12

4.4K 56 0
                                    

Halos hindi na ako makatayo sa pagod na nararamdaman. Ngayon ko palang ito naramdaman sa tanang buhay ko. Nakakapanginit at nakakapanghina.

"Are you tired?" rinig kong boses ni Dave. Nakahilig parin ang ulo ko sa sofa at nakapikit.

Naramdaman ko ang kamay nya sa hita ko. Agad na naman akong ginapangan ng kaba at pangiinit sa katawan. Jusme, Laila! Ayan ka na naman!



Naramdaman ko ang pagpupunas nya sa gitna ko. Pagkatapos ay may ipinasuot sya sa akin at ipinangko ako. Naipulupot ko ang kamay ko sa leeg nya sa gulat. Naglakad sya at naramdaman ko nalang ang paglapat ng malambot na kama sa likod ko.


Umalis sya at pagkabalik ay isinuot ang salamin sa aking mata. Ngayon ay nakikita ko na ng klarado ang mukha nya. Mapungay ang mata nito ngayon na matiim na nakatitig sa akin, umiigting ang panga at kumikibot kibot ang mga maninipis na labi.



"You seem so tired. You need to rest. We will just continue tomorrow. Goodnight baby." at saka ako hinalikan sa noo.



Nakaalis na sya ngunit tulala parin akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Unang araw ngunit ang dami ng nangyari. Tinignan ko ang suot ko at nakita ang isang daster na kulay pink. Napangiti ako. Magaling talaga sya sa pagpili ng mga damit na babagay sa susuot.


Kinuha ko na ang kumot at itinakip na sa katawan ko. Dahil na rin sa pagod ay madali akong nilamon ng antok.





Maaga akong nagising, katulad ng gising ko sa probinsya. Alas kwatro palang ng madaling araw at patay pa ang mga ilaw. Tulog pa ata si Dave, kung sabagay ay ang mga taga Maynila raw ay may night life na tinatawag kung kaya't sanaybsilang madaling araw matulog at tanghali kung gumising.



Kinuha ko ang twalya, maliligo na muna ako at sisimulan ko na ang paglilinis. Nang matapos sa pagliligo ay nagtungo na ako sa kwarto para makapagbihis. Tinignan ko ang mga binili ni Dave para sa akin. Ang bilin nya ay kinakailangan kong suotin iyon, mapabahay o aalis kami.


Pinili ko ang isang short na maikli talaga at isang sando. Maglilinis pa kasi ako kung kaya't pagpapawisan pa ako masyado kung magttshirt ako.



Pumunta na ako sa sala. Andun pa ang mga nagkalat na mga damit na pinamili ni Dave. Inayos ko ito at itinupo. Ipagpapatuloy pa kaya namin ang pagsusukat ng mga ito?


Isinalansan ko naman ang mga sapatos at heels na binili nya. Alas singko na ng matapos ako kaya pumunta na ako sa kusina. Maghahanda na ako ng agahan namin. Hindi ko pa din kasi alam kung anong oras ang gising ni Dave kaya mas mabuting maaga akong makapagluto.



Nagsaing ako at isinangag ang kanin. Nagluto din ako ng itlog, hotdog at tocino. Hindi ko pa alam ang gusto nyang pagkain sa agahan kaya kanin ang inihain ko. Ganito kasi sa probinsya namin, kanin ang agahan para may lakas ka kapag tutulak ka na sa trabaho o sa eskwela. Kung tinapay lang kasi ang kakainin ay paniguradong ilang lakaran lang ay magugutom ka na.


Naghanda din ako ng dalawang kape. Isa sa akin at isa naman ay kay Dave. Hindi ko alam kung nagkakape sya pero mas mabuti kung napaghandaan ko na sya.


Pagkalapag ko ng kape sa lamesa ay sya namang pagpasok ni Dave sa kusina. Magulo ang buhok at walang saplot apng itaas, nakikita tuloy ang malaki nitong katawan. Napaiwas naman ako ng tingin.


"Ang aga mo ah. Good morning." lumapit ito sa akin at humalik sa pisngi.



Napatulala naman ako sa kanya. Kahit sinong lalaki ay wala pang nakakahalik  sa akin, maski sa pisngi. Ngunit hindi ata nito napansin ang pagkakatulala ko. Nagkusot lang ito ng mata at umupo na sa upuan.


"Tatayo ka lang dyan? Hindi ka kakain?" napakurap kurap ako at umupo na rin kaharap nya.


"Buti rice ang niluto mo. Heavy meal kasi ang kinakain ko every morning since nagggygym ako kaya mas okay na rice talaga ang kinakain ko."



Tama pala ang desisyon ko na kanin ang lutuin. Ngumiti nalang ako sa kanya at sinimulan ang pagkain.



"Hmm. I like your coffee. Tama lang sa tamis." tnikman ko din ang kape na tinimpla ko. Ito kasi ang nakasanayan kong timpla sa probinsya. Mukhang nagustuhan nya ah. Napangiti nalang ulit ako.



"By the way, mamaya na natin pag-uusapan about sa whereabouts ko. Yung mga schedule, oras ng pagtulog, anong pagkain dapat ihahain, anong isusuot ko. Then mga 5 pm amy meeting tayo sa manager ko. Ipapakilala kita as p.a ko but at the same time girlfriend ko. Okay?" nakangiti nitong sabi.


Napainom ako ng tubig. Mamaya ko na sisimulan ang pagpapanggap na nobya nya? Napalunok ako ng marahas. Kinabahan ako bigla. Paano kung pumalpak ako? Wala akong alam sa pakikipagrelasyon.


"Don't worry. Akong bahala sayo. Tuturuan din kita mamaya ng mga dapat mong gawin kapag nasa public tayo. Okay?" sabi nito ng napansin ata ang pagkabahala ko. Ngumiti nalang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain.



Pagkatapos namin kumain ay iniligpit ko na ang mga pinagkainan at hinugasan. Si Dave naman ay maliligo na muna raw at mag-uusap na kami pagkatapos.


Nang matapos akong magligpit ay nagtungo na ako sa sala. Si Dave naman ay pababa na at may mga dalang papel.


Umupo ito sa tabi ko at nginitian ako.



"Shall we start?"

HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon