CHAPTER 13

281 1 0
                                    

RAIN.

Nandito ako ngayon sa park. Since mamaya pa namang hapon ang pasok ko. Dito muna ako tatambay. Nakaka tamad kasi sa bahay eh, Wala si tita. And besides gusto kong mapagisa. Wala lang trip ko lang.

Wala pang masyadong bata dahil maaga pa naman. Konti pa lang ang mga tao. Ang mga nagjojogging lang. Ang mga vendors at mga taong naglalakad lakad.

Nakaupo ako ngayon sa swing magisa. Naalala ko na naman tuloy ang best friend ko. Madalas kaming naglalaro sa park nun. Sya kasi ang childhood bestfriend ko.

Sya yung tumayong kuya ko since mas matanda sya sakin ng dalawang taon. Una ko syang nakilala sa park dun sa may probinsya namin.

Flashback *

"Ahhh, Lampa lampa mo krisha." Tawa sila ng tawa, Pang.aasar sakin nung mga kalaro ko.

"Lampa. Lampa. Lampa." Patuloy sila sa paghalakhak.

"Kadiri krisha. Ang baho baho mo na." Natatawa pa rin nilang pangaasar.

Iyak lang ako ng iyak. Nagtatakbuhan kasi kami tapos nadapa ako dun sa may putikan, Nagdugo tuloy yung tuhod ko. Tapos ang dumi dumi ko na.

Ayoko umuwi ng bahay. Wala din naman sila mommy dun. Nasa trabaho sila ngayon.

Tumakbo ako papuntang park. Buti na lang walang tao. Iyak pa rin ako ng iyak. Umupo ako sa may swing at tinignan ko ang sugat sa tuhod ko.

"Huhuhu..." Hagulgol ko.

Nag sakit ng sugat ko. Ang hapdi. Ang damit ko puro putik na. Pati ang tuhod ko.

"Tanga tanga mo kasi krisha eh." Sabi ko sa sarili ko at patuloy pa rin sa paghikbi.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating ulit ang mga kalaro ko. Sinundan pala nila ako at pinagpatuloy nila ang pangaasar sa akin.

"Ang baho ni krisha, Ang baho ni krisha." They said while laughing.

"Tama na." I shouted at them. Patuloy ako sa paghikbi. Halos hindi na ko makahinga sa kakaiyak ko.

Masyado silang natutuwa sa pangaasar nila sa akin. Kaya mas gusto ko lang nasa bahay eh. Lagi nila ako sinasali sa laro nila pero pagkatapos nun ay aasarin lang nila ako. Wala akong matitinong kaibigan, Walang matinong kalaro.

"Yuuuuck!" They shouted. Tunuturo pa nila ako habang tumatawa pa din.

"HOY! Tumigil na kayo! Kapag hindi kayo tumigil, Isusumbong ko kayo sa mga nanay nyo!" Sigaw ng isang hindi ko kilalang lalaki. Mukhang kararating nya lang.

He's standing beside them. Showing his fuming face yet he still looks cute because of his adorable and sparkling black eyes. Mukhang bago lang sya dito. Ngayon ko lang kasi sya nakita. He's wearing striped shirt and brown pants.

Tumakbo yung mga nangaasar sa akin. Mukhang natakot sila sa sigaw nung lalaki. I think he is older than me. He looks matured yet he's still a kid. Maybe he is 2 to 3 years older than me.

Pinasadahan nya ako ng tingin at agad na ngumiti, He started to walk slowly towards me. Tumigil na ako sa paghihikbi habang tinitignan ko sya na papalapit sa akin.

"Are you alright?" Tanong nya sakin nang makalapit na sya.

I stared at him then look away, "I'm fine." Tipid na sabi ko.

Kumuha sya ng panyo at lumapit pa ng mas malapit sa akin. Hinawakan nya ang ilalim ng mukha ko at pinunasan ang luha ko sa pisngi.

My heart beats fast, Habang nakatingin ako sa kanya. He keep smiling at me. Lalong lumalabas as pagiging cute nya pag nakangiti sya.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon