33

3.1K 51 2
                                    

"Kung nasasaktan ka sa nakikita mo pwede ka namang pumikit. Hindi mo naman kailangan iendure lahat ng sakit." rinig kong sabi ni Joey sa tabi ko.




Hinarangan nito ang paningin ko na nakatingin kanina kila Dave at Lianne. Ngayon ay siya na ang nasa paningin ko.





Pinunasan nito ang pisngi ko. Hindi ko namalayan na lumuluha na ako. Bakit ba ako umiiyak? Senyales na ba ito na mahal ko na nga talaga si Dave?





"Kumain na muna tayo." paanyaya ni Joey na nakangiti.





Pinahidan ko na din ang pisngi ko at inayos ang sarili. Sumunod ako sa kanya sa katapat lamang na kwarto.





Inbutan ako nito ng isang sandwich at isang softdrinks. Eto ata yung pagkain nila para sa mga staff. Kakasya pa kaya ito sa kanila?





"Baka wala na yung ibang makain if kakainin ko ito." I said.





"No. Marami pang stocks actually." nakangiting sabi nito.





Tumango na lamang ako at sinimulan ng kainin ang pagkain na ibinigay niya.





Medyo awkward nga lang dahil habang kumakain ay nakatingin ito sa akin.





"Are you alright?" he asked.





I nodded and smiled at him. Tumango nalang din ito at ngumiti.





Hindi naman niya siguro sasabihin sa iba ang nakita niya kanina hindi ba? Nakakahiya at nakita niya pa akong ganun. Baka kung ano na lang ang isipin niya.





"About kanina. That's nothing." I said.





"Don't worry. I will zip my mouth. Ako lang ang nakakita." sabi nito na nakangiti.





Ngumiti na lamang ako at nagsimula na kaming magkwentuhan.






Nakakatuwa masyado si Joey. Makwela sya at hindi nauubusan ng kwento. Tama nga ang hinala ko na bakla lang ito. Pero hindi naman niya itinatago ang pagiging bakla niya. Hindi din siya 'naglaladlad' tulad ng iba. Parang si Dave na ang kaibahan lang ay walang nakakaalam kung hindi ako lamang.





Tawa lang ako ng tawa throughout ng kwentuhan naming dalawa. Puro kasi siya patawa. Hindi ko alam na ganito siya kakwela dahil ay madalas lang siya na tahimik.





Kaya pala ganitong trabaho ang pinili niya dahil isa din ito sa passion niya at para na din makapag 'boy hunting'. Buti na nga lang daw ay si Dave ang nakatoka sa kanya.





Talagang bet na bet niya daw ito dahil full package kung baga. Gwapo, malaki ang katawan, matikas, lalaking lalaki ang dating, bad boy look at masungit, mga katangiang hinahanap niya daw sa lalaki na kay Dave niya lang nakita.





Natatawa nga ako habang nagkekwento siya dahil halos mapatili pa ito habang idinisdescribe si Dave kanina. Ang hindi niya alam ay kalahi niya lamang ito hahaha.





"Kaya nga kahit tapos na ang kontrata ko ay pinilit kong pagrenew ng contract para kay Dave lang ako mapunta. Buti naman at pumayag si Tita G. since nirequest din ni Dave na ako na lang ang magiging stylist niya dahil mas okay daw ako." sabi nito na halos maghyperventilate na at pinapaypayan ang sarili.





Tumawa naman ako ng tumawa sa mga pinagsasabi niya. Baka mas doble pa ang maging reaksyon niya kung sakaling malaman niya na kauri niya ng si Dave.





HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon