Lumipas ang ilang araw at malapit ng matapos ang taping na inilaan nila rito sa Palawan.
Simula ng nangyari sa araw na iyon ay naging distant ako kay Dave. Hindi ko siya kinikibo hangga't hindi tungkol sa trabaho ang usapan naming dalawa. Naging tahimik na din ako at si Marc at Joey lamang ang mga taong kinakausap ko sa set.
Casual parin kami ni Kate at hindi din naman nagpapansinan. Okay naman ang pakikitungo niya kaya hindi ko na din pinapakialamanan.
"Okay. Cut. Good job guys." sigaw ni Director Mike sa kanila.
Pang ilang araw na ang set dito at talagang masasabi kong professional ang arte nila Dave at Kate at iilang mga kasamang extra.
Kung makikita mo ang mga arte nila ay parang totoo talaga. Maganda din ang chemistry nilang dalawa. Sigurado akong papatok ang movie nila na ito.
Nakita kong papalapit si Dave sa akin kaya inihanda ko na ang tubig at towel niya.
Lumapit na ito sa akin at hinalikan ang labi ko. Ganito ang routine niya tuwing matatapos ang isang taping. Lalapit siya sa akin at agad na hahalikan ako sa labi.
Nakikita ko na lamang na titingin sa amin saglit si Kate ngunit kapag nakita niyang nakatingin din ako ay iiwas din agad siya at babalik sa ginagawa niya.
Kahit na hindi ko alam kung totoo ang mga narinig ko at kung totoo nga na niloloko niya ako ay hindi ko kailanman inopen up kay Dave o kahit kanino pa iyon.
"Why so quiet? Ganyan ka na this past few days. Did I do something wrong?" tanong nito.
Yes. I want an answer. A clear and honest answer.
"No. Medyo this past fee days masakit lang ang puson ko. But I'm okay." ngumiti ako dito para hindi na siya magisip ng kung anu-ano.
"Alright." ngiti din nito.
Uminom na ito ng tubig at pinunasan ko naman ang likod niya.
"The next shoot is in Manila. Iilan lang ang kasama ako doon dahil nakafocus 'yun kay Kate so gusto mo bang gumala tayo?" nakangiting tanong nito.
"No. I'm fine." tinitigan ako nito at maya maya ay napabuntong hininga.
"Punta nalang tayo kila Mommy. Nagtetext kasi sa akin at namimiss ka na daw nila." sabi nito.
Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya.
Nakita kong papalapit sa amin si Director Mike kaya itinabi ko na ang tubig at towel.
"Dave." panimula nito ng makalapit siya sa kinaroroonan namin.
"Magbihis ka nalang muna then baba ka after 15 minutes. Meeting lang tayo." sabi ni Director Mike at saka tinapik ang balikat ni Dave.
Tumango naman si Dave at saka kinuha ang mga gamit namin at hinila ako paalis roon.
Pumasok kami sa bahay at umakyat sa kwarto.
Nang makapasok kaming dalawa sa kwarto ay nilock niya ang pinto at pinaupo ako sa higaan niya. Kami lamang ang tao rito dahil ang iba ay naroon para sa ibaba.
Hinawakan nito ang mukha ko at tinitigan akk sa mata. Hindi ko matitigan ang mga mata niya ngunit hinuhuli lamang niya ang mga titig ko.