CHAPTER 56

93 1 1
                                        

KARAPATAN.

"Y-yuri..." I said stuttering.

Hindi ako makagalaw ng maayos sa mainit na yakap nya. Na kahit gaano kalamig ang tubig ay pakiramdam ko ay parang nalulusaw na naman ang tuhod ko. Hindi ako naninigas dahil sa lamig dito. Naninigas ako dahil sa yakap nya mula sa likod ko.

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Para akong tinamaan ng heart attack. Lalo na nang pinatong nya ang ulo nya sa aking balikat. Damn! Naririnig ko pa ang sexy nyang pag hinga. Walangya, Lahat ba ng galaw nya, sexy? Jusko naman. Kahit paghinga lang eh. Sexy pa din. BAKIT GANOOOON?!

"Hmmm?" He said.

Kinagat ko ang labi ko at mariing pinikit ang mga mata. Leche talaga! Ang sexy pati pag humming nya? Jusko po! Ano bang klaseng tao sya? Bakit ang sexy lahat? DAMN, HE'S TOOOO SEXY! JUICE KO LORD!

DANG! I missed this moment. This scene. Everything! Pakiramdam ko, Nawala lahat ng pangungulila ko sa kanya. Para bang tinabunan na nya ito ng yakap nya. Kung pwede lang tumagal kami ng ganito ay ayos lang. SANA, Mas tumagal pa! Pero hindi eh. Alam kong bawal.

"A-anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

Shet naman! Yuri please stop doing this. Nahihirapan ako lalo. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Gumana na ang plano nila. Pero shit naman. Ganito talaga kakomplikado? Ganito ba kahirap? Pwede bang maging invisible muna kami kahit saglit lang? Pwede bang magbulag-bulagan muna sila Storm kahit isang oras lang?

"I'm trying to cover you up. Masyado kang makulit eh." Malambing na sagot nya sa tenga ko.

Nagtindigan ang balahibo ko sa husky ng boses nya. Hindi ko alam kung tama bang ngumiti sa ganitong oras dahil na rin natatakot akong may makakita sa amin. Although madilim na, Naaninag ko pa rin sila Storm dito mula sa malayo. Naririnig ko rin ang kanilang tawanan doon. Kinakabahan ako sa magiging resulta kung sakaling makita nila kami.

"C-can you please, S-stop hugging me. Baka makita nila tayo." Kinakabahan na ako.

"Hmm...I don't care."

.

Muling pinikit ko ang mata ko. Damn, HURRICANE! You're giving me a hard time. Wa'g mo naman gawin sa akin 'to!

Shit talaga!

"Yuri, Bitawan mo na ako. Baka makita tayo ni Sarah." Hinawakan ko na ang bisig nya para tanggalin ito sa beywang ko.

"Please...Just give me another minute. I really missed this moment, baby..." Aniya sabay yakap pa ng mas mahigpit.

Naglalambot na naman ang puso ko sa mga salitang sinabi nya. Kung alam mo lang kung gaano kita ka-miss. Pero sana naman wa'g dito. Hindi nila tayo pwedeng makita.

Napalunok ako nang maramdaman ko na naman ang mainit na dibdib nya sa likod ko. Oh shet! This is the fucking first time na niyakap nya ko na nakabalandra ang tumatagingting nyang six pack abs. Pati na ang kayang makisig na dibdib. Oh my God! Bakit nyo po ako pinaparusahan ng ganito? Nahihirapan ako! Parang tinatangay na ang kaluluwa ko palipad kung saan man dalhin iyon. Oh my goodness!

Mas lalo n'yang idinikit ang kanyang mukha sa aking leeg. Humugot ako ng malalim na hininga sa sobrang kaba at sobrang kakaibang nararamdaman ko. Parang may kung anong paru-paro ang naglalaro sa tyan ko na hindi ko maintindihan.

"Damn, You really have a good smell. Yvonne..." Bulong nya sa tenga ko sabay salampak ulit ng mukha nya sa leeg ko.

SHIT!

HURRICANE! BAKIT MO BA AKO PINAPARUSAHAN NG GANITO?!  Are you trying to seduce me with your addictive hug and your sexy husky voice?! Damn it! You're really good at it!

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon