Yung nangyari pala kahapon, Hinatid na ako si dwayne pauwi sa bahay. Nakita rin kasi ni tita yung mga galos ko sa mukha gawa nung nicole na yun. Galit na galit si tita ng makita nya yun at naikwento ko na rin ang nangyari. Gusto pa nga nyang ipareport sa school sila nicole eh, pero syempre ayoko na rin ng gulo, kaya sinabi ko na lang na nagkapikunan lang kami.

Nung una, ayaw nya pa eh, pero napilit ko rin sya. Naging kaibigan ko na nga si dwayne. Ewan ko, simula nung nangyari yun, gumaan na yung loob ko sa kanya. Kinain ko na lahat ng sinabi ko kahapon. Wala eh, Tutal wala naman syang ginagawang masama sa akin atsaka sa kabila ng pangbabara at pangaaway ko sa kanya, Eh mabait pa rin sya. kaya siguro mas magandang kaibiganin ko na rin sya. Kaibigan lang naman.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon