22

3.7K 54 0
                                    

Nagising ako na nasa kumportableng pakiramdam. Mainit at kumportable sa yakap ni Dave.

Teka? Yakap yakap ni Dave?


Tinignan ko ang pwesto naming dalawa. Wala na ang unan na nakapagitan sa amin. Ang braso nito ay nakapulupot sa katawan ko. Ang isa ay nasa ulunan ko at ang isa naman ay nasa tyan ako, tila pinoprotektahan ang pagmamay-ari nya.


Lumakas ang tambol ng dibdib ko. Tumingala ako at tinitigan sya.


Walang duda, napakagwapo ni Dave. Tinaas ko ang kamay ko at hinawakan ang baba nya. May tumutubo nang mga maliliit na balbas rito.


Hinawakan ko naman ang kilay nya, sunod ang mata, pababa sa ilong at saka sa labi.

Lahat ng katangian nya ay maganda. Mula sa mukha hanggang sa ugali nito.

Hinawakan ko ang sariling dibdib, napapadalas ang ganitong pakiramdam ko. May sakit na nga ba ako? Hindi ko maintindihan dahil ngayon lamang nangyari ang ganito.

Tuwing kasama ko si Dave, tumatambol ito ng malakas. Kapag malapit sya, tumatambol rin ito. Lalo na kapag magkalapit kaming dalawa, ang bawat haplos nya, ang bawat ngiti at tawa nya, nagpapalakas ng tambol ng puso ko.


Inalis ko ang kamay nya na nakapatong sa tyan ko at bumangon na. Kumuha ako ng isang t-shirt sa kabinet na itinuro nya kagabi. Malaki ito sa akin ngunit mas kumportable sa pakiramdam kaysa sa sando na suot ko.


Nagtungo ako sa banyo at naghilamos. Nagsepilyo na rin ako. Mamaya nalang siguro ako maliligo kapag paalis na kami.


Lumabas na ako ng banyo at nagtungo sa higaan ko kanina.


Kinuha ko ang maliit na bag na dala ko. Buti nalang pala at dinala ko ang cellphone ko para matawagan sila Inay ngayon. Ang sabi ko pa naman kay Betty ay maaga akong tatawag ngayon.


Tinignan ko ang oras at nakitang ala sais na ng umaga. Tamang tama lang na tumawag. Sa probinsya kasi sa amin ay ang ala sais na ng umaga ay tanghali na para sa mga nagtatrabaho roon. Maaga talagang bumabangon kung kaya't nasanay ako na maaga na rin bumangon.


Tumayo ako at binuksan ang kurtina sa kwarto ni Dave. Papasilip palang ang haring araw.

Binuksan ko na ang cellphone ko at tinawagan si Betty.


"Goodmorning bessy." maligayang bati nito. Napangiti naman ako.


"Magandang umaga din. Ahm. Andyan ka na ba kila Inay?" nahihiya kong tanong sa kanya.


"Yes naman. Wait, tawagin ko si Tita."


Narinig ko ang mahinang mga usapan sa telepono. Rinig ko rin ang boses ng kambal. Miss ko na sila ngunit para naman sa kanila itong ginagawa ko.


"Laila, anak?" boses ni Inay ang narinig ko.


Nangilid ang luha ko at napangiti.


"Inay, kamusta na kayo dyan?"


"Ayos lang naman kami dito. Naku, ikaw na bata ka. Dapat ako ang nagtatanong n'yan sa iyo. Ayos ka ba nyan? Mabait ba ang amo mo? Nakakakain ka ba dyan ng maayos? Maayos naman ba ang pakikitungo sa iyo dyan?" sunod-sunod na sabi nito. Natawa naman ako.


Pinahid ko ang namuong luha sa aking mata at ngumiti.




"Ayos naman ang lagay ko Inay. Mabait ang amo ko. Maayos ang pakikitungo nya sa akin." bumuntong hininga ito.


HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon