CHAPTER 60

81 1 3
                                        

WRONG MOVE.





"Ikaw si Krisha, diba?" Tanong ng lalakeng nakatayo sa pintuan ng driver's seat ng sasakyan ni Steven.

Tapos na ang klase ko at nandito ako ngayon sa parking lot ng SCU. Kung nasaan ang sasakyan ni Steven. Kakadating ko lang ngayon dahil nagpaalam pa ako kay Mimi bago ako pumunta dito.

"O-oo." Lumalakad ako palapit sa sasakyan habang inaayos ko ang takas na buhok ko sa aking mukha.

Ngumiti at tumango s'ya. Pag tapos tinapon ang kanyang sigarilyo na hinithit n'ya kanina. Umikot s'ya para pagbuksan ako ng pintuan.

"Thanks." Sabi ko at pumasok na sa loob.

Ngumiti ulit s'ya at umikot sa driver's seat. Binuga n'ya muna ang usok galing sa bibig n'ya bago pumasok sa loob.

"Ikaw pala ang girlfriend ng pinsan ko." Ngumisi s'ya, "Hanep talaga ang taste ng ungas na 'yon." Saad n'ya na agad pinatakbo ang sasakyan.

Naginit agad ang pisngi ko sa sinabi n'ya. Pinsan nga pala s'ya ni Steven na ngayon ko lang din nakita. Ang sabi kasi ni Steven ay papasundo n'ya ako sa pinsan n'ya para sunduin siya sa airport.

Ngayon ang uwi ni Steven at ngayon ding araw na 'to ang monthsary namin. Pinadala n'ya ang sasakyan n'ya sa pinsan n'ya at sinama na rin n'ya ako.

Actually, May hawig sila ng pinsan n'ya. May dimple din pero hindi ganoon ka lalim. Hindi din s'ya ganun kaputi gaya ng kay Steven. Matangkad at makisig ang pangangatawan ng isang 'to pero mas matangkad si Steven sa kanya. Gwapo din s'ya. Malamang! Dahil magkahawig sila ng Steven.

HAAAAAY!

Hanggang ngayon, Sobrang kinakabahan pa rin ako sa mangyayari. Paano ko ba sisimulan? Paano ko ba sasabihin sa kanya? Ngayon pa naman ang monthsary namin pero, Lechugas! Ano bang gagawin ko? Break ba agad? Kararating lang n'ya. Anak ng tipaklong. Bakit ang hirap pa rin?

Tatlong araw ko ng pinagiisipan 'to eh. Pero mahirap pa rin pala talaga. Paano ba ako hahanap ng tamang tiyempo? Paano ko ba sasabihin sa kanya ng madali? Hay! 'Yung tipong ayos lang sa kanya? Walangya. Kahit ano yatang sabihin ko, hindi pa rin 'yon ayos eh.

Gaya nga pala nung usapan namin ni Hurricane, Hindi n'ya ako ginulo ng tatlong araw. Kahit text o tawag. Wala s'yang ginawa. (Kahit kanina nung nagkasalubong kami.)

Kadalasan kapag nagkikita kami sa school, O magkakasalubong sa daan, ngingitian n'ya lang ako. Madalas n'yang kasama sila Storm. Nagtatawanan, Nagsisiyahan. Gaya nung dati. Minsan nga naaabutan ko s'yang nakatingin sa akin galing sa pagtawa dahil dun sa walang kwentang joke ni Storm at Andrew eh.

Hindi nga pala alam ng mga kaibigan n'ya ang usapan naming dalawa. I mean, Si Mimi at Klein lang pala. Tutal silang dalawa naman talaga ang nagplano ng kung ano-anong kawalanghiyaan saming dalawa ni Yuri eh. Pero wala akong pinagsisisihan doon. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa naming plano na 'yon. Dahil ngayon, alam ko ng akin pa rin si Hurricane. Ako pa rin ang mahal n'ya. At mahal ko rin s'ya.

Ang komplikadong plano ko lang ngayon ay ang pakikipagusap ko kay Steven. Kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi s'ya masasaktan. Alam ko imposible 'yon. Dahil kahit saang angulo mo tignan, masasaktan at masasaktan ko pa rin siya.

Matagal kong pinagisipan ang bagay na 'to, pero buo na ang desisyon ko. Makikipaghiwalay na ako. Humahanap lang talaga ako ng tamang tiyempo. Ng tamang oras para doon.

"Anyway, I'm Gian." Aniya sabay sulyap sa akin. "Pinsan ni Steven."

"Krisha." Sabi ko naman.

"Yeah, I know." Nakangising sabi n'ya habang nililiko ang sasakyan n'ya.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon