Iminulat ko ang mata ko at ikinusot ito. Mukhang napahimbing ang tulog ko ah.
Bumangon na ako at iniligpit ang higaan ko. Mukhang napahimbing din ang tulog ni Dave. Walang gumising sa akin e hehehe. Sabagay, sya nga pala ang amo dito. Masyado ata akong nawiwili na kaswal lang ang turing nya sa akin.
Kumuha na ako ng damit at naligo. Ngayon kami mamimili ng mga grocery na sinasabi nya. Tinapos ko na ang paliligo at nagayos na.
Nang natapos na ako ay hindi parin bumababa si Dave. Tulog pa kaya sya? Gisingin ko na ba?
Nagpasya nalang ako na gisingin sya. Baka marami na syang kailangan gawin bukas at hindi na maisingit ang pagbibili ng mga grocery nya at hindi pa naman ako pamilyar sa lugar na ito kaya hindi pa ako marunong.
Pumanhik na ako sa taas. Tama nga sya. Walang pinto at diretsong kwarto ang makikita dito. Nakita ko syang nakahiga ng walang saplot sa pang itaas. Hindi ba sya nilalamig? Mukhang nakaaircon pa sya.
Inilinga ko ang buong kwarto nya. Kakaiba ang disenyo nito. Puro black and white at halatang panlalaki ang kwarto. First time ko lang pumasok sa kwarto ng isang lalaki ngunit wala akong magagawa dahil lalaki si Dave at sya ang amo ko. Pero bakla nga pala sya hehehe. Amoy na amoy din dito ang amoy nya. Ang bango. Parang pinaliguan ng pabango ang buong kwarto nya.
Lumapit ako at itinapik ang braso nya. Hindi ito nagising at tinapik pa ulit.
"Dave. Gumising ka na. Maggogrocery tayo hindi ba? Gabi na din at hindi ka pa kumakain." umungol lang ito at itinabing ang kamay kong tumatapik sa braso nya.
Mukhang hindi magigising sa marahang paraan si Dave. Mukhang pagod talaga ito. Huminga ako ng malalim at....
"DAVE LACOSTA GUMISING KA NA DYAN"
Dali dali naman itong bumangon at nagpalinga linga. Natawa nalang ako sa kanya.
"Hahaha bumangon ka na dyan Dave at maggogrocery pa tayo hindi ba?"
Sumimangot ito at nagkusot ng mata. Kahit sa simpleng galaw ay napakagwapo at napakakisig parin. Hindi mo aakalaing bakla sya.
"Ikaw talaga. Hindi mo naman ako kailangan sigawan." tumayo na sya at nagtungo sa aparador nya at kumuha ng damit at isinuot.
"Kanina pa kasi kita ginigising pero mukhang pagod na pagod ka kaya sinigawan nalang kita. Ganyan ang ginagawa ni Inay kapag hindi kami gumigising hahaha." tumango tango lang ito at napatitig sa akin. Kinapa ko naman ang mukha ko kung may dumi. Wala naman ah.
"May problema ba?" umiling lang ito at kinuha ang kamay ko.
"Tara na. Kailangan na natin bilisan. Baka sarado na ang mga grocery stores ngayon."
Hinigit nya ako sa pulsuhan at bumaba na kami. Naiilang man ay hinayaan ko na sya. Kailangan ko lang talaga sigurong isanay sa sarili ko na kasama ko sya. Bakla sya at wala syang interes sa akin. Ganito lang talaga siguro sya at dahil napapakita nya sa akin na ganito ang pagkatao nya.
Nakarating na kami sa baba at agad nyang binuksan ang unang pintuan ng sasakyan nya.
"Kapag magkasama tayong dalawa ay dapat andyan ka sa harap at hindi sa likod. Para hindi ako magmukhang driver." tumango nalang ako at saka sya pumihit para sumakay naman.
Pinaandar nya na ito at nakarating kami sa isang mall na mukhang wala ng tao.
"Mukhang wala ng tao, Dave. Sarado na ata." bumaba sya kaya sumunod na rin ako.
"Ganito talaga dito. Exclusive lang kasi ito para sa mga artista at mayayamang katulad ko. Mahirap kasi mamili kapag sa mga common malls kami bumili. Paniguradong dudumugin kami. Mahirap din kapag masyadong crowded ang lugar."
May ganun pala talaga. Mall para sa mayayaman lang.
Sumunod nalang ako sa kanya papasok. Tinanguan nya lang yung guard na nakabantay. Wow! Isang tango lang at pwede ng pumasok. Astig ha. Walang ng check ng gamit.
"Ganun din ba dito, Dave? Tinanguan mo lang kasi yung guard e. Hindi na tayo chineck "
Ngumuso ito at ngumiti. Hinila nya ang kamay ko para magkapantay sa akin at nagtuloy sa paglakad.
"Sa amin itong mall na ito. Mall ang hawak namin at ang chain ng mga resorts and hotels sa iba't ibang panig ng mundo."
"T-talaga?" namamangha kong tanong. Grabe. Ganun pala talaga sila kayaman. Hindi ko akalain.
"Hmm." tumango lang ito.
Ng makarating kami sa loob ay kumuha sya ng cart at itinulak ito. Tinangka ko sa kanyang agawin ngunit hindi nya ito binitawan at ang kamay ko ang kanyang kinuha.
"Hawakan ko nalang 'tong kamay mo. Baka mawala ka." ngumiti ito. Gwapo.
Hindi nalang ako umimik dahil wala naman akong laban sa kanya.
Pumunta kami sa mga gamit sa loob ng banyo. Kumuha sya ng mga kakailanganin namin.
"Ano nga palang pad ang gamit mo? Bili na din tayo ng mga gamit mo. Wala kasi akong gamit pangbabae kasi ako lang naman mag-isa sa condo ko."
"Anong pad?"
"Napkin." uminit ang pisngi ko pero tumango nalang. Wala nga pala akong dalang gamit na kakailanganin ko kaya mabuti at nasabi nya. Mukhang wala din naman sa kanya iyon dahil tulad ng ng sabi nya ay bakla sya.
Nagtungo kami sa mga pangbabaeng kagamitan. Kumuha ako ng 'pad' na ginagamit ko. Sya na din ang kumuha ng mga shampoo at kung anu-ano pa. Mas mukhang marami syang alam kaysa sa akin.
Ng makuha na namin lahat ng kailangan namin ay nagtungo na kami sa counter upang bayaran lahat. Umabot siguro ng benteng plastic bag ang napamili namin. Masyadong marami dahil marami ding pagkain ang binili nya.
Ibinigay nya sa isang manager ang susi ng kotse nya at ang mga pinamili namin. Mukhang sila na ang bahala rito.
"Kakain na muna tayo." aniya habang hawak parin ang kamay ko. Kung titignan ay para kaming magkasintahan sa lagay na 'to. Uminit lang ang pisngi ko sa naisip ko hehehe.
Nagtungo ako kami sa isang restawran. Mukhang mamahalin dahil iilan lang din ang kumakain at puro banyaga pa.
Inalalayan nya ako paupo bago sya umupo sa harapan ko. Ikinumpas nya ang kamay nya sa ere at may lumapit na waiter sa amin.
"What's your order Sir?" ngiti nito.
"Two of my usual order. Then two wine please." isinulat ng waiter ang order ni Dave at umalis.
"So, ang next natin is pamimili ng damit mo." gulat akong lumingon dito. Wala pa akong pera dahil kakasimula ko palang sa trabaho. Wala akong maibabayad.
"Wala akong pambayad, Dave. Tsaka marami pa akong damit na dala. Maayos pa naman." umiling ito.
"No no no. Bibili tayo ng bago. Yung akma sayo. At may hihingiin din sana kasi akong favor sayo." seryosong sabi nya sa akin.
"Ano yun?" ngiti ko kahit na kinakabahan ako. Iba kasi ito sa ekspresyon nya e.
"I want you to pretend to be my girlfriend." seryosong tugon nya.