CHAPTER 57

110 2 5
                                        

EXCEPT HURRICANE.

"Nasaan ba si Dwayne? Kanina pa 'yon ah? Bigla na lang nawawala." Tanong na naman ni Andrew.

Pabalik na kami sa cottage namin. May mga amats na ang mga kasama ko pero gusto pa daw nilang uminom. Grabe lang sila, Hindi pa din nagsasawa sa alak?

"Kausap ko lang s'ya kanina eh, Then out of nowhere biglang nawala. Iniwan ako." Sabi ni Sarah sa likod ko.

Napalunok ako nang marinig ko 'yon mula sa kanya. Mabuti na lang talaga hindi nya kami nakita kanina ni Yuri. Kung hindi, Lagot na.

"Nag-away ba kayo?" Lumingon si Storm sa harap ko para tignan si Sarah sa likod ko.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Oo nag-away kami! Pero hindi naman ako ang tinatanong eh, Kaya hindi ako ang sasagot. At kung sakaling tanungin nila ako, Syempre. Idedeny ko. Hindi nga nila pwedeng malaman na naguusap kami ni Yuri eh.

"Uhm...H-hindi naman." Malamig na sagot ni Sarah sa likod ko.

Nagkibit balikat na lang sila at nagpatuloy sa paglalakad. Minsan humihinto sila pag may nasasalubong na kakilala.

"Anong nangyari kanina?" Bulong ni Klein sa tabi ko.

Kinagat ko ang labi ko, "Nag-away kami. Kaya umalis s'ya. Hindi ko alam kung nasaan na s'ya ngayon." Sagot ko.

Tumango naman si Klein at luminga-linga na para bang may hinahanap.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa cottage namin. Napabuntong hininga ako. Iniisip ko kasing nandito si Yuri, pero wala pala sya.

"Dane, Tulungan mo ako. Gawa tayong bon fire!" Sigaw ni Storm sa kanya habang lumalakad papunta sa shore.

"Yes! Bonfire." Sigaw ni Misty at ni Mimi habang sumusunod kina Storm.

Sumunod na din halos lahat sila at naiwan ako dito sa cottage. Napakamot ako ng ulo at ilang beses pang bumuntong hininga.

Nakakainis naman talaga. Ano bang nangyayari sa akin? Kanina pa ako balisa simula nung umalis si Hurricane sa harapan ko. Ang bigat ng pakiramdam ko lalo na pag iniisip ko ang itsura n'yang galit kanina.

Sinubukan kong halughugin ang cellphone ko sa bag para icheck kung nagtext si Steven.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong naka-3 Missed calls na s'ya. At may iilang text din galing kay Mommy, Steven at....Hurricane.

Isa-isa kong binuksan ang message nila.

From: Veven

"Baby, How's the trip?"

"Seems you're enjoying, Huh? Sana kasama ako. I missed you so much."

"What are you doing? I'm done with my work, baby."

"Baby?"

Napalunok ako at nireplyan s'ya. Kanina pa pala s'ya nagtetext sa akin. Hindi ko man lang napansin. Nakaka-konsensya na naman tuloy! S'ya nagttrabaho tapos ako kung ano-anong kalokohan ang pinag-gagawa. Ugh!

To: Veven

"Baby, Sorry. Kakatapos lang namin mag swimming. Uminom din kasi sila."

Pag ka send ko ay binasa ko na din ang text ni Mommy. Nangangamusta lang. Tinawagan din kasi s'ya ni Steven. Tinatanong daw s'ya kung nagtext ba ako kay Mommy, Kasi hindi daw ako nagrereply.

Pag reply ko kay Mommy ay binasa ko ang text ni Yuri sa akin. Kinabog ang puso ko habang pinipindot ko ang message nya.

From: 09*********

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon