"Do you like Marc?" galit na tanong nito.
"Huh?" naguguluhan kong tanong.
"Gusto mo ba si Marc?" ulit nito sa mas madiin na tono. Anong gusto?
"Gusto? Gusto maging kaibigan? Oo naman. Mukha naman syang mabait at magalang. Magkaibigan din naman kayo." naguguluhan kong sagot sa kanya.
Inihilamos nito ang mga palad sa mukha at sinabunutan ang sarili. Sinarado nya ang pintuan sa bahagi ko at umikot na patungo sa upuan nya.
Ano bang problema nya? Kanina pa sya ganyan e. Okay na din naman sya kaninang kausap ni Marc ngunit ngayon ay ganito na naman. Hindi ko sya maintindihan.
Nang makapasok sya ay iniharap ko sya sa akin.
"Teka nga. Galit ka ba?" nagtataka kong tanong.
Nagtagis lang ang panga nito at pinaandar ang sasakyan. Hindi sya sumagot pero nanatiling madilim ang mukha nya.
"Uy Dave. Galit ka ba?" kinalabit ko na sya para makuha ang antensyon nya. Inihinto nito ang sasakyan sa gilid at pagalit na tinignan ako.
"Yeah, I'm mad. Kanina mo pa akong tinatawag na Dave. What did I tell you? Sabi ko diba na tawagin mo akong baby everytime? And kanina you keep on smiling kay Marc. Dapat sa akin ka lang ganun hindi sa iba." hiningal pa ito dahil sa mabilis na pananalita.
Yun lang ba ang ikinagagalit nya? Natawa naman ako.
"Yan! Isa pa yan. Tumawa ka din kanina. Dapat sa akin mo lang din ipakita yung pagtawa." turo nito sa akin. Mas lalo naman akong natawa kaya sumimangot na sya sa akin.
"Sorry naman oh. Hindi ako sanay na tawagin kang baby kasi. Pero sige sasanayin ko na ang sarili ko simula ngayon."
"Dapat lang." nakasimangot parin nitong sabi.
"At yung kay Marc naman, kailangan naman talagang ngumiti. Manager mo yun at yun lang ang dapat na gawin. Mukhang magkaibigan din kayo. Wala namang masama sa pagngiti ko sa kanya." nakangiti kong sabi rito.
"No. Sa akin ka kang dapat ngumingiti at tumatawa. Tayo lang ang magkaibigan. Okay?"
"Hindi pwede ang ganun Dave. Kung mabait sila sa akin ay dapat na mabait din ako sa kanila." mahinahon kong sabi sa kanya. Kinuha naman nito ang kamay ko at pinagsaklob sa kamay nya.
"Hindi lahat ng nakapaligid sayo ay mabait. Hindi lahat ng mabait sayo ay gagawa ng mabuti. Nasa Maynila ka, Laila. Ang mga kaibigang itinuturing mo ang pwedeng sumaksak sayo sa likod ng hindi mo namamalayan." naging malungkot ang mata nito ngunit ng nakitang nakatingin ako sa kanya ay naging malumanay naman ang mata nito. Nalulungkot ba sya dahil ganun ang nga tao rito?
"Teka, bakit naman nila ako sasaksakin?" tanong ko sa kanya.
Hindi ko kasi maintindihan. Sa probinsya naman ay kahit na magkakalayo ang mga bahay namin sa isa't-isa ay maituturing kaming magkakaibigan. Nagtutulungan at nagbabatian, nagngingitian. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang tinuturing na magkaibigan ay kailangan magsaksakan?
Napabitiw ito sa akin at napahilamos sa mukha. Naging mahinhin ang mga mata nito na nakatingin sa akin. "Ang gusto ko lang iparating ay hindi mapagkakatiwalaan ang nasa paligid mo, Laila. Kaya wag kang basta-basta magtitiwala."
"Kahit sayo?"
Naging malungkot ang mata nito na nakatingin sa akin. "Oo. Kahit sa akin."
Umiling naman ako at ngumiti sa kanya. Pinagkakatiwalaan ko sya kahit sa maiksing panahon na pagkakakilala ko sa kanya. Wala syang ginawa sa akin kung hindi ang mabuti. Wala akong nakikitang masama para hindi sya pagkatiwalaan.
"Tama na nga ang usapan na ito. Mukhang hinihintay na tayo ng mga magulang mo. H'wag kang mag-alala at susundin ko lahat ng utos at mga payo mo."
Ngumiti na din ito sa akin. Pinagpatuloy nito ang pagmamaneho. Pumasok kami sa isang lugar na puro magagarang bahay ang naroon. Hindi na nga bahay iyon kung hindi mansyon e.
Tumigil ang sasakyan ni Dave sa isang puting malaking mansyon. May guard na nagbabantay sa harap at ng makita ang sasakyan ni Dave ay kumumpas lang ito at agad na bumukas ang gate. Nakakahanga.
Pumasok ang sasakyan nito sa loob. Napapaligiran ng mga bulaklak sa paligid. Matatanaw din ang isang kubo sa dulo ng hardin. Iginilid nya ang sasakyan at saka pinatay ang makina.
Nauna syang lumabas at agad na umikot sa akin para pagbuksan ako. Pumasok kami sa bahay nila ng magkahawak kamay. Kinakabahan ako. Heto na! Ito na nga.
Makikita ang mga magagarang gamit nila sa bahay. Mula sa malalaking ilaw, mga upuan, mga maliliit na kabinet at mga lamesa sa sala. Kaaya-aya ding tignan ang mga vase nito na naglalaman ng mga sariwang bulaklak. May isang malaking picture din na nakalagay sa sala nila. Nakakaagaw ito sa pansin dahil sa laki at sa mga mukhang nakakasilaw sa kagandahan.
Isang katandaang lalaki na kamukhang kamukha ni Dave. Ito siguro ang Tatay nya? Ang pinagkaiba lang nila ay sa labi. May bigote rin ito at kakakitaan parin ng kakisigan kahit na may katandaan na ang mukha. Sa gilid naman nya ay isang magandang magandang babae. Magkaparehas sila ng labi ni Dave. Ito siguro ang Nanay nya? Sa tingin ko ay magkasing edad lang sila nung asawa nya. Maganda ang Nanay nya. Maihahalintulad ko ito sa mga modelong nakikita ko sa magazine ni Betty. Kurba parin ang katawan nito at makikitaan ng kutis ang balat. Halata parin ang pag-aartista sa mukha nito. Andun din si Dave. Hindi ito nakangiti at seryosong nakatingin lang. Mas nadedepina talaga ang kagwapuhan nya kapag nakaseryoso. Ngunit mas nakakahumaling kapag nakangiti at nakatawa na. Ano ba itong naiisip ko!
Sa gilid naman ni Dave ay isang batang babae. Hindi naman sya mukhang bata dahil sa kurba ng katawan at sa mukha nito ngunit nasabi kasi sa akin ni Dave na may kapatid sya. Ito siguro iyon? Kakumukha naman ito ng Nanay nila. Mana sa kagandahan. Totoo ngang sa lahi nila ay magaganda at gwapo. Kahawig din nito si Dave kaya hindi din magkalayo ang mukha nila.
"That's my Family. Dad, Mom and Beatrice." nakangiting sabi ni Dave.
"Grabe ang lahi nyo. Napakaganda at gagawapo." natatawa kong sabi sa kanya. Ngumisi naman ito at ipinulupot ang kamay sa bewang ko.
"Ofcourse. Walang tapon sa amin." nakangisi paring sabi nya. Tumawa ako kaya natawa na rin sya.
"OMG. TOTOO NGA!" tiling sabi ng isang boses sa likod namin.