39

2.9K 42 1
                                    

Nang makarating kami sa mall ay agad naman akong kumuha ng mga kakailanganin namin.




Pumunta ako sa mga botique, kumuha ng mga damit at wigs at tsinelas. Bumili na din ako ng mumurahing mga make ups. Lahat ay ang pinakamura ang binili ko.




Si Dave naman ay sunod lamang ng sunod sa akin at medyo naguguluhan. Kapag nakikita ko ang mukha niya na nakakumoot ang noo at salubong ang mga kilay ay natatawa ako. May mga iilang tao paring nakatingin sa amin, lalo na ang nga staff ngunit hindi ko nalang ito pinapansin.




Mukha kaming masayang couple ngayon. Masaya nga ba?




Erase bad vibes! Welcome good vibes. Dapat ay masaya lamang ngayon at sa mga susunod na araw. Susulitin ko nalang muna itong mga pagkakataon na makakasama ko si Dave.




Nang matapos akong mamili ay bumalik na kami sa kotse niya.




"Ano bang gagawin mo sa mga iyan?" tanong niya sa akin.




Binuksan ko naman ang mga pinamili ko at pinaghiwalay hiwalay ito.




Binigay ko sa kaniya ang isang short na maikli, isang tshirt na alam kong hapit na hapit sa katawan niya at isang mahabang kulot na wig.




Kumunot ulit ang noo nito at tinignan lang ang inaabot ko sa kaniya.




"Anong gagawin ko dito?" tanong niya.




Tumawa naman ako sa kaniya. "Wear it." nanlaki naman ang mata nito at umiling sa akin.




"No. I will not definitely wear that." sabi nito habang umiiling iling parin.




"Come on baby. Araw mo na ito para magladlad." natatawang sabi ko sa kaniya.




Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman mas lalo akong natawa. Naiisip ko palang ang itsura niya ay natatawa na ako.




"No. Hindi ako maglaladlad at ayokong suotin 'yan." lumungkot naman ako at sumimangot.




Akala ko pa naman ay mapapasuot ko sa kaniya ito. Binibigyan ko na din naman siya ng favor e. Araw niya ito para maiexpress niya ang tunay na gender niya. Aayusin ko rin naman siya para wala talagang makakilala sa kaniya.




"Alright. Alright. Susuotin ko na. Don't give me that face. Don't be sad." ngumiti naman ako ng pagkalaki laki sa kaniya at muling iniabot ang mga damit at wig.




Pumunta ito sa likod ng sasakyan at doon nagbihis.




Ako naman ay inayos ang mga make up na gagamitin ko sa kaniya.




Nang matapos siya ay bumalik na ulit siya sa upuan niya. Tama nga ang hinala ko. Hapit na hapit ang t-shirt sa kaniya. Bakat na bakat ang malaki nitong katawan. Ang short naman na binigay ko dito ay napaikli. Ang puti ng legs niya kaso malaki at mamuscle. Nagmukha na talagang syang bakla na nakikita ko sa mga videos na karaniwang pinapanood ko sa youtube.




Inis naman nitong hinahatak ang t-shirt niya. Tumawa ako at tinampal ang kamay niya.




"Don't do that. Masiaira ang damit." natatawang sabi ko sa kaniya. Sumimangot naman ito at hindi na hinihila ang t-shirt.





Ako naman ay pumunta na sa likod para magbihis.




"Wait. Wait. Wait. What are you doing?" tanong nito.




HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon