SEATMATE.
"Aish! Bwisit naman."
Itinaas ko ang paa ko para makita ang bubble gum na dumikit sa ilalim ng swelas ng sapatos ko. Nakakainis naman kasi, Bakit ba ganito ang mga tao. Kung pwede naman sana nilang itapon sa tamang basurahan ay hindi pa nila ginagawa.
Umupo ako sa isang bakanteng bench sa gilid ng campus at agad na naghanap ng kapirasong stick upang tungkabin ang tsiklet na dumikit.
"Nakakainis naman talaga oh." Inis na inis kong sabi sa sarili habang patuloy sa pagtungkab ng malagkit na tsiklet.
Agad akong tumayo ng matapos kong tanggalin ang dumi. Papunta kasi sana ako ngayon sa rooftop ng school. Wala naman kasi akong kasama. Hindi kasi pumasok ngayon si mimi. May importanteng lakad daw syang aasikasuhin. Kaya ako eto, Magisa lang.
"Oh krisha, Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni prince habang sumasabay sa paglakad ko patungo sa rooftop.
"Sa rooftop."
"Ano gagawin mo dun?"
Ang dami namang tanong ne'to ni prince. Kaklase ko nga pala sya sa isang subject. Isa rin sya sa naging kaibigan ko dito sa kulit at kalokohan ba naman ne'to eh, Halos lahat ata naging kaibigan na nya.
"Tatalon sana." Pagbibiro ko habang diretso pa rin ang lakad.
Tumingin sya sa akin. "Bakit? May problema ka ba? Gusto mo tulungan kita? Ako tutulak sayo." Natatawa nyang sabi
Binatukan ko nga. Lokong to akala ko naman may pakealam sa akin. Tutulungan pa pala ako magpakamatay.
"Aray!" Aniyang nakangisi habang hinahawakan ang batok nya
"Bwisit ka, Umalis ka na nga kung mangbibwiset ka lang." Mataray kong sabi.
"Ikaw nga tong nauna eh." Reklamo nya
"Ikaw? San ka ba pupunta? Bakit ka ba sumusunod sa akin?" Tanong ko sa kanya
"Sa library." Tipid nyang sagot
"Wow, Himala. May sakit ka ba?" Sarkastiko kong tanong, Bihira lang kasi sya mag aral, kaya naman nagtataka ako kung bakit sya pupunta ng library.
"May susulyapan lang ako dun." Nakangisi nyang sinasabi.
Natawa ako, "Inlove ka noh?"
Napakamot sya sa ulo nya na tila nahihiya. Napailing na lang ako sa kanya. Nako naman, ngayon ko lang kasi sya napansin na nagkaganun. Napakatamad kasi ne'tong mag aral. Halos laging tulog sa klase, Puro kalokohan lang ang alam. Kaya siguro irregular syang studyante dahil puro bagsak sya. Pero lately, napansin ko na parang sumisipag na sya magaral. Siguro nga'y nagkaroon ng inspirasyon. Inlove nga. HAHA.
"Sige ish, Una na ko." Pagpapaalam nya sakin ng madaan kami sa tapat ng library.
"Sige lang. Good luck sa'yo."
Tumango sya at tumalikod na sa akin. Agad naman akong umakyat ng hagdan patungong rooftop. Magpapahangin lang sana ako. Tutal mahaba haba pa naman ang vacant ko.
"Haaaay! Ang hangin!" Sigaw ko sa kawalan. Nandito na ako sa rooftop ng school.
Maganda dito sa taas, Ang daming halaman at mga bulaklak na orchid. Maganda ang pagkakadisenyo dito sa taas. Mayroon din 'tong glass sliding door na kung saan ay matatanaw ang mini garden. Restricted ang areang iyon dahil sa mga pinapatubo at pinangangalagaan nilang mga bulaklak.
Umupo ako sa may isang sulok para doon na muna tumambay. Tahimik dito kung ikukumpara sa maingay na kapaligiran sa baba, Dahil na rin sa mga estudyante madadaldal. Mabuti na lang ay walang tao dito.

BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomansaHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...