56

3K 54 10
                                    

Nanatiling nakatayo lang si Marc sa harap ko. Nakatingin lamang ito ng seryoso sa akin.




"No. You stay here. Hindi mo alam kung gaano kadelikado ang buhay mo kapag nasa labas ka ng pamamahay na ito." seryosong sabi niya sa akin.




Napaupo ako sa sofa at sinabunutan ang sarili ko.




"Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon ha? Feeling ko ang pagkatao ko ngayon ay isang malaking pagkakamali. Puno ng kasinungalingan at pinagkaitan ako ng buhay na dapat meron talaga ako. Ang sakit e. Mahal ko ang mga magulang ko. Mahal na mahal ko sila. Kaya nga ako nagtrabaho dito sa Maynila kasi gusto ko mabigyan ko sila ng masaganang buhay e. And yet this?" umiiyak na sabi ko sa kaniya.




Lumapit ito sa akin ngunit tumayo na ako.




"I want to leave this house right now. Galit ako Marc. Galit pa ako sa ngayon. I need time to digest kung ano man ang nalaman ko. Doon lang naman ako kila Dave. That is the place I want to go right now. Gusto ko lang ng peace of mind. And I want Dave right now." nagsusumamong sabi ko sa kaniya.




Pumikit ito at napabuntong hininga.




"Alright. Pero magpapalagay ako ng mga bantay. Sa loob at labas ng bahay nila Dave. Okay?" kalmado na ito ngayon.




Tipid akong ngumiti sa kaniya at nauna nang lumabas.




Andoon parin ang mga body guard na nagroronda sa buong bahay. Inutusan niya ang higit sa sampu na sumama sa amin.




"Sobrang dami naman yata niyan?" nagtatakang tanong ko.




Higit sa sampu para bantayan ang isang babae lang? Are you kidding me?




"Believe me, Laila. Kulang pa 'yan. Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ng mga kalaban. Even the family of Dave kaya nilang patayin dahil lang sa may koneksyon sila sa iyo." seryosong sabi nito habang sumasakay sa sasakyan niya.




Agad naman akong kinabahan sa sinabi niya. Paano nga kung talagang madamay ang pamilya ni Dave? Paano?




Sumakay nalang ako sa sasakyan ni Marc at nagtungo na kami sa lugar nila Dave.




Nang makarating kami roon ay agad kaming pinapasok sa village. Mukhang kilala na si Marc dito at talagang napunta na siya rito.




"I already told Dave na dadalhin kita sa kaniya ngayon. Better tell him the truth now para atleast may alam sya at alam niya kung ano ang pwedeng gawin." maya-maya ay sabi niya.




Tumango na lamang muna ako sa kaniya.




Hindi ko nga alam kung bakit naisipan kong dito ako magpunta matapos kong mabilisang lisanin ang lugar na ito dahil sa mga narinig ko. I just... I just want a hug from him. A comfort from him. Because afterall he is my strenght.




Pagkabukas palang ng gate ng bahay nila Dave ay agad bumungad sa amin ang buong pamilya nila na nag-aabang sa may pintuan.




Nang tumigil ang sasakyan ay agad binuksan ni Dave ang pintuan sa akin at niyakap ako.




Sa yakap niya ay parang doon ko nalang gusto mamalagi. Gusto kong yakap yakap nalang siya. Parang gusto kong umiyak nalang sa harap niya at magsumbong sa mga nalaman ko.




"Grabe ang pag-aalala ko sa iyo. Saan ka ba nagpunta? Why is Marc with you?" sunod-sunod na tanong nito.




"She's tired Dave. Pagpahingahin mo muna." maawtoridad na sabi ni Marc.




HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon