Nakarating kami sa airport at ang mga tao na nakakasalubong namin ay panay ang kuha ng litrato at sigawan dahil nakita si Kate at Dave.
Medyo awkward nga lang dahil ako ang katabi ni Dave at medyo may distansya sa pagitan nila ni Kate ngunit ngumingiti lamang sila sa mga taong bumabati sa kanila. Nakasakay na kami sa eroplano and ready to take off na.
Ang arrangement namin ay sa window side ako at katabi ko si Dave. Ang nasa tapat naman ng upuan namin ay si Kate at Marc. Yes, kasama si Marc. Kahit hindi naman kailangan ay sumama siya para makapagrelax din daw siya. Mukhang kailangan niya nga talaga iyon.
Ang nasa likod naman ng upuan ko ay si Joey at iba pang staff na kasama.
"Hungry?" nakangiting tanong sa akin ni Dave.
Tumango naman ako ng mabilis sa kaniya. Ramdam ko na din kasi talaga ang gutom at kumakalam na ang sikmura ko.
Itinaas naman nito ang kamay sa ere at may lumapit kaagad na stewardess sa amin.
"For breakfast please. Pakisamahan na din ng two coffee."
"Right away, Sir." kinikilig na sabi ng babae.
Natawa naman ako kaya pinalo ko ang balikat ni Dave ng makaalis na ang babae.
"What?" natatawang tanong nito.
Lumapit naman ako sa kaniya para bumulong.
"Kahit binabae ka ay may napapakilig ka paring ibang babae." natatawang bulong ko sa kaniya.
Tumawa naman ito ng malakas kaya napatingin ang halos karamihan ng pasahero sa amin banda.
"Well, that's me. Dave Lacosta." kibit balikat na sabi nito na animo'y nagmamayabang. Tumawa naman ako sa kaniya.
Malakas talaga ang tama niya, na kahit ako ay nabihag niya.
"Wait lang baby. Cr lang ako." tumayo na siya at nagtungo sa cr sa loob ng eroplano.
Naramdaman ko namang may kumalabit sa akin mula sa likod kaya tinignan ko kung sino ito at nakitang si Joey lamang ito na malaki ang pagkakangisi.
"Public Display of kalandian, Girl? Hinay hinay ah? Maraming naiinggit." malanding sabi nito na medyo natatawa.
Tumawa din ako at pabirong inirapan siya.
"Naku! Ganiyan lang talaga kami magkulitan." natatawang sabi ko.
Pabirong inirapan din ako nito at saka bumalik sa upuan niya.
Si Dave naman ay nakabalik na at umupo na sa tabi ko. Ang stewardess naman kanina ay nakabalik na ng may dala ng pagkain.
Ngumiti ang babae sa amin at saka inilapag ang mga pagkaing dala.
"Here's your meal, Sir and Ma'am. Happy eating!" masayang sabi nito.
Ngumiti ako at tumango sa kaniya. "Thank you" tumango din ito at umalis na.
Binuksan ko naman ang pagkain at kumain na. Ayos pala sa mga ganito at may mga pagkaing sineserve. Noong lumuwas kasi kami ni Tita G ay walang ganito dahil natulog lang naman ako at noong kasama si Dave ay hindi ko rin naransan ang ganito.
Nagenjoy ako sa agahan namin dahil panay ang tawanan namin ni Dave. Mukhang kami nga lang ang gising dahil tahimik ang eroplano at mukhang umiidlip pa ang mga sakay nito.
"Papayag ka ba?" tanong nito bigla sa akin.
"Saan?" balik kong tanong.
"Sa pag-aartista." sabi nito at binalingan na ako ng tingin.
