GUY IN THE RAIN.
"Is this krisha? Kung ikaw nga, Puntahan mo si dwayne sa park. Actually, kanina pa namin sya sinusundo pero ayaw nyang umalis, Hinihintay ka nya. I'm sure nandun pa rin sya hanggang ngayon. And by the way, This is your prince andrew. ;)"
What the...
Ano ba yan! Loko loko talaga to si dwayne. Teka pano kaya nalaman ni andrew yung number ko? Psh. Hindi na yun mahalaga. Agad agad akong bumaba. Tumingin ako sa orasan 9:08 pm na pala? Jusko naman, Gabi na. Papayagan pa kaya ako ni tita? Bahala na. Pumunta ako sa kwarto ni tita. Nakita kong nanonood sya ng t.v.
I cleared my throat. "Uhmm, Tita?"
Napatingin sya kung saan ako nakatayo. "Oh baby, Bakit gising ka pa? Gabi na ah? May problema ba?"
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya."Tita. Pwede po ba ako lumabas saglit?" Sana payagan ako. Sana talaga.
Kumunot ang noo nya, "Bakit? Gabi na ah? Umuulan pa." Hinawakan nya yung buhok ko, Sinusuklayan nya gamit ang kanyang mga daliri.
Paano kaya 'to. Sabihin ko na lang yung totoo. Baka kasi lalo ako mapagalitan eh.
"Kasi po tita, Yung kaibigan ko po, Si dwayne." Ano ba yan, kinakabahan ako. Parang dinadaga ang dibdib ko. -_-
"Hmm, What about dwayne?"
"Kasi po tita, Nagtext po sya kanina sakin, Hmm. Eh Hinihintay nya po ako dun sa may park eh."
"Then?"
"Eh tita, May nagtext po sakin na hanggang ngaun nandun pa rin po sya, Hinihintay daw po ako. Ayaw daw po umalis hangga't di ako dumadating.."
"What? Why?" Nagtataka sya. Ako rin eh, nagtataka kung bakit.
"Hindi ko rin po alam tita eh. Titignan ko lang po sana kung nandun pa sya. Hindi ko pa rin po kasi sya napupuntahan, Baka kasi kung ano mangyari dun.."
"Ok sige, Magpasama ka na lang kay manong. Teka, Tetext ko... " kinuha nya yung phone nya at nagtext.
Hay, buti na lang pumayag si tita. Kasi naman to si dwayne eh. Ano ba naisip nung mokong na yun.
--
Nandito na ko sa sasakyan, Papunta na kami sa park ni manong, Grabe ang lakas ng ulan. Ano ba kasing naisip ni dwayne eh, Parang ewan lang.
Madilim na sa daan, Maya't maya lang nakarating na kami sa park. May nakita ako dun sa may seaside na lalaking nakaupo. Jusko, Hindi kaya si dwayne yun?
"Manong saglit lang po ah, Dito na lang po muna kayo." Kinuha ko yung payong ko. Agad agad akong lumabas ng sasakyan.
Lumapit ako sa lalaking nakaupo. Habang nakatingin sa kawalan.
"Hoy DWAYNE!!!" Sigaw ko, Actually hindi ko sure kung talagang sya yun eh. Nakatalikod kasi sya sakin. Basang basa na sya.
Bigla naman syang lumingon. Hay, Sabi na eh. Si dwayne nga.
"Aish~! Baliw ka ba?! May sayad ka ba?" Bakit ka nag papaulan?! Tsaka bakit mo ba ko hintay?" Ano bang pumasok dyan sa kokote mo at hi-"
Hindi ko na natuloy yung sinabi ko kasi bigla nya kong niyakap. Halos hindi ko maigalaw yung mga nerve cells ko. Ayaw mag function dahil sa nangyari. Nagsisimula na naman yung dwayne desease ko. Shit. Para akong naestatwa dito. Ang lakas ng pintig ng puso ko.
"D-dwayne-"
"Just a minute krisha. Just give me a minute. Hayaan mo muna ako."
Hala, basa na ko. Hawak hawak ko pa rin yung payong pero dahil sa basa sya at niyakap nya ko, nabasa na rin ako. Hindi ako makahinga, Sa sobrang higpit ng pagkakayakap nya. Pero mas mabuti ang pakiramdam ko ngayon. I don't know why. Pero pakiramdam ko unti unti akong nabubuo. Yung pangungulilang narararamdaman ko sa bestfriend ko, unti unting nawawala sa sandaling kayakap ako ng lalaking 'to. Ilang minuto rin syang nakayakap sa akin.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomantikHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...
