THE IBIG.
"Aaaaaarrrrhhhmmmm." Laking kagat ni mimi sa kanyang ham sandwich na ginawa ko kanina sa bahay. Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno ng field, Vacant kasi namin ngayon eh, Buti na lang nagbaon ako ng maraming sandwich. Kaso ngayon ubos na. kanina pa kasi nilalantakan ni mimi yung sandwich eh.
"Grabe bes nakaka apat na sandwich ka na, Hindi ka pa ba busog sa kinakain mo? Ang takaw mo talaga." Aniya ko habang pinapanood syang kumain, Ang ganda gandang babae ang siba kung kumain. Nakakatawa sya.
"Bakit ba? Ang shharap kaya ng gawa mo. Hihi." Shagot este sagot nya habang puno ng pagkain ang bibig nya, Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya. Ang takaw naman kasi. Tumingin na lang ako sa mga studyanteng naglalakad sa malayo.
Napatalon ako ng biglang may tumakip sa mata ko. "Ughhhh, Sino to?" Wala akong makita.
"Guess?"
"Oh steven stop it!" Sabi ko, Boses pa lang ay kilala ko na, Agad naman nyang tinanggal ang kamay nya sa mga mata ko at tumabi sa akin.
"Hi Veven!" Bati ni mimi kay steven habang pinupunasan nya ang gilid ng labi nyang may mayonnaise.
"Woah! Veven? Hahaha, I like it!" Ngiti ngiti nyang sabi. lumabas na naman tuloy ang dimples nya.
Ang gwapo naman talaga ng lalaking to oh. Dimples pa lang pamatay na. Jusko, Mukhang talagang artista ang mokong. Kahit na pawisan at magulo ang buhok nya, Bakas pa rin sa itsura nya na gwapo talaga. Kitang kita ko pa ang tumutulo nyang pawis sa gilid ng tenga nya, parang gusto ko tuloy punasan. Ay ano este ano ba krisha? Tumigil ka nga.
"Kamusta?" Tanong ko. Teka parang umiinit yung pisngi ko? Shit! Stop it krisha.
"Okay lang, Ayun napagod ako. kakatapos lang kasi namin mag practice. This september kasi may laban agad kami. Kaya nageensayo na kami. Buti na lang excuse ako sa subjects namin." Sabi nya. Habang pinupunasan nya ang pawis sa mukha nya. Want me to help steve? Aish! Joke.
Grabe, ang bango pa rin nya kahit pawisan na. Amoy na amoy ko ang scent ng pabango nya, Parang ang sarap nyang halikan. Waaaah. ManyakAlert!!!! Sarreh!
"Wow, I'm sure mananalo kayo nyan. Good luck sa inyo." Pag che-cheer ni mimi kay steven. "Oo nga!" Pagsang ayon ko kay mimi.
Tumawa sya, "Sana nga. Wala bang advance goodluck kiss jan?" Pagbibiro nya na may halong ngisi.
"ANG MANYAK MO!" Sabi namin ni mimi sabay hampas sa braso nyang matigas. este braso lang pala. HAHA, Ilang araw na naming nakakabiruan si steven. Araw araw kasi syang nagmumulto este nagpapakita at nambubulabog samin.
Habang nagtatawanan kaming tatlo dito sa ilalim ng puno, biglang may nakaagaw ng pansin namin. Mula sa soccer field. Agad naman naming nilingon ito. Mga nagtitiliang mga babae na tila nakatingin sa isang grupo ng mga lalaking naglalakad mula sa field.
Para silang mga artista kung palibutan ng mga babae, Para bang may kung anong magnet sa kanila at nagkaripas ng takbo ang mga babae sa kanila.
"Oh my gosh!! Girl, Nanjan na sila Prince dwayne! *Kyaaaaah* Tara puntahan natin." Pagsigaw ng babae sa kaibigan nya na di kalayuan sa kinauupuan namin.
Prince? Dwayne? Teka parang narinig ko na yung pangalan na yun ah? Saan nga ba? Hmmm...Ay Oo naalala ko na, Sya yung lalaking nantrip kay steven. Hindi ako pwedeng magkamali.

BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...