HURT.
Dalawang araw na ang lumipas nang umalis si Steven dito sa pinas. Nakakalungkot lang dahil malayo na sya sa amin. Siguro ilang taon din syang mawawala. Maganda na rin siguro yun para makahanap sya ng babaeng tunay na magmamahal sa kanya. And I'm pretty sure, that girl is so lucky. Napakabait kaya ni Steven. Kung sana nga ay sya na lang talaga ang minahal ko eh. Pero hindi talaga eh. He deserves someone better.
Dalawang araw na ring hindi pumasok si Yuri/Dwayne sa school. Gusto ko sana syang kausapin eh. Gusto ko ng malaman ang totoo. Ready na ako. Siguro okay na yung panahon na 'to para malaman ko na ang rason nya. Kung ano man yun ay tatanggapin ko. Mahal ko sya noon at hanggang ngayon.
Sadyang hindi lang ako makapaniwala sa nangyari. Nabigla ako eh. Hindi ko alam ang gagawin ko. So I decided to think first. Maganda na pagisipan ang mga bagay bagay. Bago mag padalos dalos. Hindi ko rin naman sya matitiis.
Sa katunayan, Miss na miss ko na sya. Gusto ko na syang makita. Pero ngayon wala talaga sya. Kahit anino nya ay hindi ko nakikita. Ayoko naman sya itext, I want to talk to him personally. Atsaka ayoko naman na agad agad ko syang pabalikin dahil ilang beses ko syang tinaboy.
"Nakakamiss din pala si Steven 'no?" Aniya ni Mimi habang nakahalumbaba dito sa lamesa.
Nandito kami ngayon sa canteen. Our favorite place, ofcourse. Pero may kulang pala talaga kapag wala si Veven. Nakakalungkot lang.
"Oo nga eh." Tamad na sagot ko sa kanya.
Nilibot ko ang tingin ko dito sa malaking canteen namin. Nandito kasi kami ngayon sa main canteen namin. So malaki sya. Hinahanap ko sila Storm ngayon. Gusto ko kasi tanungin kung nasaan si Dwayne ngayon. Kasi hindi ko rin sila makita.
"Sino ba hinahanap mo? Don't tell me si Steven? Wala na sya dito 'noh!" Natatawang sabi ni Mimi.
"Baliw! Alam ko. Hinahanap ko sila Storm eh." Aniya ko.
Nagbuntong hininga sya, "Bakit? Ano meron? Napapansin ko bes, Bakit nga ba iniiwasan mo si Dwayne? Ilang araw ko ng iniisip 'to eh. May problema ba kayo?" Tanong nya habang kinakain yung Fries sa harap nya.
Kumuha ako ng Fries na kinakain nya habang nag palinga linga. Nakakainis lang ay hindi ko talaga makita yung grupo ng mga bading.
Sa tinagal tagal kong hindi pinansin si Dwayne, ngayon lang sya nag tanong ng ganyan. Hmm...Siguro natatakot syang mag tanong sa akin dahil nitong mga nakaraang linggo ay wala akong gana makipagusap.
Gusto ko sanang sabihin kay bes na si Dwayne at Yuri ay iisa eh. Kaso hindi ko alam kung paano. Ang hirap na kayang mag tiwala. Parang lahat ng sikreto ko ay ayaw ko ng ipaalam sa iba. Kahit sa mga taong malapit sa akin.
"May konting pagtatalo lang kami." Sagot ko.
Tumaas ang kilay nya, "Wow, LQ?" Tumawa sya.
Binato ko nga ng fries. LQ na naman ang nasa isip nya eh. Ang alam nya kasi na mahal ko si Dwayne, diba? Ang totoo ay mahal na mahal. Lalo na't nalaman ko pang sya si Yuri. Mas masaya ako ngayon. Ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko kung bakit nya iyon tinago. Iba ang itsura niya ngayon. Iba sa Yuri na nakikilala ko. Nung una kong nakita si Dwayne, Hindi ko inakalang sya si Yuri dahil magkaiba ang mukha nila. I wonder kung ano ba ang pinagbago nya. Ang mata lang talaga nya ang nagkapareho sa kanila. Ang mata nya lang talaga na sobrang ganda. Yun ang palatandaan ko kay Yuri. Dahil simula nung nakita ko sya noong bata kami. Yun na ang nagustuhan ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ko agad napansin kay Dwayne yun. Nadala siguro ako ng inis at galit sa kanya nung unang pagkikita namin dito sa school.
Humalakhak sya sa pagbato ko sa kanya ng fries. Inayos nya pa ang mukha nyang may naiwang flavor dust.
"Bes, Pwede ba ako mag tanong?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomansaHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...