44

2.7K 41 0
                                    

"What are we going to talk about?" nakangiting tanong ko sa kaniya.


Unti-unti siyang lumapit sa akin. Ang mga mata nito ay malalim, halong pagod, puyat, lungkot at stress. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako para mayakap.


Nabigla naman ako kaya hindi ako nakagalaw. May problema ba siya?


Sinuklian ko ang yakap niya at tinapik ang likod niya.


Makalipas lang ang saglit ay bumitiw na siya at tinignan ako. Ang mata nito ay maluha luha ngunit natatawang nakatingin sa akin.


"Ano ba ito! Sorry, Laila. I... I just want to receive a hug from someone and feel comforted. Thank you!" sabi nito na medyo natatawa tawa pa.


Tinignan ko lang siya. Nalilito kasi ako kung ano ang ibig niyang sabihin. Wala ba siyang kaibigan na pwede niyang pagsabihan ng mga problema niya?


Ngumiti na ako at tinapik ang balikat niya.


"That's okay. Just approach me and I will lend may shoulder for you to cry on." tumango tango naman ito ng nakangiti.


"Matagal pa ba kayo?" rinig kong sigaw ni Dave mula sa labas.


"The meeting will start anytime soon now." dagdag pa niya.


Natawa naman kaming dalawa ni Marc at sabay ng lumabas ng office niya.


Lumabas kami ni Marc at naabutang magkasalubong ang mga kilay ni Dave, mukha ng naiinis.



Ngumiti ako sa kaniya at agad naman nitong kinuha ang kamay ko at mabilis na naglakad. Lumingon naman ako pabalik at natatawang sumunod na lamang sa aming dalawa si Marc.



Nakarating na kami sa kwarto na pagdadausan ng meeting. Kumpleto na ang mga naroon, mga staffs and directors at si Kate.



Masuyo lang itong nakatingin sa amin, hindi nakangiti at hindi din nakasimangot. Ngumiti na lamang ako sa kaniya at umupo na sa inaalok na upuan ni Dave. Siya naman ay umupo na din sa tabi ko. Si Marc ang sa kanan ko at si Dave naman sa kaliwa. Nasa tapat naman si Kate kaya medyo hindi kumportable ang pakiramdam ko.



"Okay. Kumpleto na tayo. Let's start?" tanong ni Director Mike sa amin.



Tumango naman ang lahat.



Ang isa sa nga staff ay umiikot at may ibinibigay na mga bond paper. Kinuha ko ito at binasa.




"The shoot will be tomorrow in Palawan. Doon natin ishoshoot 'yung simpleng buhay nila Dave at Kate. Pack your things because we will be staying there for almost a week." panimula ng director.




"Lianne is not answering our calls and even our texts. If she will not going to pick our calls, mapipilitan tayong palitan siya. I know this is a very risky move since siya na ang nakuha ng team but kung magpapatuloy ang ganoong behavior niya ay hindi natin matotolerate ito and mapapalitan talaga siya. I've talked to her manager kanina and she said that she will going to talk to Lianne since hindi rin siya nakikipagusap sa kahit kanino." sabi nito.




Mapapalitan? Bakit naman kasi hindi sumasagot si Lianne? Nagtampo ba siya at hindi siya ang makakatambal ni Dave?




"So, who will be your option if Lianne will disregard this movie?" tanong ng isang staff.




Ngumiti naman sa akin si Director Mike at itinuro ako.




"I recommend Laila Dominguez." nakangiting sabi nito.




HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon