CHAPTER 27

269 2 0
                                    

TOURNAMENT.

Nandito kami ngayon sa Moa Arena. Syempre ano pa nga ba. Tournament na ng mga basketball players. Nandito kami ngayon sa gitnang upuan. Pa-simula na kasi ang laban nila.

Kalaban lang naman namin ang mga taga SAN NICOLAS UNIVERSITY.

Ang ingay na dito, Puro sigawan. Cheers, Syempre kami din nag checheer.

"DUG DUG DUG DUG DUG LET'S GO SCU..."

"DUG DUG DUG DUG DUG LET'S GO SCU..."

"DUG DUG DUG DUG DUG LET'S GO SCU..."

Nakikisabay kami sa agos ng kanta ng school namin. Todo cheer kami syempre.

Habang nagchecheer kami nakita kong nakaupo si steven dun sa upuan kasama ang ibang members pa nila. Ang first five kasi yung mga IBIG's. Na sila andrew, Klein, Danielle, Storm at Dwayne. Nagtataka ako bakit hindi sinali si steven sa first five, eh parehas lang sila ni dwayne na mvp.

"Gooo prince dwayne!" Sigaw nung isang babae sa likod ko.

"Go mga prince ko~! Galingan nyo!" Sigaw naman ng isa

"Woooh, GALINGAN NYO MGA PRINSIPE!!" sabi pa nung isa.

si mimi naman nakigaya din, "GO BABY KLEIN! YOHOOO! GALINGAN MO BABY! ILOVEYOU!" Sigaw nya

Napatingin naman ako bigla kay mimi, "Talagang may i love you pa ha. Kayo na ba?" Pangaasar ko

Tumingin sya sakin, "Eh kung sabihin kong Oo, Maniniwala ka?"

"Hindi." Binelatan ko sya.

Nag pout sya, "Hmp! Hate you bes. Wala ka talagang pakisama kahit kailan! Kaibigan ba talaga kita?"

"Hindi din." Humalakhak ako.

"Whatever. Hate you!" Inirapan nya ako.

"Hahaha, Asar?! Loveyoumore bes!" Sagot ko sabay halik sa pisngi.

Napailing lang sya, "Tss. Go baby koo~!" Pagcheer nya ulit. Nako talaga to. Maya maya lang nasimula na yung game.

Unang hagis, Nakuha agad ni dwayne ang bola. Ang galing. Madalas din syang makashoot. Ang galing ng pagkateam work nila.

Oo nga pala, May black eye si dwayne ngayon. Share lang. HAHA! Sorry kasalanan ko nga pala. Hindi nya ko nakausap ng ilang araw dahil nabusy sila sa practice, Hindi rin naman ako nagpapakita sa kanya. Sana di nya ko makita ngayon. Yari ako nito.  T__T

"Bes, Parang may itim yung left eye ni dwayne? Pansin mo?" Sabi nya.

"A-ah? Meron ba? Pfft.." Natatawa tuloy ako pag naalala ko yung pag kasapak ko sa kanya. Straight punch talaga. Haha. Pinipigilan ko lang yung tawa ko, Hindi ko kasi sinabi kay mimi yon

"Bakit parang natatawa ka?" o__O?

"Hu-huh? Di ah! Ay Oo pala, Natatawa kasi ako. Ang pangit ni dwayne. May itim sa mata. Haha."

"Grabe ka naman makalait. Ganda mo ah? Hahaha..." Natawa sya

"Naman!" I flip my hair.

"Kapal mo! Pero ano kaya nangyari dun noh?" Tanong nya.

"Ewan ko."

"Baka nakipagsuntukan? Nakipagaway. Nako barumbado pala si dwayne." Sabi nya na parang nagiisip

"Pfft. Haha, Barumbado talaga ah?" Kung alam nya lang talaga yung nangyari. Jusko. Yari talaga ako neto e.

"Oo, O'kaya sa katangahan nya nauntog yung mata nya. Ayun nagka-black eye.."

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon