24

3.8K 77 6
                                    

"Una ay dapat na malaman mo kung anu-ano ang iba't-ibang klase ng paghalik sa iba't-ibang sitwasyon."

"Marami palang uri ng paghalik?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang labi ko. Hinaplos nito mula dulo hanggang gitna. Nanindig naman ang balahibo ko sa mga haplos nito. Tuwing tumatama talaga ang balat nya sa mga ganitong pagkakataon na sobrang magkalapit kami ay ganito lagi ang aking pakiramdam, nag-iinit. Aircon naman ang kwarto ni Dave pero parang hindi sapat ang lamig nito.


"Oo, marami. Pero depende parin kung ano ang sitwasyon. May madadali, may mahihirap naman."

"Huh? Bakit may mahirap?"

Ang pag-aalala ko dati sa akin nung nagkuwento si Betty tungkol sa paghalik ng nobya nya ay masarap daw ito. Hindi naman na ako nakikinig sa mga ganoong kuwento n'ya dahil pinagbabawalan ako ni Inay. Hindi daw nararapat na pinag-uusapan ang mga ganoong bagay.

Pero kita mo naman ang kinahinatnan ko? Hindi lang pinag-uusapan, ginagawa ko pa ngayon. Sa susunod na tatawag ako kay Betty ay magtatanong ako ng mga ganito, para sa gayon ay may alam naman ako kahit papaano.


"Hahahaha biro lang. Sisiguraduhin ko nalang na masasarapan ka. Kahit na bakla naman ako ay may ibubuga naman ako." natatawang sabi nito.


Pinamulahan naman ako ng mukha. Heto na nga ba e. Paniguradong mang-aasar talaga ito.

Pinalo ko naman ang kamay nyang nakapatong sa tyan ko. Tumawa naman ito ng tumawa. Tumawa na din ako para naman hindi magmukhang baliw si Dave dahil sya lamang ang natatawa. Biro lang hehehe.

"Okay. Tama na. Let's continue. First, forehead kiss muna." sabi nito.

Inalis nya na ang braso nya sa ulunan ko at pumaibabaw sa akin. Hindi naman nya ako nadadaganan dahil may pagitan parin naman ang mga katawan namin. Itinungkod nya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng mukha ko. Inipit nya naman ang dalawang hita nya ang mga hita ko at tinitigan ako.

Napalunok naman ako. Ganito ang nakita ko kila Betty nung minsang pumasok ako sa kwarto nya ng walang paalam. Ang sinabi nya lang sa akin noon ay ganoon daw talaga ang mga magnobyo at nobya. Kung gayon ay tama lang ang pwestong ganito namin ni Dave?


Dapat talaga ay magtanong ako kay Betty. Madami syang alam sa mga ganitong sitwasyon e. Para naman hindi mahirapan si Dave sa akin kapag nagtuturo.


Tumitig nalang ako sa kanya pabalik at napalunok. Naiinitan talaga ako ng sobra.

"Ganito ang dapat na posisyon natin para may mas access ako sayo. Okay ba?" tumango nalang ako sa kanya. Nakakahumaling ang mga mata nito na nakatitig sa akin.



Lumapit ito sa akin at saka hinalikan ang noo ko.



"This kiss shows respect. Tulad ngayon, I kiss you on the forehead because nirerespeto kita." tumango naman ako sa kanya. Madali lang ang isang 'to.



Bumaba naman ang lebel nito sa akin. Kapantay na ng mukha ko ang mukha nya. Lumapit ito at hinalikan ang pisngi ko.



"This one is the cheek kiss. Pangfriendly kiss lang sya. Kapag may friend ka, pwede mo yan gawin sa kanila. Meron ding isa." idinikit nito ang pisngi nya sa pisngi ko.  "Ito naman ay beso kung tawagin. All for friendly gestures. Pero para sayo dapat gagawin mo lang sya sa mga babae mong kaibigan. Okay?" masuyong sagot nito.


Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. Kaya pala tuwing nagkikita kami ni Betty ay hinahalikan nito ang pisngi ko? Friendly kiss? Ginawa din pala iyon ni Beatrice. Tinuturing nya na ba akong kaibigan? Napangiti naman ako.



HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon