"Come here. Sit." sabi ni Tita G sa akin ng makarating ako sa office niya.
Lumapit ako at umupo sa harap niya.
Inilagay niya ang siko sa lamesa at tinitigan ako.
Ako naman ay kinakabahan na tumingin sa kaniya. Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Are you happy?" she asked.
Tumango ako at ngumiti din sa kaniya.
"Yes, Tita G. I'm happy." tumango tango ito.
"I will not tell your parents about this. I will not asked you about your relationship, either. But please, be careful. I know this is your first time and your relationship with Dave is very complicated right now. I don't want to hurt you, darling. I will make things better for you. May mga kailangan lang akong ayusin." nakangiting sabi nito.
Sobra akong natotouch sa sinasabi ni Tita G ngayon. I know she's concern about me because I'm one of Betty's bestfriend but this is beyond. I don't want to give stress to others pero 'eto lang siguro ang best option ko.
I will allow Tita G to help me. Malapit na ding matapos ang contract ni Dave at malapit na matapos ang pagpapanggap naming dalawa. Ieencourage ko nalang siguro siya na umamin nalang sa family niya about sa gender niya. Alam ko namang matatanggap parin nila si Dave kahit na anong mangyari. That is what family is.
Tumayo ako at yumakap kay Tita G. I'm so grateful na kasama ko siya ngayon dito.
"Marami kang gagawin ngayon since malapit na magstart ang movie ni Dave. Alam kong complicated din sa inyo na makasama si Kate but that was in the past. Wala na 'yun. Better be friend to her. Mabait ang batang iyon." sabi niya ng nakangiti. Medyo naguluhan ako sa kung ano ang tinutukoy niya but ngumiti na lamang ako at tumango.
Kahit na kakakita ko palang kay Kate at hindi ko pa siya nakikilala sa ugali ay alam kong mabait ito. Sa aura at the way she act is masasabi mong mabait ito.
"Ahm. Nakausap mo na ba ang parents mo?" tanong nito bigla.
Umupo ulit ako ako at tumango sa kaniya.
"Yes Tita G. Okay lang naman po sila doon. Bukas nga po ay magpapadala na ako since nakuha ko na po ang sahod ko." I said.
Actually, naibigay na talaga sa akin ni Dave ang sahod ko noong nakaraan pa kaso hindi naman ako makapagpadala sa kanila dahil nga ay busy at full load ng appointments si Dave.
"That"s good. Give my regards to them."
"Yes Tita G."
"Wala naman ba kayong problema ni Dave? Kung kailangan mo ng may mapagtatanungan about sa love life, I'm always here. You can count on me. Masaya akong makinig ng mga kuwento mo." malumanay na sabi niya.
"Yes po Tita G. Thank you." ngumiti din ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Lumaki kang mabuting tao, Laila. Masaya akong makita kang muli." sabi niya habang maluha luha.
Kumunot naman sandali ang noo ko. Hindi ko minsan maintindihan ang mga pinagsasabi niya sa akin.
"Maayos po akong napalaki nila Inay at Itay." masaya kong sabi sa kaniya.