PLAN?
It's been a two damn weeks simula nung nangyari yung sa condo ni Yuri. Yung iniwan ko sya kasama yung Sarah na 'yon. And it's been two weeks na akong kinukulit ni Yuri. Lagi nya akong sinusundan. Lagi nya akong nilalapitan. Lagi nya akong pinupuntahan sa Mansyon ni Tita. Pero lagi ko syang pinagtutulakan palayo sa akin. I really don't have time to listen to his stupid excuses. Ayoko ng masaktan. Kahit pa sabihin nya ng paulit ulit na walang nangyari sa kanila. The hell! Hindi ako tanga. Okay lang sana eh. Okay na sana kung ibang tao. Pero shit naman. Sa dinami-daming babae sa mundo, bakit si Sarah pa?
Hindi ko maipagkakaila na galit ako kay Sarah. Galit ako. Oo! Pero wala syang kasalanan dito. Wala naman kami ni Yuri eh. Hindi kami. At hindi nya alam 'yun. Wala syang alam tungkol sa amin. Ang may kasalanan talaga dito ay si Yuri.
Bakit nga ba ako nagagalit? Ni wala nga kaming relasyong dalawa ni Yuri. Pero kasi naman eh. Mahal na mahal ko yung tao. Mahal na mahal ko sya. Nagagalit ako dahil pinaasa nya ako. Nagagalit ako kasi nasaktan nya ako. Hay! Hindi ko alam kung talaga bang mahal nya ako. Iniisip ko. Baka naman pinagttripan nya lang ako. Baka naman kasi pinapaasa nya lang ako? Kasi naman eh. Kung mahal nya ako, Hindi nya gagawin 'to. Aish! Ang gulo gulo.
"Umamin ka nga sa akin, Bes? Ikaw ang nagsabi kay Steven noh?" Niliitan ko sya ng mata.
Hindi ko kasi alam kung saan nahagilap ni Steven ang balitang 'yon. Nasa Singapore sya. And it's too impossible na malaman nya yun kung hindi ko naman sinabi sa kanya. Ang nakakaalam lang naman ne'to ay si Mimi. Yes, Sinabi ko na sa kanya lahat. I can't keep secrets on my own. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko kapag patuloy kong kinimkim ang bagay na iyon. Maganda na na ilabas ko yun para naman gumaan ang loob ko.
Nagiwas sya ng tingin sa akin, "Ah-eh... Kasi bes eh, Kinukulit nya ako. Alam mo bang hindi ako pinatulog ng bwisit na 'yon. Tawag ng tawag sa akin. I can't turn off my phone dahil hinihintay ko yung tawag ni Mj sa akin. Tapos yang bwisit na 'yan, Tawag ng tawag."
Nag buntong hininga ako. Kahit kailan talaga si Steven, oh! Hindi naman kasi nya kailangan umuwi dahil lang 'don. Hindi na nya kailangan gawin yun. Okay naman ako eh. Okay nga ba? I don't think so. Pero kasi nung malaman ni Steven yung balitang 'yun. Agad syang nagpa-book ng flight pauwi. I don't know what's with him. Seryoso talaga sya sa sinabi nya.
"Paano 'yan? Sasama ka ba sa akin? Susunduin natin sya mamaya." Aniya ko.
"Wait lang. Tignan ko muna." She checked on her phone.
Ano kayang pinagkakaabalahan ne'to ni bes? Kailangan nya pang mag check sa phone nya.
Umirap na lang ako at nagpalinga-linga. Nandito kami ngayon sa field. Hinihintay lang naman namin matapos ang next subject. Last subject na rin kasi eh. Mabuti na lang talaga wala si Yuri dito. Nagkakaklase sya ngayon eh. Umiling iling ako nang maalala ko na naman ang pangalan nya. Bakit ko ba laging iniisip si Yuri? Dapat hindi na eh.
"Sige, Bes! Sasama ako! Para naman makatakas ako sa bwisit kong asa--I mean....Uh, Go ako d'yan!" Tumawa sya ng hilaw.
Nangunot naman ang noo ko. Ano kaya 'yung sinasabi nya? Hmm.
After namin magklase ng last subject. Agad kaming lumabas. And as always. Laging nandyan si Yuri sa labas.
"Tara na, Bes." Hinawakan ko na yung kamay ni Mimi at hindi ko sinulyapan si Yuri na lumalapit na sa akin.
"Yvonne, Let's talk. Please.." Mahinahong sabi nya sa akin.
Hindi ko sya pinansin. Hinila ko na lang si Mimi hanggang sa makalabas kami.
"Hey, Babe..." Sinusubukan nyang hawakan ang kamay ko. Pero hinahawi ko ito..
Wala akong pakealam kung pinagtitinginan kami ng mga tao dito. Ayoko syang kausapin. Ayoko na pagusapan ang nangyari.

BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...