Lumabas na ako ng cr ng medyo kalma na. Humupa na ang init na nararamdaman ko pero hindi ang kabog ng dibdib ko. Lalo na ng naaninag kong nakatayo parin sya at mukhang inaantay ako.
"Ayos ka lang ba?" uminit na naman ang pisngi ako. Jusme. Ano ba ang nangyayari sa akin?
Lumapit ako sa kanya ngunit may kaunting distansya parin. Ayokong mamatay sa kaba kapag andyan sya malapit sa akin.
"Uh-m. Simulan na nating isukat ito. Lumalalim na din ang gabi. Para makapagpahinga ka na din." hindi sya nagsalita kaya inangat ko ang tingin ko ngunit hindi ko maaninag ng maayos ang mukha nya.
Simulan ko ng hubarin ang suot na damit ko. Inuna ko ang blouse ko. Habang tinatanggal sa pagkakabutones ay nakitang gumagalaw sya at papalapit sa akin. Naramdaman ko na naman ang matinding kaba. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko kapag lumalapit sya ngunit nanginginig ako at natataranta.
"Dyan ka lang! D-dyan ka lang Dave." ikinumpas ko pa sa hangin ang kamay ko na nagsasabing tumigil sya sa paglapit sa akin. Tumigil naman ito. Napabuntong hininga ako.
"Okay ka lang ba? Namumula ka e." tuluyan na itong lumapit sa akin at hinawakan ako sa siko. Napapitlag ako sa hawak nya at agad na naginit ang buong katawan. Napalayo naman ako agad sa kanya.
Hindi ko maintindihan ang nagiging reaksyon ng katawan ko.
"Okay lang ako. Naiinitan lang talaga ako." ipinaypay ko pa ang kamay ko. Totoong naiinitan naman talaga ako.
Lumapit sya sa akin at hinawakan ang blusa ko. Sya na ang nagpatuloy na kalasin ang pagkakabutones nito. Rinig ko pa ang malalalim nyang buntong hininga na tila nahihirapan. Nang makalas na ay dumistansya sya sa akin. Tuluyan na akong nakahinga. Kanina pa ako nagpipigil sa paghinga ng malalim.
Tinanggal ko na ng tuluyan ang blusa na suot ko. Alam kong nakatingin sya dahil natatanging bra nalang ang suot ko. Medyo nababawasan ang kaba ko dahil hindi ko naman nakikita ang reaksyon nya. Baka mahimatay na ako kaoag nakita ko ng malinaw ang mukha nya sa ganitong pagkakataon.
Hinanap ko na ang damit na mukhang hanggang pusod na ibinigay nya kanina para masuot na. Hindi naman kagandahan ang katawan ko kaya mas lalong nakakahiya sa kanya. Mukhang sanay naman sya na makakita ng halos hubad na mga babae dahil sa industriyang ginagalawan nya.
'Tsaka mukhang ganito ang nararamdaman ko na pagkailang at pagkabog ng dibdib dahil sya palang ang nag-iisang nakakahawak ng malapitan at nakakita ng katawan ko. Na kahit binabae pa ang pagkatao nya. Mukhang kailangan kong bawasan ang ganitong nararamdaman dahil mukhang wala naman syang pakialam.
"Uh-m Dave. Hindi ko kasi makita yung damit na pinapasuot mo sa akin. Pwede bang paabot nalang?"
Nanatili naman syang nakatayo ngunit gumalaw na rin kalaunan. Lumapit sya sa akin at may pinapasuot sa ulo ko. Mukhang ito na yung damit kanina. Kahit na ganun parin ang nararamdaman ko ay pilit kong itinatago ito para hindi mahalata ni Dave.
Tinulungan nya akong suotin ito. Tinali nya ang laylayan nito sa pusod ko banda. Tumatama ang mga daliri nya sa tyan ko na nagdudulot ng kakaibang init sa pakiramdam. Hindi nalang ako kumibo at hinayaan sya kahit na ang puso ko ay halos lumabas na sa katawan ko sa sobrang pagkakaba.
Sunod ko namang tinanggal ang pantalon na suot. Nag-iisa lang ito sa nga damit ko dahil ang karamihan ay mga palda na nagmula kay Inay. Nahirapan ako ibaba ito kaya yumukod si Dave at sya na ang nagtanggal. Nasama pa nf bahagya ang panty na suot ko ngunit sya na rin ang nag-ayos.
Bawat daplis ng haplos nya sa katawan ko ay parang elektrisya na nagliliyab sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung ano ito dahil ito ang unang beses na naramdaman ko ito.