PASENSYA.
Sinalampak ko ang sarili ko sa higaan nitong malaking kama ko. Tinakpan ng malaking unan ang aking mukha at mariin na ipinikit ang aking mata.
ARRRRRGGHHHH!!!!
"Are you sure, dito ka lang?" Tanong sa akin ni Mimi na nakatayo sa gilid ng kama ko.
Tumalikod ako nang hindi tinatanggal ang unan sa mukha. I'm not in a mood. Gusto kong mapag-isa!
"Oo, Bababa na lang ako mamaya." Sabi ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya bago sya nagsalita ulit...
"Okay, Sige. Text mo na lang ako kapag bababa ka na. Baka hindi mo kasi ako makita mamaya. Gusto ko makapaglayo-layo. I.... just text you na din kung nasaan na ako."
Tinanggal ko ang unan ko sa aking mukha at nilingon sya. Bakit naman kaya gusto nyang makapaglayo-layo? Baka iniiwasan nya si Tim? Napansin ko kasing sa buong byahe namin, hindi sila nagiimikan O di kaya naman gusto nya lang talagang makapaglayo layo? Whatever!
Nakita kong nagiwas s'ya ng tingin sa titig ko. Namula ang kanyang pisngi at kinagat nya ang kanyang lower lip.
She's wearing black two piece. Nag lagay lang sya ng see through na kulay white. Ang sexy ni bes. Bumagay pa sa kanya ang itim na suot nya dahil sa maputi nyang kutis.
"Bakit mo naman gustong lumayo dito?" Tinaasan ko sya ng kilay.
Napansin ko ang pag aligaga ng kanyang mata na mukhang naghahanap ng magandang sasabihin sa akin.
"W-wala lang. Gusto ko kasing libutin 'tong beach nila Klein. Ang sabi nila, maganda daw kasi 'to." Medyo kabadong sabi nya sabay tingin sa akin.
Tumango na lang ako at hindi na nakipagtalo pa. Ayoko na rin magisip ng kung ano-ano. Nababaliw na nga ako dito kakaisip sa nangyari sa amin ni Yuri kanina, dadagdag pa s'ya? Ayoko na kaya. Bahala na sila sa gagawin nila. Basta ako, magkukulong na lang muna ako dito sa suite na 'to.
Pagkatapos n'yang tanungin pa ako ng ilang tanong ay umalis na din s'ya sa kwarto ko. Nandito na nga pala kami sa Cagayan na resort nila Klein. Kararating lang din namin. Kaya medyo napagod ako at gusto na lang muna magpahinga. Tsaka isa pa, ayokong makipagkita kay Yuri ngayon. Kinakabahan ako.
Pagkatapos kasi nya akong yakapin nun ay agad ko s'yang tinulak dahil dumating si Dane kasama 'yung babae nya. Malamang, ayokong makita nila kaming ganoon. Mamaya ano pang isipin nila. Isa pa baka malaman din ni Sarah 'yon, mabuti na nga lang ay walang nakakita sa amin.
Matapos ko s'yang itulak nun ay hindi na rin nya ako pinansin. Iniwasan ko na rin naman sya. Naguluhan ako sa ginawa nya. Ang akala ko ay hindi na nya ako mahal. Pero nung sinabi nyang nasasaktan ko pa rin sya ay nagkaroon ako ng pag-asa na kahit konti ay meron pa rin syang nararamdaman sa akin.
I'll be honest, Masaya ako dahil 'yun nga ang naiisip ko. Dahil nagkaroon ako ng pag-asa na balang araw ay babalik s'ya. Ngunit at the same time, Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako na baka malaman na ito ni Steven. O kaya naman ni Sarah. Takot ako na baka magkagulo-gulo kami dahil sa kalokohan kong ito.
Kaya naman ngayon, napagdesisyonan ko na lang munang dumistansya sa kanya. Dahil baka kapag sinubukan ko ulit, O magkataong kaming dalawa na naman ang maiwan ay mangyari na naman iyon. At baka sa pagkakataon na yon ay hindi ko na kayanin pang ipagtabuyan s'ya palayo sa akin. Baka kapag nangyari 'yon ay imbes na itulak ko s'ya ay yakapin ko na s'ya pabalik.

BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...