SICK.
*Toot-toot toot-toot*
"Hmmmm."
Nakaramdam na naman ako ng pagsakit ng ulo ko. Argh. Bakit ba gan'to yung pakiramdam ko? Medyo giniginaw pa rin ako. But I felt so comfortable with my bed right now. Ang lambot. Pati yung amoy ang bango. Parang, Amoy ng panlalaki?
Agad kong dinilat ang mga mata ko, My eyes get wider as I see the whole room. Kahit medyo madilim ay kitang kita ko ito. Nilibot ko ang tingin ko sa isang malaking kwarto na ito. May malaking abstract painting sa itaas ng kamang hinihigaan ko. Nasa pinaka center nito ang kama. May malaking t.v flat screen sa ibaba ko. May malaking veranda sa gilid ko pero nakasara ito gamit ang malaking glass door. Gabi na pala, Kitang kita ko ito mula sa labas. The room was surrounded by brown wallpapers. Pero ang kurtina at ang kama ay puting puti. May side table ito at may lamaking lampshade. May tatlong pintuan din ito at tingin ko yung isa para sa CR tapos yung isa obviously para makalabas dito. Hindi ko lang alam kung ano yung isa. May malaking closet din ito. Simple lang ang kwarto pero mukhang kwarto ito ng isang lalaki.
Nasaan ba ako? Kaninong kwarto 'to? Tsaka ano bang nangyari sa akin? Kinakabahan ako. Inisip kong maigi kung ano ang huli kong natatandaan. Pero ang tanging naiisip ko lang ay nasa corridor ako habang tinitignan ang board. Bukod dun, Wala na. Hindi kaya? Oh my god! Nag panic ako, Agad kong tinaas ang comforter na nakabalot sa katawan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nakauniform pa rin ako. Pero wala na yung suot kong sapatos. Malamang, Baka tinanggal. Akala ko kasi nirape ako, Pero wala naman akong naramdaman na masakit bukod sa ulo ko ay wala na.
"Hay, Buti naman." Lumuwag ang paghinga ko.
Kinabahan ako dun ah. Pero nasaan ba talaga ako? Habang iniisip ko kung nasaan ako ay dahan dahang bumukas ang pintuan sa gilid ko.
"Sino yan?"
"Ish, gising ka na pala." Bumungad sa akin ang isang gwapong lalaki na sobrang lalim ng dimples. Malaki ang ngiti sa kanyang mga labi. Napabuntong hininga ako. Si steven lang pala. May dala syang tray na may pagkain at may gatas at gamot.
"Ikaw lang pala yan. Teka, Nasaan ba ako? Tsaka bakit ako nandito? Nasa school lang ako kanina eh?"
Nilapag nya muna yung tray sa side table at umupo sa gilid ko. He smiles sexily, "Nahimatay ka daw kanina, Kaya ayun, Dinala na lang kita dito kasi baha na sa mga dadaanan natin pabalik sa bahay nyo. Kaya dito na lang kita pinastay, Tinext ko na din si tita, Sabi nya bukas na lang daw kita ihatid pauwi."
Baha na? Ang lakas pala ng ulan. Pinasadahan ko ng tingin ang labas at kitang kita ko ngang malakas ang ulan.
"Ah, Yun naman pala. Teka bakit pala may daw yung word mo? So ibig sabihin may ibang nakakita sakin bago ikaw?" I asked him. He sighed. He looked away.
"Hmmm, Yeah."
Napakunot ang noo ko,"Who?"
Ngumiti sya pero parang may halong pangamba, "Don't worry about it, Ang mahalaga okay ka na. You better rest. May masakit pa ba sayo?"
Sino kaya yun? Well, Kung sino man sya, I must be thankful dahil niligtas nya ako. Gusto ko lang malaman kung sino pero baka sa susunod ko na lang ulit tanungin.
I pouted,"I'm not okay, Giniginaw pa ako at masakit ang ulo ko."
Kinuha nya yung thermometer sa cabinet at chineck ang temperature ko.
Kumunot ang noo nya, "Ang taas pa ng lagnat mo, Mabuti pa kumain ka muna at magpahinga. Inumin mo na din 'tong gamot." kinuha nya yung tray at nilagay sa lap ko.
I just nodded and smile.
Ngumiti rin sya sa akin. "Maiwan muna kita at mag shoshower pa ako. Nabasa kasi ako kanina sa ulan. Eat well, mag half bath ka na din. Tawagan mo 'ko pag tapos ka na, babalikan kita." He tapped my head and kissed my forehead.
![](https://img.wattpad.com/cover/16980517-288-k438569.jpg)
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomantikHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...