CHAPTER 36

235 1 0
                                    

MAYONNAISE.

Halos gulat din ang mukhang ipinapakita ni khyle. Nakauwang ang kanyang bibig at nakataas ang kanyang kilay. Binaba nya ang tingin nya sa kamay ko at biglang syang ngumisi.

Sinulyapan nya si dwayne na maitim pa rin ang aura. Nakangisi pa rin ang labi nya at mukhang may balak na sabihin.

"You've never told me that you're already engaged krisha." Malamig na sabi nya ngunit matalim pa rin ang tingin nya kay dwayne habang nakangisi.

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni dwayne sa baywang ko. Lalong lumakas ang pintig ng puso ko. Alam ko ang ibig nyang sabihin. Alam nyang hindi pa ako engaged dahil wala naman syang nakitang singsing sa daliri ko. Alam kong alam rin ni dwayne ang ibig nyang sabihin. Oh God! He's pushing dwayne's button. Halos balutin kami ng tensyon dito sa loob dahil sa sukatan na titig ng dalawang 'to. Para bang isang kalabit lang magkakagulo na naman. Argh! Not again. Hindi pa nga naghihilom ang mga sugat nya, May panibago na naman ba?

"Ah..Eh.." Hindi ko alam kung saan ako mangangapa ng sasabihin. Napayuko ako at pinaglaruan ang aking daliri.

Iniisip kong mabuti kung ano ang dapat kong sabihin. Oo ba o hindi ang sasabihin ko. Nakakainis naman kasi, Bakit yun ba ang naisip ni dwayne. Pinapahirapan nya ang sitwasyon.

Bakit ba nya sinabi ang ganung bagay kay khyle, Pwede naman nyang sabihin na nililigawan nya ko or something, Mas malala pa ang sinabi nya, Fiancé pa talaga.

Halos balutin na kami ng katahimikan dito. Nakakatakot ang tensyon ng dalawa. Si khyle na nakangisi ngunit matalim ang tingin kay dwayne. Si dwayne naman na seryoso ang mukha at parang sa isang kalabit lang ay susugod na naman.

Napakagat ako ng labi. Hinawakan ko ang kamay ni dwayne. Napatingin naman sya sa akin dahil sa ginawa ko. Kinunot ko ang noo ko at umiling para sabihing wag na lang nyang patulan si khyle. Ayoko na kasi ng gulo. Sana lang naintindihan nya yung ginawa ko 'yun.

Napabuntong hininga naman sya na parang kinakalma ang sarili. Mukhang naintindihan nya ang ibig kong sabihin.

"Fuck this conversation. Let's go, krisha!" Utas ni dwayne.

Hinigit nya ako palabas ng convenience store. Tinignan ko pa si khyle habang palabas kami. Malaki ang ngisi nya at umiling iling pa. Mabuti na lang at napigilan ko ang dalawa.

"See you around, ish!" Sigaw nya habang kumakaway.

Hindi na tuloy ako nakapagpaalam ng maayos kay khyle dahil tuluyan na kaming nakalabas.

Siguro ay dahil alam nyang napahiya sya kay khyle kaya nya ako hinigit palayo sa loob.

Narinig ko ang mahinang mura nya bago nya ako pagbuksan ng pinto. Nakapasok na rin siya sa kabila at huminga ng malalim habang hawak ang manibela.

"Dammit!"

Humilig sya sa manibela at yumuko. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa manibela. Kita ko pa ang gasgas na sugat nya sa kamao dahil sa nangyari kanina.

"What was that, dwayne?" Tanong ko. Hindi ko pa rin kasi talaga maintindihan kung bakit yun ang sinabi nya kay khyle.

"I'm sorry, it's just that..." Malamig ang boses nya habang nakayuko pa rin sa manibela.

Nararamdaman ko ang maitim na aura nya. Para bang gusto nyang magwala sa galit pero hindi nya magawa dahil nandito ako.

"I feel so damn jealous." Malamig na sabi nya.

Lumakas na naman ang pintig ng puso ko. Hindi ako sanay sa pagiging vocal ni dwayne. Para bang lagi nyang sinasabi kung ano yung nararamdaman nya at hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi dahil nagseselos sya ngayon. Nagseselos sya kay khyle kaya nya nasabi ang ganung bagay? Bakit naman sya magseselos eh wala naman kaming ginagawa, naguusap lang naman kami dahil matagal na rin kaming hindi nagkita.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon