55

2.9K 48 2
                                    

"You are not my daughter."

Agad akong nabingi sa narinig ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bumigat ang mga mata ko. Parang sinasaksak ang puso ko ngayon.

"W-what?" halos pabulong na sabi ko.

Parang hinila pababa ang lakas ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang dapat na maramdaman ko. Naghahalo-halo sila. Namuo ang mga luha ko at agad silang tumulo.

"What did you say?" mas matapang na ang boses ko ngayon.

Hindi parin ito nagsasalita at patuloy lamang sa pag-iyak.

Tinignan ko si Itay ngunit iniiwas nito ang paningin sa akin.

"Teka. Whooo." tumayo ako at umikit-ikot.

Kita ko pa sa gilid ng mata ko ang pagyakap ni Tito Daniel sa asawa at ang tangkang paglapit ni Marc sa akin ngunit pinigilan lamang siya ng kaniyang ama.

"Wait lang po ha. Mukhang nagkakalokohan ata tayo dito." natatawa ko pang sabi sa kanila.

Para akong masisiraan ng ulo. Hindi ko alam kung saan magsisimula at kung ano ang unang sasabihin at tatanungin.

"Explain." sabi ko sa kanila ng makalipas ang ilang sandaling pagtayo ko.

Lumayo ako sa pwesto nila at umupo sa sofa kaharap sa kanila.

Ipinahid ko ang mga luhang patuloy na tumutulo sa mga mata ko. Hindi ito ang panahon na kailangan kong maging mahina. Kailangan kong marinig kung ano man ang sasabihin nila. Kailangan kong marinig lahat. Kasi magulo e, sobrang gulo.

Umupo si Inay at humarap sa akin. Si Itay naman ay nakaalalay lamang sa kanya.

"Hindi kami ang mga totoong magulang mo." panimula nito.

Parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko. Mas masakit palang marinig kung inulit sayo ano? Mas masakit kasi parang ipinamumukha sayo na hindi ka talaga nila anak.

"Agents kami ng organization nila Gladys. Tinatawag ang organization na iyon na Burham. Kami ang may hawak ng malalaking transaction pagdating sa droga at iba't-ibang klase ng armas. Ipinadala kami para magspy dito kila Danielle. Pinaniniwalaan kasi nila Gladys na si Daniel at mga tao niya ang nakapatay sa pinuno ng organisasyon. Labis ang galit nila Gladys at ang pamilya niya kaya gusto din nilang makapaghiganti."

Kinalama muli nito ang sarili at muling nagpatuloy.

"Kaming dalawa ni Arturo ang pinakamagaling sa kampo nila kaya kami din ang ipinadala. Magkasintahan na kami noon pa. Nagpanggap kami na magaapply bilang isa sa kasapi nila. Natanggap naman kami kaya patuloy lang ang pagmamatyag namin sa kanila."

"Meron silang dalawang anak. Isang lalaki at isang babae. Masaya ang buhay nila noon. Maayos din ang pakikitungo nila sa amin. Tinuring nila kaming pamilya katulad na lamang din ng iba nilang tauhan. Nakalimutan namin saglit ang totoong pakay namin sa kanila pero makalipas ang ilang bwan ay tumawag sa amin si Gladys, humihingi sila ng updates at kung anu-ano ang mga nalalaman namin. Sinabi naman namin sa kanila ang lahat. Nagpatuloy lang ang pagpapanggap namin hanggang sa makatanggap kami ng bagong utos. Patayin lahat ng miyembro ng pamilya nila. Nagbigay sila ng plano at kung ano ang dapat naming gawin. Ngunit labis kaming nakonsensya dahil napamahal kami sa kanila lalo na sa dalawang bata. Lalo na sa babae nilang anak. Lalo na, l-lalo na s-sayo." hagulgol na nito.

Unti-unti kong iniintindi kung ano man ang sinabi ni Inay. Napamahal na siya sa babaeng anak nila Tita Danielle, sa akin?

A-anak ako ni Tita Danielle? A-nak nila ako? K-kapatid ko si Marc?

Tumulo ulit ang mga luha ko.

Kaya pala lapit ng lapit sa akin si Marc. Kaya pala gusto niyang makilala ko ang mga magulang niya dahil magulang ko din pala sila. Kaya pala ang lapit sa akin ni Tita Danielle at Tito Daniel. Kaya pala magkahawig kami. Kaya pala dahil a-anak nila ako.

HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon