BEAR AND BRACELET.
HURRICANE'S P.O.V
"I'm sure miss ka na din nun. Ano palang pangalan nya? Baka matulungan kita sa paghahanap sa kanya."
"Hurricane." Basag ang boses nya. Ang cold.
Naipreno ko ng bigla ang sasakyan ko. Tinignan ko sya. Titig na titig sya sa akin. Bakas sa mga mata nya ang lungkot na pinagdadaanan. Yung hazel brown eyes nya ay unti unting nagiging itim.
"Hurricane?" I asked.
Nag buntong hininga sya bago magiwas ng tingin, "Yeah, Actually akala ko nga ikaw yun eh. kaya laking gulat ko ng malaman kong hurricane din ang pangalan mo."
Pilit nyang ngumiti pero bakas pa din ang lungkot sa kanyang mga mukha. Kaya pala ganun na lang yung inakto nya nung pagkasabi ko ng pangalan ko. Kaya pala bigla na lang syang naiyak nang marinig nya ang pangalan ko.
"Ahhh, Kaya pala." I laughed. Para mabawasan ang lungkot nya.
Kumunot yung noo nya. "Anong nakakatawa?"
"Wala wala. HAHA. Naaalala ko kasi yung itsura mo nun. Naiiyak iyak ka pa. HAHA."
Hinampas nya yung braso ko, "Epal mo! Eh malay ko ba? Kala ko ikaw eh." Mukhang nainis sya.
"Eto naman. Binibiro lang naman kita."
Umirap sya sakin. "Whatever."
Kahit kailan, Ang sungit talaga nya. Nakakatuwa sya. Mukhang mapapadali yung plano nito ah. Mukhang tiwala na talaga sya. Pero... ARGH! Tangina, Ang hirap naman ne'to. Hindi ko yata kaya. Pinangako ko sa sarili kong kahit kailan hindi ako manloloko, Pero, Fuck! I also promised to myself that I will do everything just to win her back to me. Yung mahal ko. Gagawin ko lahat.
--
KRISHA'S P.O.V
"Nandito na tayo ibon." Sabi nya
Kumunot naman yung noo ko. Ayaw kong tinatawag ako ng ibon. naiinis ako e. tsaka bestfriend ko lang ang tumatawag sakin nun. "Krisha na lang.."
Ngumiti sya. "Just kiddin' okay krisha."
Tumigil kami sa tapat ng isang store. Isang store ng mga couples.
Tinignan ko sya, "Ba't tayo nandito?"
Hindi na sya nagsalita, Ngumiti sya sa akin at lumabas ng sasakyan.Umikot sya sa akin at pinagbuksan nya ako ng pinto. Pagkatapos nyang isara ang pinto ay hinila na nya ako papasok sa loob.
Pagpasok namin tumambad sa akin ang mga magagandang mga stuffs dito. Puro pang couples talaga, May couple shirt, couple pants, couple rings, couple key chains basta lahat couples! ang cute.
"Cute ba?" Tanong nya sakin
"A-ahh Oo, ang gaganda. Teka bakit nga tayo nandito?"
Natawa sya, "Store namin to krisha, ako ang nagpapatakbo nito."
Nalalaglag ata ang panga ko sa narinig ko. Pambihira! Binata pa lang si Yuri, Nagtatrabaho na sya at wow lang, Sya may ari nito?
"Huy, ayos ka lang?" Winagayway nya yung kamay nya sa mukha ko.
Natauhan naman ako sa ginawa nya, "Oo, ok lang ako. Astig kana may negosyo kana. Ganyang edad pa lang."
Tumawa lang sya sa sinabi ko, "Tara dun tayo." Sabay turo sakin sa may mga teddy bears.
Naglakad naman kami papunta doon. "Woooow, Ang cuuuute!!" Hinawakan ko yung pink na teddy bear.
"Gusto mo ba nyan?" Tanong nya sakin, Luh? Baka ibigay nya sakin. Nakakahiya naman.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...