THREE DAYS.
Warning: Medyo SPG, Medyo lang! HAHA.
Nagising ako nang biglang may naramdaman ako gumalaw sa kama ko. Kaya agad akong napalingon para tignan ito.
"Damn it!" Mariin n'yang pinikit ang kanyang mata, sabay tinging ulit sa akin. "Did I woke you up?"
Naghuramentado agad ang puso ko nang makita ang maganda n'yang mga mata. Mapungay na ito. Gulo-gulo ang kanyang buhok at halatang basa pa. Amoy body wash s'ya kaya naisip kong bagong ligo s'ya. Natamaan pa ng ilaw ng lamp shade ang kanyang hikaw kaya kuminang ito.
Umupo ako at sumandal sa head board ng kama. Kinusot ko ang mata ko at tinakpan ng unan ang katawan ko.
Ngumiti ako sa kanya kahit na medyo inaantok pa ako. Alam ko, madaling araw na. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako agad kakaisip sa nangyari kanina at kakahintay sa kanya.
Hindi kasi siya dumating agad kaya nakatulog na din ako.
Nagmura na naman s'ya nang makitang nagising nga ako sa galaw n'ya. Umiling pa s'ya.
"I'm sorry, Babe..." Lumapit s'ya sa akin at tumabi.
Napalunok ako nang makitang half naked pala s'ya. Kinagat ko ang labi ko at tumingin na lang sa kanyang mukha na perpekto.
OH SHEEET!
Sandamakmak na mura ang nasa isip ko ngayon! Nabuhay agad ang dugo ko nang mabilang ko ang 6 pack abs n'ya. Napansin ko din ang walangyang V-line n'ya! Shutangina talaga! Bakit ang angas ng lalaking 'to?
"I-I'ts O-okay..." Kinagat ko ulit ang labi ko nang mautal ako. I miss his 'babe' thing!
Oh, shet naman! Bakit ba ang lakas ng tama ko sa lalaking 'to?
Ngumisi s'ya, Gumalaw pa ang adams apple n'ya, "I'm sorry, kung hindi kita napuntahan agad. Akala ko kasi matatagalan ang paguusap nyo ni Sarah..." Pumikit s'ya at hinilot ang kanyang noo, "Binugbog ko pa ang mga kutong lupa kong mga kaibigan. Uminom din kasi ulit kami." Sabi n'ya.
Kumunot ang noo ko, "Ang dami mo ng nainom ha!"
"Uh-huh." Sabi n'ya nang hindi dinidilat ang kanyang mata.
Damn, perfect jaw line. Bakit ba ang perpekto ng mukha ng isang 'to?
"Kumain ka na ba?" Tanong ko habang tinititigan ko ang labi nya. Napalunok ako.
"Hmm...Yeah." Humarap s'ya sa akin nang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.
Umayos na ulit ako ng pagkakahiga. Halatang lasing na din s'ya at alam kong hindi na s'ya makakausap ng maayos ngayon.
Natahimik na lang kami habang tinititigan ko ang kanyang mukha. Napatalon ako nang biglang gumapang ang kanyang kamay sa aking tyan. Niyakap nya ako.
Nanginginig ang buong sistema ko sa ginagawa n'ya. Pero parang sa kanya ay natural lang iyon.
Napalunok ako habang tinitignan ko ang kanyang mukha. Mahabang pilik mata. Matangos na ilong. At ang kanyang manipis at kissable lips. Para bang anytime handa ang kanyang labi sa halik. Nangaakit ito kahit wala naman s'yang ginagawa.
"Done checking my features?" Sabi n'ya sabay ngiti.
Nagiwas agad ako ng tingin kahit na hindi nya ako nakikita dahil nakapikit naman s'ya. Uminit agad ang pisngi ko sa sinabi n'ya. Napansin n'ya sigurong tinititigan ko s'ya. Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...
