61

3.1K 46 2
                                    

Bago pa makapagsalita si Marc ulit ay tumatakbo ang isa sa mga kasambahay nila na may hawak ng telepono.



Napatayo kami lahat dahil mukhang alam na namin kung sino ang tumatawag.



"Ser! Si Ma'am Laila po." hinihingal na sabi nito.



Agad na kinuha ni Marc ang telepeno at niloud speaker ito.



"Hello." si Marc.



"Oh well, well, well. Is this Marc Santillan?" nakakalokang sabi sa kabilang linya. Kung hindi ako nagkakamali ay boses ito ni Tita G.



"Nasaan si Laila?" galit na sabi ni Marc.



Tumawa ang nasa kabilang linya.



"Alam nyo kung ano ang kailangan ko. Ibigay nyo sila kapalit ng babaeng ito. Tatawagan ko ulit kayo para sa impormasyon. Alam nyo na kung ano ang gagawin. No police or other authorities or else you will not see Laila ever." natutuwang sabi nito pero bakas parin ang panganib sa boses nya.



Kinabahan ako lalo. Paano namin sya makukuha ng walang kasamang goverment authorities. Kukulangin kami ng tao kapag nagkataon. Ayokong isaalang-alang ang kapakanan ni Laila.



Namatay na ang linya kaya napaupo kaming nanghihina.



"They call us ng mas maaga sa inaasahan. Masyadong maaga. Wala pa tayong plano." sabi ng nanay ni Laila na kinakabahan na din.



"Fuck." rinig kong sabi ni Marc.



"Kailangan nating pag-isipan ng mabuti kung ano ang magiging palano. One wrong move, Laila will suffer." Dad said.



Nanghina ako lalo sa narinig ko.



Bakit ba ito nangyayari? Masaya na kami e. Sabi nya babalik sya dahil tatapusin nya lang ang mga problema nya. Babalik sya sa akin at magpapakasal kami. Pero anong nangyari? May chance pa na hindi sya makabalik sa akin. Fuck. Wag naman sana.



"I have a plan." I said.



I rather die kung mawawala din si Laila sa akin. I don't want to lose her. I will do everything kahit buhay ko pa ang nakataya.



Nagmeeting kami at sinabi ko na sa kanila ang magiging plano ko. They all agreed. Risky pero kakayanin ko. Hindi ko kayang nasa malayo at nasa panganib si Laila.



Matapos ang meeting ay naghanda na kami. Kung tatanungin ako, I'm physically fit but I'm emotionally weak. I learn different self defenses and I know how to handle and shot a gun. Parehas kaming nagtraining ni Marc noong bata pa kami. But I admit I'm weak right now, dahil ang lakas ko ay nasa panganib. Pero kailangan kong maging matatag para makuha ko sya ulit, para makasama ko sya ulit.




Nang matapos kaming magmeeting ay nagpunta ako sa veranda ng bahay. Kita ko dito ang mga nagrorondang mga tauhan nila Marc sa labas. Madilim at tahimik din dito na mas lalong nakakapagpakaba sa akin.



"Are you okay?" rinig kong boses ni Mommy.





Tumingin ako sa likod at nakita kong nakasandal sya sa dingding. Lumapit sya sa akin.




"Son, your plan is so risky. Kakayanin mo ba?"



Kaya ko nga ba? Naduduwag ako, oo. Pero ang buhay ng taong mahal ko ang pinag-uusapan dito.



"Yes, Mom. I love Laila so much." tumango tango ito at niyakap ako.



"Just promise to be safe and okay? Both you and Laila." I smiled at her and kissed her cheeks.



HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon