CHAPTER 43

220 0 0
                                        

HOW?

"Hello my beautiful and handsome, cousins!" Sigaw ni Mitch pagkadating namin sa garden.

Nakaupo sila sa round table na naka set sa gitna. Malaki ang garden na 'to. Tatlong round table na malalaki. Tapos may fountain pa sa gilid. Maganda ang pag set ng mga furniture.

Sa kasalukuyang kumakain sila ngayon ng kung ano ano. May pizza, spaghetti, barbeque, May alak pa nga eh. Pero hindi pa nila ginagalaw. Mukhang magsasaya pa sila. Oh my. Nakakahiya!

"Finally!" Sabi nung lalaking may malalim ang dimple at kulay brown ang buhok.

Lumapit sya sa akin at yumakap. Nagulat naman ako at nanigas sa kinatatayuan. Para syang si Steven pero playboy type ang isang 'to. Tss.

Ilang segundo din syang nakayakap sa akin nang biglang ilapat nung isang lalaki naman na itim ang buhok, maputi at matangkad ang kanyang kamay sa mukha nung yumakap sa akin at nilayo. Kaya nabitawan nya ang pagkakayakap sa akin at bahagyang napaatras.

"Damn, Brent! She's our cousin! Stop flinging around. She's not just a girl you've met on bars! Tss." Sabi nung lalaking naglayo kay Brent.

Humalakhak yung ibang pinsan ko sa upuan pati si Brent.

Tinaas nya ang kanyang kamay, "What, Mack? I'm just hugging her. What's the big deal?" Sagot nya nang natatawa.

"Tss." Ani Mack sabay irap kay Brent.

So ang hirap kabisaduhin ha! Si Brent, yung Parang si Steven, playboy type. Yung Mack naman, Yung itim ang buhok, matangkad, maputi at hazel brown ang mata.

"Kuya, Wag ka nga!! You're so halata kaya, that there is other meaning for you of hugging her." Natatawang sabi nung babaeng maputi at straight at mahaba ang buhok. May dimple sya pero sa left lang.

Humalakhak na naman yung Brent, "What meaning?" Painosenteng tanong niya.

"Fuck you, Brent! Stop acting like an innocent saint. Damn, malicious boy!" Biro naman nung lalaking chinito at medyo mahabang buhok sa may upuan.

Binato nya yung fries na hinablot nya sa plate kay Brent. Nakailag naman si Brent sa kanya.

"I'm not acting like one, Mark. And for your info. I'm not a boy! I'm a goddamn, Hot man!" Mayabang na sabi nya sabay halakhak

Oo, para silang sila Dwayne bading magusap. Puro mura. Hay! Buti pa ako mabait. LOL.

Napatingin ako sa lalaking katabi nung nagbato ng fries kay Brent. Parang nakita ko na kasi sya somewhere. Hindi ko lang matandaan. Moreno sya, pero ang gwapo din. Well, lahat sila gwapo. Lalo na 'yung Mack. May iba kasi syang tingin na parang kagaya ng kay Dwayne. Nakakatunaw, Nakakalambot ng tuhod.

"Tumigil nga kayo! Teka nga..." Ani Mitch sabay tingin sa akin.

"Guys! This is our cousin, Krisha." Saad nya sabay sukbit ng kamay sa braso ko.

So ganun? Inuna nila yung biruan bago ako ipakilala. Eh parang kilala na nga nila ako eh. Tsk, Ang kukulit pala ng mga pinsan ko. Pero ayos lang. Masaya sila kasama.

"Hi, krisha..." Sabay sabay na sabi nila na parang pang inosente sound. Ay! Nakakaloka sila.

"Okay, Whatever!" Mataray na sabi ni Mitch sa mga pinsan nya dahil nabwisit ata sa mga boses nila. Para kasing zombie-sound-mode ang boses nila.

Tumingin sa akin si Mitch at ngumiti, "Krisha...Papakilala ko nga pala sa'yo ang mga pinsan natin." Sabay kindat.

Ngumiti ako at tumango.

"That...That twins, Sila si Chris at Raze." Tinuro nya yung dalawang lalakeng magkamukha sa may bandang dulo. Nakaupo sila.

Identical twin ata silang dalawa. Kaso yung Chris ay may nunal sa ilalim ng mata na mas nagpa-gwapo sa kanya. Si Raze naman ay walang nunal. Pero mas nag pagwapo sa kanya yung ngiti nya.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon