31

3.3K 46 0
                                    

Nagsimula na ang shoot nila. Unang ginawa nila ay magkahawak kamay na naglalakad sa dalampasigan. Meron ring nagtatawanan, at meron ding binubuhat buhat nya si Lianne at pinapaikot-ikot ito. Meron din namang solo si Dave, tila nawawala at malungkot. Meron ding solo si Lianne na tumatakbo, nagpapaikot-ikot.



Nakikita ko ang mga kuha nila Francis at Red dahil nakakonekta ito sa laptop na inooperate ni Logan. Magaganda ang mga ito. Si Gray naman ang nagsasabi kung ano ang mga gagawin nila. Napakaprofessional ni Dave sa larangan na ito. Mukhang nagmana siya kay Tita Maricel sa aspetong ito ha?



Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay naiinggit ako kay Lianne. Hindi pa ako nakakaranas ng inggit at ngayon pa lamang. Feeling ko tuloy ay inaagaw niya mula sa akin si Dave.




Hindi na lamang ako tumingin pa sa ginagawa nila. Nagtungo nalang ako sa mga gamit na dinala ko rito. Hinanda ko na ang pamunas at tubig ni Dave mamaya.




"Cut. Good job." rinig kong sigaw ni Gray.




Tapos na pala?




Lumapit si Dave sa akin at ngumiti.




"Ayos ba? Ang galing ko ba?" tanong nito habang malawak ang pagkakangiti.




"Oo naman." sagot ko rin habang pilit ang ngiti. Hindi ko na lamang pinahalata na pilit ang ngiti ko sa kanya. .




"Alright." tango nito.




Binuksan ko ang bote ng mineral water at binigyan sya.




Lumapit naman sa amin si Gray habang kasama si Lianne. Si Gray ay nakangiti sa amin habang si Lianne ay nakakunot ang noo at nakaisang linya ang mga kilay. Mahahalata mo ang disgusto nito sa akin dahil sa akin lamang sya ganoon ang tingin habang malawak ang ngiti kapag si Dave ang kasama.




"Maaga nating matatapos ito kapag nagtuloy-tuloy ang ganito. May chemistry talaga kayo ni Lianne. Isa din itong way para mapromote yung upcoming movie niyo. Kung magagawa ng maayos ay bukas makakalis na tayo." nakangiting sabi ni Gray. Malawak na ngayon ang pagkakangiti ni Lianne.





"Bagay naman talaga kami ni Dave e. Kaya nga ako ang napili nyang leading lady sa movie." taas-noong sabi nito.




Umismid naman sa tabi ko si Dave at umirap. Isa pa 'to. Nabibitch din siguro at naiinggit sa kagandahan ni Lianne.




"Hindi ako ang pumili. Ang network." mataray na sabi nito.




Tumawa naman si Gray at halatang napahiya si Lianne sa amin. Umirap ito at saka nagmartsa paalis sa harap namin.





Pinalo ko naman si Dave at sinibangutan.




"Ikaw ang bad mo ha." tumawa naman ito at niyakap ako.




"Hayaan mo siya. Ganoon lang talaga 'yun." sabi nito.





"So for now, you can rest. Bukas nalang ulit natin ituloy ito. Prepare yourself tomorrow." sabi ni Gray. Tumango lang si Dave at kinuha na ang mga dala namin.



Hinila na ako nito at pumasok na ulit kami sa mansyon.




"Bakit parang ang sama ng tingin sa akin ni Lianne?" tanong ko kay Dave ng makapasok na kami sa kwarto.





Hinubad naman nito ang suot na damit at humiga sa kama. Tinap nito ang tabi kaya sumunod din ako at humiga. Tumabi ako at niyakap sya.





HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon