30

3.5K 53 1
                                    

Nang matapos kaming kumain ay sa sala na kami nagpuntahan. Ngayon daw kasi ididiscuss yung mga kakailanganin namin para sa commercial shoot na ito.

Nakapalibot kami sa isang lamesa sa sala. Ang katabi ko sa kaliwa ay si Dave at ang sa kanan naman ay si Joey. Medyo awkward dahil kahit na nginingitian ako nito ay alam ko paring nakamasid parin ito sa amin.


"So, first of all ang brand na ieendorse ni Dave ay yung bago naming labas na camera. Ang theme nito ay broken hearted si Dave sa kanyang sinisinta and then lahat nalang ng memories na meron sila ay nasa camera nga na iyon. Andoon lahat kasi ng mga captured moments niya together with his girl but suddenly nawala si girl." mahabang paliwanag ni Gray.



Ganito pala ang ginagawa sa mga commercial shoot? May mga meeting din na nagaganap?


"Hindi na din kasi ito nasali doon sa file na ipinasa namin sa inyo since may las minute changes pa sa board para sa commercial na ito and Dave Lacosta is the face of our company kaya alam namin na lahat naman ay approved." dagdag pa niya.



Kaya pala walang nakalagay kung ano ang gagawin ni Dave sa commercial shoot na ito kumpara doon sa iba na nagooffer.




"So who is the leading lady here? Parang wala naman akong nakita." tanong ni Dave.



Oo nga pala. Sino ang gaganap na leading lady niya? May babae pala siyang makakasama. Kumirot naman ang dibdib ko ng panandalian.


"Ah. She's on the way na. Medyo natagalan sya kasi may shoot siyang cinover and sabi ko nga last minute na ito so last minute na din siya nasabihan. Good to know at napapayag agad sya." malapad na ngiti nito.



Natapos na ang mga dapat pag-usapan. Sinet-up na ng team ang nga gagamitin nila para sa shoot na ito. Sa likod pala nitong mansyon ay ang dalampasigan. Kaya pala ay nakakarinug ako ng mga hampas ng tubig.



Umakyat na din ako sa kwarto ulit namin para iayos ang lahat ng gagamitin nyang mga damit. Buti nalabg pala ay may dala akong mga damit na nababagay sa ganito. Nagdala kasi ako ng iba't-ibang damit dahil hindi nga sinabi kung ano ang gagawin ni Dave sa shoot na ito.



"Hi baby." rinig kong sabi ni Dave.



"Hmmm." sagot ko naman. Medyo busy kasi ako dahil namimili ako ng susuotin nya para mamaya.



Ayaw ko namang mapahiya dahil unang araw ko ito sa trabaho at palpak ako. Pero kahit ano naman kasing suotin ni Dave ay nababagay sa kanya. Kahit nga siguro butas butas na damit ay babagay pa sa kanya e.



Yunakap naman ito sa likod ko at nagsway sway na parang sumasayaw kami.



Natawa naman ako at niyakap din ang kamay nya na nakapulupot sa bewang ko.




"Napagod ka na ba? Mas marami pa tayong gagawin dito." tumawa naman ako at pinalo ang braso nya.




"Anong napagod? Ni wala pa nga tayong ginagawa e. Mamaya pa magsisimula ang shoot mo kaya magready ka na." tumawa naman ito at niyakap ako ng mahigpit.



Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin ng may kumatok sa pintuan namin.



"Dave. Start in 10 minutes. Andyan na yung leading lady." rinug kong sigaw ni Yen, iyong isa sa kasama namin sa team.




"Alright. We will be ther in five." sigaw ni Dave pabalik.




Binigay ko na kay Dave ang napili kong susuotin nya ngayon. Isang beach short at isang polo na bukas ang butones sa harap na nirereveal ang pinapangalagaang katawan nito.




HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon