JEALOUS.
TOK TOK TOK
"Anak?" Boses ni manang betty.
Si manang betty, yung kasambahay ni tita dito. Pero tinuring na rin nila si manang na second parent dahil si manang ang nag alaga kela tita noon nang mawala na sila lola't lolo. Kilala ko na rin si manang betty noon kapag dumadalaw ako dito kay tita. Actually, kakabalik nya lang nung isang araw. Dahil nag leave siya ng ilang buwan para sa mga anak nya sa probinsya. Well, let's not talk about manang.
TOK TOK TOK
"Anak, gising ka na ba?" Tanong nya ulit
"Opo, manang. Gising na po ako." Sabi ko habang pikit pa rin ang mga mata ko.
Anong oras na ba? Mamaya pa pasok ko e. Tumayo na ako sa pagkakahiga ko. Medyo inaantok pa ako. Pero pagkatayo ko para akong binuhusan ng semento dahil sa gulat ko. My eyes get wider sa mga nakikita ko ngayon.
My room was filled with pink petals of rose. What the heck is this? Buong sahig ng kwarto ko ay puro petals na nakakalat. Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto. Ano ba nangyari dito? Bakit puro bulaklak? Tinignan ko ang side table ko, May isang tulip na nakapatong. Nagilang hakbang ako para makalapit sa side table ko. Kinuha ko ang tulip na nakapatong. Meron itong blue note.
" Good morning my princess! Have a nice day. I'll wait for you later. ;)
- Your prince; dwayne. "
Oh my god! Take it easy heart. Ayan na naman ang puso kong abnormal, naghuhuramentado. Jusko, Ilang araw na akong pinapakilig ne'tong si dwayne eh. I bit my lower lip. Napapangiti na naman nya ako. Hay! Dwayne.
Ilang araw na rin kasi ang nakalipas nung sinabi nyang manliligaw sya. Ang totoo, hindi talaga ako pumayag. Pero wala akong nagawa. Sya pa rin yung pilit ng pilit. Nakakaloka.
Hindi pa alam ni mimi ang lahat ng 'to. Pati si steven. Walang nakakaalam ng mga pinag gagawa nya sa akin. Ayoko rin kasi ipaalam sa lahat. Lalong lalo na sa school. Ang sabi ko kasi, sasakalin ko sya kapag ginawa nya yun. Alam nyo naman kasi ang mangyayari kapag ginawa nya yun diba? Maraming magagalit sa akin. Marami na namang mangaapi. So ayun. Ang kulit lang kasi ng lahi ne'tong si dwayne. Ayoko ngang magpaligaw pero sa kulit nya, eto. Tumambad na naman sa akin ang mga 'to.
Kailan nya ba ako tatantanan? Nakakainis na ha. Kinikilig na ko sa mga pinag gagawa nyang 'to. Ang aga aga eh. Speaking of maaga, Oh my god! Nakita nya akong tulog kanina? Walangyang lalaki yun. Argh! Nakakahiya! Napakagat ako ng labi ko. hay! Kainis naman si dwayne.
"Anak? Nandyan ka pa ba?" Si manang betty.
Naku, panira naman ng moment si manang oh.
"Po manang?" Binaba ko muna yung tulip sa side table. Naglakad ako papalapit sa pinto. Binuksan ko ito.
"Anak kumain ka na sa baba. Anong oras na nakahiga ka pa diyan."
Kahit kailan talaga si manang oh. Para talaga syang si mommy. Maaga siya mang gising para kumain. Ayaw nya kasi ng nalilipasan ng kain kaya naman lagi nya akong ginigising agad.
"Opo manang, susunod na lang po ako." Sinuklay ko ng palad ko ang aking magulong buhok
"O sya, sige. Bababa na ako."
I just nodded and smile. Tumalikod na si manang at umalis. Pumasok na ulit ako at sinarado ang pinto. Pero bago pa ko makalakad papunta sa kama ko ay may bigla akong nahagip sa mata ko bago ko isara ang pinto kanina. Nanlaki ang mga mata ko at binuksan ko ulit ang pintuan. Binaba ko ang tingin ko. May petals na naman kasi sa labas ng kwarto ko. Naka-aline ang mga petals, sinundan ko ang tingin ang bawat linya nito, patungo sa may hagdan at pababa.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...
