Sumakay kami ng jeep papuntang Luneta. Buti nalang ay may sign board na nakalagay.
Nang makarating kami ay hindi gaanong matao roon.
"Ganito pala ang itsura nito? Ngayon pa lamang ako nakakapunta rito." sabi ko sa kaniya habang tinatanaw ang kalayuan.
"Me too. Ngayon na lamang ako ulit nakapunta dito. Bata pa ako noong last na punta ko rito with my family."
Nagsimula na kaming maglakad. Inilabas ko ang cellphone ko at patagong kinunan siya.
Baka burahin kasi niya kapag nakita niyang kinuhaan ko siya ng picture. Ang ganda pa naman niya ngayon. Remembrance din ito.
"Tara. Andito pala yung National Museum oh." turo ko.
Excited naman kaming dalawa na pumila papasok.
Pinagtitinginan kaming dalawa pero hindi na namin iyon pinansin.
Bawal pala ang flash sa camera sa mga ganitong museum.
Nagsimula na kaming maglibot. Parehas kaming humahanga sa mga artifacts at sa mga iba't-ibang nakadisplay. Ang gaganda. Hanga ako dahil napanatili nilang napapreserved ang mga ganitong yaman.
Nagpakuha ako ng litrato kay Dave sa nga iilan roon. Siya naman ay ayaw magpakuha dahil ang pangit daw ng outfit niya. Ang ganda ganda niya kaya. Hindi niya ba naappreciate?
Nang matapos kami ay pumunta naman kami doon sa isa pang museum. Dito naman ay puro mga paintings. Napakaganda rin.
Nang matapos na kaming dalawa ay lumabas na kami. Enjoy ang paglibot namin. May mga itinuturo din kasi siya na alam niya. Minsan ay sinasabi niya ang history noon at mapagkekwentuhan na namin.
Buti na nga lang at libre ang pagpunta sa mga ganito. Dati pala kasi ay may bayad ang pagpasok dito.
"Ocean park tayo?" nakangiting tanong niya.
Excited naman akong tumango.
Nakita ko na iyon once ng magsearch ako ng most visited dito sa Manila.
Nilakad lamang namin papunta roon. Medyo malapit lang naman pala at kaya namang lakarin.
Nadaanan din naman ang monument ni Rizal. Dito siya binaril at binuwis ang buhay. Nagpakuha din ako ng litrato roon.
Ipapakita ko kila Inay at Itay at sa kambal ang mga pictures ko rito. Para matuwa rin sila.
Nang makarating kami ay nagbayad na kami ng entrance fee.
Sa bungad palang ay talagang maganda na.
Nagpatuloy kami sa paglalakad.
Ang mga bumibisita rin roon ay puro pamilya o hindi naman kaya ay magkasintahan.
Ang ganda sa loob roon. Maraming mga lamang dagat ang naroon. Nakakatuwa tignan.
Nagpatuloy kamk sa paglibot. Malaki ang lugar na ito at medyo masakit na rin ang paa ko kaya umupo muna ako sa isang tabi.
"Pagod ka na?" tanong ni Dave.
Ngumiti ako at umiling.
"Medyo nangalay lang ang paa ko. Sanay ako sa lakaran pero matagal tagal na din noong huling lakad ko ng malayo kaya siguro nabigla itong paa ko." tumango tango naman ito at lumuhod sa harap ko.
Kinuha nito ang paa ko at hinilot hilot. Tinignan ko lamang siya habang ginagawa iyon. Medyo nakakarelax ang ginagawa niya at nawawala na ang pangangalay.
Nang medyo okay-okay na ang paa ko ay binawi ko na ito sa kaniya. Umupo na din siya sa tabi ko.
"Thank you for this baby. Nagenjoy ako ng sobra." nakangiting sabi nito.
