CHAPTER 20

270 2 0
                                        

GIRLFRIEND?!

Nang nasa byahe na kami pansin ko naka.ngiti si Steven. All the time naka.ngiti? Ba't kaya?! Abnormal na ata to eh. HAHA. Joke lang.

Pinutol ko ang katahimikan. "Uy ba't ka nakangiti? Saan ba talaga tayo pupunta?"

Tumawa sya. "Chill, pupunta tayo sa lugar kung saan ka maliligayahan." sabay ngiti, Oh God. Bakit nyo po va sya nabiyayaan ng gwapong mukha? Nakakatunaw!  Kinabahan ako. Kinabahan ako sa nakakalokong ngiti nya sa akin .

Hala? Sa lugar kung saan ako maliligayahan? Saan yun? Di kaya sa?

Nako krisha wag kang magisip ng ganya. Jusko. Relax ka lang. Inhale, Exhale.

Huminto ang sasakyan, kasi nagstop light, Agad naman tumingin ulit sakin si steven. Ngumiti na naman sya, yung Nakakaloko. Ano ba 'to si steven, wag kang ngumiti ng ganyan, baka hindi ako makapag pigil na mahalikan ka. Jusko naman! HAHA! Krisha! Tumigil ka nga.

"Steven ha! Ano bang trip mo? Wag kang ganyan! sasapakin na kita", kainis lakas mantrip ni steven.

Humalakhak sya, "Whaaaat?" Kumindat pa sakin ang loko, Tumigin ulit sya sa daan, dahil nag Go light na ulit.

"Hoy! Mokong ka! Ano bang balak mo!!" Hinampas ko sya sa braso

Ngumisi sya, "Chill lang kasi, masyado kang naiinip eh. Relax lang Ish" sabay kindat

Pano ba ako ma re.relax neto? Kung kada kindat nya kinikilig na mga nerve cells ko. Bwisit ka Steven. HAHA! CHILL.

After 15-20 mins lumiko kami sa isang magandang subdivision. Subdivision kung saan ang mga bahay ay mansion. Gan'to ang pinapangarap kong bahay eh. Someday magiging ganyan din bahay ko.

Maya maya ay huminto kami sa isang malaking mansion at nag beep si Steven. Lumabas yung isang maid at binuksan yung gate ng garahe nila.

"Nasan si babe?" Tanong ni Steven sa maid nila.

"Nandun po sa kusina, hinihintay na po ata kayo." Sagot nung maid nila.

Babe? May girlfriend na si Steven? Pinapunta nya ako sa bahay ng girlfriend nya, Nakakahiya naman.

"Uy, steven hindi ba nakakahiya? Ipapakilala mo ako sa girlfriend mo? Baka kung ano isipin nun" Yumuko ako.

"Basta, matutuwa ka sa kanya" Kinurot nya ang pisngi ko.

Matapos nya igarahe yung kotse nya ay pumasok na kami sa bahay. Two door ang bahay na 'to. Ang laki. Lumakas ang pintig ng puso ko. Napansin naman ni steven na kinakabahan ako kaya naman hinawakan nya ang kamay ko. Ngumiti sya, Lumabas na naman yung dimples nya. Pagkapasok namin. Kitang kita ko ang mga magagandang furniture ng bahay nila. Mga muwebles at mga salamin at kung ano ano pang makikita sa isang mansyon. Nandun lahat. Ang ganda. Napa jaw dropped ako. Habang nililibot ko ang tingin ko sa mansion na 'to. May sumalubong sa amin na isang cute na bata. Ang cute nyang mag smile. Ang lalim din ng dimples. Hawig sya ni steven. Tingin ko, Kapatid na 'to.

"Hi kuyaaa!" Sinalubong sya ng yakap nung cute na bata. "Hello baby girl." Umupo si steven para mapantayan nya yubg bata at hinalikan nya 'to sa noo. Binuhat nya 'to. Tapos binaling ang tingin sa akin.

"Ish, si pinky kapatid ko. Nakita ka na nya nung nag kasakit ka."

"Hello, Ate krisha. Nice to meet you again." kumaway kaway pa sya, Ang ganda nya. Ang lalim ng dimples. She stretched her arms, I think nag papabuhat sya sa akin. Kaya naman kinuha ko sya kay steven.

"Hello bebe girl, Ang ganda mo naman."

"Thankyou ate, you're prettier." Ngumiti sya.

"Thankyou baby." I said.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon